Chapter Twelve

87 4 0
                                    

Date

(Expect the unexpected.)

"At ikaw? Anong ginagawa mo rito?" Baling niya sa akin pagkatapos sundan ng tingin ang dalawang guards.

Nangapa ako ng salita. Hindi ko alam kong anong isasagot sa tanong niya, ang alam ko lang ay hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang totoong dahilan.

"Hahaha, malamang dre, sinundan tayo niyan."

Kainis talaga 'tong kalbo na'to. Sana pala tumakbo nalang rin siya kasabay nong mga guards na kalbo rin katulad niya.

Hinintay ni Wanton ang aking sagot pero hindi ako nagsalita. Nag mukha tuloy tama ang sinasabi ni Kalbo.

"Sinundan mo kami?"

"Ah, kasi, Wanton---"

"Sumunod ka sa akin sa labas." Putol niya sa akin at umunang lumabas.

Naiwan ako kasama ng tatlong bebe.

"Patay ka, galit na naman sa'yo ang lalaking mahal mo." Takot sa akin ni blackjack.

"Che! Mas nakakatakot pa rin ang mukha mo!"

Inirapan ko sila at napagdesisyonang lumabas na.

Nakita ko kaagad si Wanton sa labas at nakahilig sa kanyang sasakyan. Nakatingala siya pero bumaba rin ang tingin nang makita ako.

Kinagat ko ang aking labi at nagmarsta at nagtungo sa parking lot kung nasan siya.

Mas nakakatakot siya ngayon. Kahit na malamig parati ang tingin niya at walang emosyon ang mukha, ngayon ay nakikita ko ang irita sa kanyang mukha. Halatang-halata na galit siya.

Huminto ako sa harap niya habang nakayuko. Ayokong tignan ang mukha niyang halatang galit.

"Wanton---"

"Umuwi ka na..." Putol niya kaagad sa akin.

Tumingala agad ako sa kanya. Kitang-kita ang paggalawan ng muscles niya sa mukha dahil sa matinding pagpipigil. He gritted his teeth.

"Umuwi ka na bago pa ako makapatay ng tao dahil sa'yo." Parang kidlat ang boses niya sa aking pandinig.

"Sorry." Sabay yuko ko.

Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa sa paghingi ko ng paumanhin na iyon. Hindi ko pinilit na tignan siya at baka hindi ko kayanin ang galit sa kanyang mga mata.

"A-akala ko k-kasi papapasukin ako sa mga ganitong luga---"

"So, sinundan mo nga kami?" He asked.

Kinagat ko ulit ang aking labi at hindi na nagsalita.

Narinig ko siyang tumawa ng mapanuya."Huh! Ang lakas naman ng loob mong sundan ako! Ha? Witless?"

Natigilan ako nang tinawag niya ako sa totoo kong pangalan sa unang pagkakataon. Ngayon ko lang narinig iyon sa kanya at ngayon lang rin niya ako binigyan ng bansag. Wala kasi siyang tawag sa akin.

"Hindi mo manlang inalam kong makakapasok ka sa mundong pinasukan ko?"

"I-i don't know na bawal pala ang minor sa mga bars."

Really, Hindi ko alam. Kong alam ko lang hindi na sana ako pumasok.

"Nag-aaral ka di ba? Bakit parang wala kang natutunan?" Insulto niyang sabi sa akin.

Kumirot ang aking puso. Para niyang pinaparating sa akin na para talaga akong isang malaking bobo. Ang galing niya talagang mang-insulto.

"S-sorry talaga. If I would've know---"

Chasing YouWhere stories live. Discover now