CHAPTER 5 ~Caught ~

168K 3K 243
                                    

CHAPTER 5

SKY'S POV

Nag-aalalang dinaluhan ko si Adonis. Niyugyog ko pa siya pero hindi parin siya nagdidilat ng mga mata. Hindi ko naman siya nilason ah? Promise! Hindi ako guilty. Kahit anong inis ko naman sa kaniya hindi ko naman maiisipan na lasunin siya.

Well, siguro maiisip lang. Pero wala talaga akong ginawa sa pagkain niya. Wala naman akong masamang intensiyon. Hindi kaya allergy lang siya or something? Wala naman akong maisip ng ibang dahilan ng pinagkakaganiyan niya.

Tinapat ko ang mukha ko sa dibdib niya. Tumitibok naman ang puso niya. Anak ng tokwa! Wala pa naman akong alam sa mga ganito.

"Shit! Shit! Patay ka na ba?"

Stupid, Sky. Syempre kung patay na siya hindi iyan magsasalita. Kung tatawagan ko naman si Mommy siguradong pagagalitan ako no'n. Pero hindi ko naman kasalanan diba? Ang sabi niya lang magluto ako.

Hindi naman niya sinabi kung anong pagkain ang ipakain ko sa kaniya. "Should I just burry you and run away? Pero siguradong mahahanap ako ng parents mo. Gayahin ko kaya iyong sa napanood kong horror? Isemento kaya kita sa pader para walang makadiscover sayo?"

Sheesh! Nagiging kriminal pa ako dahil sa lalaking ito. Tinapat ko ulit ang tenga ko sa tapat ng puso niya. He's still alive. "I just need to...pump your chest or something. Right?"

Ginawa ko nga iyon. Ganon kasi ang isinusulat ko sa nobela ko. Hindi nga lang detailed dahil wala naman akong alam do'n. Oo nga agent ako, pero hindi naman ako doctor. Ayoko sa lahat ay ng ituro samin ang First Aid. At saka ang mga mission ko naman ay walang kinalaman sa pakikipag-interact sa ibang tao. I just need to do my job then leave.

"Then I-I need to kiss you right?"

Huminga ako ng malalim at pagkatapos ay inilapat ko ang mga labi ko sa kaniya. Pagkatapos ay nag-aalangang pinump ko na naman ang dibdib niya. Nang hindi parin siya nagdidilat ng mga mata ay hinalikan ko ulit siya. To be honest hindi ko alam kung anong kinalaman ng halik sa pagrerevive ng tao. You just put yout lips on theirs tapos gigising na? Ano yon Sleeping Beauty?

Bago pa ako makakilos para ipump ulit ang dibdib niya ay pumalibot na sa katawan ko ang mga braso niya. Napasinghap ako at pilit na kumawala ngunit inikot niya lang ako upang siya naman ang nakaibabaw sa akin.

"You!" hindi makapaniwalang sabi ko. Ngumisi siya. Naniningkit ang mga mata na sinalubong ko ang tingin niya. Ang hudyo na ito! Tuluyan ko na kaya siya?!

"Got yah."

"Nakakainis ka!"

"You should have seen your face. Priceless. And what kind of mouth to mouth resuscitation is that? Nirerevive mo ba ako o pinagsasamantalahan lang?" natatawanong tanong niya.

"Fuck you!"

"Mouth."

Sinimangutan ko siya at sinubukan kong makakawala ulit. Pero hindi ako nagtagumpay dahil hindi parin siya natitinag sa ibabaw ko. Inipit niya din ang mga hita ko para hindi ko siya masipa. Wise man.

"Fuck off." I hissed.

"Mouth."

"Ano ka si Christian Grey? Tigilan mo nga ako."

"I dont know who you're talking about pero hindi parin maganda ang nagsasalita ng mga ganiyan sa isang babae na katulad mo."

"Wala kang pakielam!"

Umangat ang gilid ng labi niya. "You're just pissed off because I played you."

Hinampas ko siya sa braso. "So totoo nga! Walangya ka! Tinakot mo pa ako tapos nakikipaglaro ka lang pala! Let me tell you this, stranger. I dont play your kind of game...I have a game of my own and it's far from this shit."

BHO CAMP #1: The Playgirl's KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon