CHAPTER 17 ~ Always ~

149K 2.8K 161
                                    

CHAPTER 17

SKY'S POV

Tahimik lang ako habang panay ang kain ko. I need this. Ang init ng panahon at umiinit din ang ulo ko. Kailangan kong mag relax dahil may mission pa kami mamaya. Mission na hanggang ngayon ay hindi parin namin napag uusapan ng magaling kong partner.

Kanina pa siya nawawala at napagod na ako kakahanap sa kaniya. Kaya eto nilantakan ko na lang ang isang buong watermelon na nakita kong nakadisplay dito sa dining hall. Hindi na ako napigilan ng kitchen staff ng bigla ko na lang iyong kinuha at sinimulang kainin. Kapag ganitong badtrip ako sa mundo kahit tao gagawin kong watermelon. Or kahit tao kakainin ko? Whatever!

"Nakita mo ang wifey ko?"

Nag angat ako ng tingin at tinignan ko ng masama si Hermes na umupo sa harapan ko. "Anong akala mo sa akin? Nanay niya?" tanong ko.

"Hindi. Mas maganda sayo si Tita Thea."

"Ang kapal mo-"

"Naangal ka na niyan? Lagot ka isusumbong kita- Sky!" naputol ang sasabihin niya at napaangal na lang nang batuhin ko siya ng balat ng watermelon na puro kagat ko. Diring diri na ibinaba niya iyon at sinimangutan ako. "Hindi ko alam kung paano natatagalan ni Wifey ang cowboy mong presensya."

"Hermes."

"O?"

"Bakla ka ba?" Napasinghap siya. Napangisi ako. Alam ko namang hindi siya bakla. Gusto ko lang talaga siyang asarin hanggang sa mukha na siyang mapapakamatay. "Silence means yes?"

"Ang sama mo Sky! HIndi ako bakla!"

"Weh? Sigurado ka diyan?"

"Baka gusto mong sampolan kita ng halik kong tiyak na ikamamatay mo. Killer kiss to yow!" hamon niya.

"Talaga?" nakapalumbaba na tinignan ko siya. "Buhay pa naman ako ah. Nahalikan na kita dati diba? Hindi naman ako namatay."

Namula siya. Eto ang nakakatuwa kay Hermes. Ang bilis mag blush. Kung naging babae lang siya paniguradong isang dosenang lalaki ang makikipag-agawan sa kaniya. Panigurado din ng isang dosenang anak ang meron siya sa isang dosenang lalaking mga iyon. You're not making any sense again Skylee.

"Ang yabang mo talaga Sky. Kung wala lang tayong pinagsamahan baka nakatikim ka na ng pinagkakaguluhan ng mga kababaihan na halik ko. Isa kang malaking dagok sa kamachohan ko."

"Is that an invitation?" Nakangiting dumukwang ako sa lamesa para mapalapit ako sa kaniya. May kung anong kinuha ako na alam kong hindi na niya napansin.

Imbis na lumayo ay natulala lang siya. Ngayon ko talaga napatunayan na iba talaga ang epekto ko sa mga lalaki. Malaki nga akong 'dagok' sa kamachohan nila. Inilapit ko ang mukha ko kay Hermes at pagkatapos ay inilapat ko ang kamay ko na may hawak ng piraso ng watermelon sa mukha niya. Napanganga siya ng nakangiting ikinalat ko pa iyon sa mukha niya na animo ginagawan siya ng facial.

"Lamig no?" nang-aasar na tanong ko.

"SKY! ANG LAGKIT!"

Tinawanan ko lang siya nang nagtatakbo siya papunta sa kitchen ng dining hall. Malamang makikihugas. Siya lang naman ang pinapayagan na makapasok sa kitchen ng dining hall dahil walang tiwala ang mga kitchen staffs sa aming mga agents.

Nginisihan ko ang mga agents na nanonood sa munting scene namin ni Hermes. Napailing na lang sila. Si Kuya Stone na tahimik na kumakain ay binato lang ako ng maliit na pakete ng tissue. "Thanks, kuya!"

"Hmm."

Dinilaan ko lang siya. As usual ang tipid sumagot. Parang krimen sa kaniya ang makasagap ng maraming hangin na hinihinga naming mga normal na tao. Ay wait. Hindi nga pala ako normal. Dyosa ako. Ibang level 'yon.

BHO CAMP #1: The Playgirl's KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon