CHAPTER 21 ~ Rivals ~

109K 2.7K 438
                                    

CHAPTER 21

SKY'S POV

"Why Sky? Bakit ikaw pa? Mang-aagaw ka. Selfish ka. From the very start, lagi mo na lang gusto na sayo ang lahat. Why can't you just let me be happy? Bakit ba hindi ka na lang mawala?!"

Umiling ako. "Storm, hindi. Mali ka ng iniisip."

"Hindi ako bulag! Gusto mo ba siyang kunin sakin? O katulad ng mga lalaki sa buhay mo gusto mo din siyang paglaruan? Hayaan mo na kami. Hayaan mo na kaming maging masaya!"

Umangat ang kamay niya ngunit kaagad na napigilan ko iyon. Lumuluhang sinalubong ko ang tingin niya. "Sa tingin mo hindi iyon ang ginagawa ko? Hindi ko ba gustong maging masaya ka? Lahat kaya kong ibigay. Lahat lahat kaya kong iwanan, para sayo!"

"Sinungaling ka! Alam ko kung ano ang gusto mong gawin. Kahit noon pa. Kahit ng mga bata pa lang tayo nararamdaman ko na malaki ang galit mo sa akin."

"Hindi totoo yan, Storm."

Sinaklot niya ang harapan ng damit ko. Sa kabila ng damit na suot ko ay nararamdaman ko ang pagbaon ng mga kuko niya. "Sinungaling ka! Mang-aagaw!"

"Hindi ako mang-aagaw!"

Pilit na itinulak ko siya palayo sa akin ngunit hindi siya bumibitaw. Naramdaman ko narin ang ilang mga kamay na pinaghihiwalay kami.

"Fucking let go, Storm!"

Si Kuya Blaze. Hila-hila niya si Storm habang si kuya Stone ay hawak ako sa braso. Sa gitna namin ay nandoon si Adonis na nakatingin kay Storm.

"Tama na, Storm. Hindi niya kasalanan. I was the one who kissed her." Adonis said.

Hindi niya pinansin si Adonis at lumuluhang tumingin lang sa akin. "Eto ba ang gusto mo? Ang kunin sa akin ang lahat? Akala ko ba kakampi kita? Akala ko ba mahal mo ako? Bakit, Sky? Bakit ikaw pa?"

"Storm..."

"I just want him to love me. Nagmamakaawa ako, Sky. Akin na lang siya. Hayaan mo na lang siyang mahalin ako. Hayaan mo na kami."

"Storm-"

"Buntis ako."

Napaatras ako ng marinig ko ang sinabi niya. Hindi makapaniwalang umiling ako. Bakit kami pa? Bakit kami pang magkapatid ang nagkakaganito? I don't think I can do this. Kahit na anong gawin ko. Kakailanganin kong umalis.

God, is this my karma? For being what I am. Dahil kung, oo. Dapat ako na lang ang pinarusahan Niyo. Hindi ang kapatid ko. Sana sa akin Niyo na lang binigay lahat. Mas kakayanin ko pa ang masaktan kesa ang makita ang kapatid ko na nahihirapan.

I deserve this and she doesn't.

"What the hell, Storm?!" kita ang gulat na bulalas ni Adonis at hindi makapaniwalang nakatingin sa kapatid ko.

Hinarap ni Storm si Adonis. "I was about to tell you. Pero nakita ko kayong dalawa!" Ibinato niya kay Adonis ang isang papel. Bagay na hindi ko na kailangang makita kung ano ang nakasulat.

Kuyom ang mga kamay na nilapitan ko si Adonis. Pilit na inalis niya ang tingin niya kay Storm upang ibaling ang atensyon sa akin. Puno ng galit na sinampal ko siya.

Hindi siya umiwas. Sa nanginginig na mga kamay ay sinaklot ko ang damit niya. "It was enough that we played that game while you're playing with my sister too. Tama ng pinagsabay mo kami. But this....but this is too much. Sobra-sobra na, Adonis. Alam kong madami akong nagawang kasalanan sa buhay ko pero wala akong ginawa na masama sayo. From the very start, you know that I don't commit. Sa simula pa lang alam mo kung ano ang hindi ko kayang ibigay."

BHO CAMP #1: The Playgirl's KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon