CHAPTER 22 ~ Little Bean ~

123K 2.9K 512
                                    

CHAPTER 22

SKY'S POV

Basta-basta na lang ang pagkakalagay ko ng mga damit ko sa luggage bag ko. Hindi ko alintana na nagkalukot-lukot na iyon. Iisa lang ang nasa isipan ko ngayon. Ang makaalis sa lugar na ito. Para sa ikatatahimik ng lahat.

Alam kong dapat akong umalis. Pero bakit nasasaktan ako? Bakit parang ang hirap-hirap? I know I'm doing the right thing.

But maybe it's true...that doing the right thing doesn't give you the assurance that it will make you happy. Sometimes, it just means that you will put a smile into your love one's face, while you are left with nothing but tears.

Kadalasan sinasabi ng iba na kapag nakita mong masaya ang mga tao sa paligid mo, kapag alam mong masaya na ang taong importante sayo ay magiging masaya ka narin. But the truth is, it doesn't make the pain go away. It will just make it more bearable.

But what I don't understand is why I find it hard to go. Wala siyang halaga sa akin. Hindi ko siya mahal. Pero bakit bawat hakbang ko palayo ay parang dinudurog ang puso ko?

"Are you leaving us again?"

Nag angat ako ng tingin. Kaagad na ibinalik ko ang atensyon ko sa ginagawa ko ng makita ko si mommy na nasa may pintuan ng kwarto ko. Sa tabi niya ay tahimik na nakatayo lang si daddy.

"It's not working out, mom. Mas gusto ko talaga sa America-"

"Don't lie to me Skylee. You're my child. Hindi mo pa sinasabi nararamdaman ko na. You cry a lot when you were young. Lahat halos ng bagay iniiyakan mo. You used to run to me and cry in my arms. You used to tell me everything. Pero alam ko na malaki ka na. Alam ko na gumagawa ka narin ng sarili mong desisyon. But it still breaks my heart...to see my child suffering and I can't do anything to ease the pain."

I thought the tears finally run dry. But I'm wrong.

Lumapit sa akin si mommy at magaang pinunasan ang mga luha ko. "If this is what you really want, then I won't stop you. Just dont forget that whatever you're going through, you don't need to do it alone. Lagi lang kaming nandito para sayo. Para sa inyong magkakapatid."

"It's my fault. I just want to make it right."

Nabigla ako ng bigla na lamang akong hilahin ni daddy at ikinulong sa mga bisig niya. "I'm giving that boy the benefit of the doubt. Magkakasabay kayong lumaki. And as far as I can tell, he was a good child. Hindi ko alam kung anong nagbago, but I will find it out. And if I don't like it, I will break every bone in his body for doing this to my girls."

"Dad. No. Ako lang ang may kasalanan..."

"I don't give a damn on who may or may not be at fault. Parents doesn't think that way, Sky. Or at least we don't think that way."

Pinakawalan ako ni daddy at siya na mismo ang nagsarado ng maleta ko. Ibinaba niya iyon sa sahig bago ako hinarap.

"Your mother and I will let you leave again. To let you think. To give you time. But remember this, Sky. You will come back. I won't let this family crumble to the ground. No matter what you think...everyone deserves happiness. One can't have too much, while the other has less."

Yumakap ako sa kanilang dalawa. Unti-unting pinikit ko ang mga mata ko, humihiling na sana nga tama si daddy. Na hindi ito ang magiging huli naming pagkikita. Na hindi nasira ang pamilya na binuo nila para sa amin. Na magiging masaya din ako.

That somehow...I still deserves it.

HINIHINGAL na napabalikwas ako ng bangon sa kama. Nananaginip lang pala ako. Nanginginig ang katawan na umupo ako. Sumandal ako sa headboard habang nag po-pokus sa paghinga ko na nakakatulong para kumalma ako.

BHO CAMP #1: The Playgirl's KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon