CHAPTER 11 ~ Kiss ~

156K 2.9K 246
                                    

CHAPTER 11

SKY'S POV

Maghapon ako na nasa labas ng bahay. At dahil hindi naman ako nagtatrabaho sa BHO CAMP bilang kahit na ano ay mas marami akong oras para sa sarili ko. Hindi kasi katulad sa iba na bukod sa pagiging agent ay umaakto din bilang waiter o waitress, chef, hardinero o kung ano pa na front nila. Idagdag pa na halos dalawang linggo na kaming hindi nag uusap ni Adonis.

Blessing in disguise na lang din na mayroon silang kailangan asikasuhin nila Hermes at Den. Magkakaroon daw ng date with a Royalty band member at ipapatelevise daw iyon kaya inaasikaso na nila ngayon. Mabuti na iyon dahil ayoko pang makita si Adonis.

Itinapon ko sa malapit na basurahan ang hawak kong maliit na box na pinaglagyan ng corn dog na kinakain ko kanina at pagkatapos ay pumasok na ako sa loob ng grocery store. Wala na naman akong stock kaya kailangan ko ng bumili ulit.

Naalala ko pa iyong araw na nagpunta kami dito sa Dasma ni Adonis. Pagkatapos ng sinabi niya kasi ay tinakbuhan ko na siya. Hindi naman siya makaalis dahil hindi pa siya nakakabayad. Alam kong hinanap niya din ako sa mall pero sadiyang magaling akong magtago. Bumili ako ng ticket na aabot hanggang last full show, which by the way is expensive, at hindi na lumabas doon hanggat hindi ako nakakasiguro na wala na siya. Laking pasasalamat ko na lang na nakaalis na siya bago pa ako maduling sa palabas na pinanood ko ng hindi ko na mabilang kung ilang beses. At mabuti na lang din na nasa SM Dasma din si Snow at Phoenix kaya may nasabayan ako pauwi.

Ipinilig ko ang ulo ko. Nandito ako para mag grocery at hindi para isipin ang hindi maintindihan na taong iyon.

Kumuha ako ng cart at dumiretso na ako papasok. Hindi ko pinansin ang ilang napapatingin sa akin. Karamihan ay mga kalalakihan na parang gusto na lamang sumunod sa akin. Ang iba naman ay mga kababaihan na napapataas ang kilay habang sinusundan ako ng tingin. Pakielam ba nila sa ayos ko.

Balot na balot na nga ako sa lagay na to. Nakasuot ako ng pulang tank top na kita ang pusod ko. Of course, may leather jacket ako na suot at naka skinny jeans din ako na itim at biker boots na paniguradong kapag may natamaan ako ng heels no'n ay siguradong may magsisisigaw rito.

Sinong tao ang nagdadrive ng bigbike na nakaheels? Well, ako. Though hindi ko naman dala ang baby ko ngayon. Mamimili ako kaya hiniram ko ang convertible ni Phoenix. Ayoko kasi talaga ng mga kotse na sobrang sarado dahil pakiramdam ko sinasakal ako. Hindi naman ako claustrophobic pero mas enjoy ko kasi kapag malaya ang pakiramdam ko. Figures. Skylee Reynolds, the free soul. I should put that on my tombstone.

Una kong pinuntahan ang poultry section at kumuha na do'n ng isang buong chicken meat. Hindi na ako kukuha ng pork meat dahil marami naman no'n sa dining hall. Doon na lang ako bibili kapag gusto ko.

Nang makuha ko na ang iba pang mga kailangan ko ay sa cup noodles naman ako pumunta. Nakasimangot na nagkukuha ako roon habang pilit winawaksi sa isipan ko ang Cup Noodles Episode namin ni Adonis.

Pagliko ko ay napailing ako ng mapunta naman ako sa baking supplies at isang salita lang ang pumasok sa isip ko; Pancake. Seriously. Nananadiya ba ang tadhana at lagi na lang pinapaalala sa akin ang possesive na lalaking iyon?

Nagdadabog na kumuha ako ng isang box ng pancake mix. "Kung hindi ka lang masarap baka sinilaban na kita. Pareho kayo ng lalaking iyon. Kung hindi lang siya masarap- ARGH!"

Napapitlag ang isang empleyadong lalaki na nag-aayos sa stante ng mga nakabox na harina. Nag peace sign ako sa kaniya at pagkatapos ay umalis na. Mamaya ay mapagkamalan pa akong baliw at maipatapon sa labas.Nagpasya na lang akong pumunta sa section kung saan nandoon ang mga chips. Wala namang makakapagpaala sa akin kay Adonis don.

BHO CAMP #1: The Playgirl's KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon