CHAPTER 10 ~ Game ~

154K 2.9K 127
                                    

CHAPTER 10

SKY'S POV

Nag-iinat na tumayo ako mula sa pagkakasalampak ko sa sahig. Mag a-alas singko na ng madaling araw at hindi parin ako natutulog. Tinapos ko pa kasi ang isang nobela ko na matagal ng naimbak sa laptop ko.

Mula ng matapos ang mission no'ng isang araw ay hindi na ako lumabas ng kwarto ko. Sa umaga natutulog ako at sa gabi naman ay gising na gising ako. Hindi kasi gumagana ang utak ko sa umaga. Nag ha-hybernate mode.

Tumayo ako at dumiretso sa kusina. Kung may iba lang na nakakakita sa akin ngayon ay malamang nagtataka na iyon sa ayos ko. I'm not my usal badass self. This is the writer Skylee version.

Nakasuot lang ako ng butas-butas na sando, maikling shorts at ang eye protector glasses ko. Magulo din ang buhok ko na basta ko na lang itinali.

Nang makarating sa kusina ay napaungol ako ng makita ko ang fuhsia pink kong jar na halos wala ng laman. Mukhang kailangan ko ng mag re-stock at nauubos na ang mga pagkain dito. Especially milo. Yah know. The chocolate drink. Ang milo kasi ang kaagapay ko sa paglalamay ng mga nobela ko. Siya ang nagpapanatiling gising sa diwa ko na gusto ng humimlay.

Nang matapos akong magkanaw ng inumin ko ay bumalik na ako sa sala. Akmang uupo na naman ako sa carpeted floor ng may mapansin ako. Nawawala ang laptop ko.

Napadiretso ako ng tayo at lumipad sa isang bahagi ng kwarto ang paningin ko. Napatili ako ng may makita akong tao do'n na hawak ang pinakamamahal kong laptop.

"Jesus, woman."

Napatigil ako sa pagtili. Adonis. "Anong ginagawa mo dito?!"

"Binibisita ka." Naglakbay ang mga mata niya sa katawan ko. Humalukipkip ako upang kahit paano ay matakpan ang sarili ko. "I like this version of Skylee."

"Whatever."

Naningkit ang mga mata ko ng bumalik ang atensyon niya sa laptop ko. Gusto ko na siyang kalbuhin nang bigla na lang siyang nagsalita. "Inipit niya ang katawan ko sa pamamagitan ng kaniyang matigas na katawan. Ang ano mang pagtutol ko ay pinutol niya sa isang maalab na halik. Sa isang iglap ay bigla na lamang niyang ipinasok ang kaniyang kahandaan sa aking kaibuturan-"

"Adonis!" tili ko.

His eyes light with humor, "You're a writer. Who would have thought?"

"Akin na yan!"

Lumapit ako sa kaniya at inagaw ko iyon. Ibinaba ko iyon sa coffee table at nakapamewang na hinarap ko siya. "Paano ka nakapasok? Anong ginagawa mo dito?"

"I'm an agent so I guest that answer your question. Sa pangalawa mong tanong, hindi ka kasi lumalabas. I got worried."

"I'm alive, I'm fine so pwede ka ng umalis at lubayan ako. Kapag ganitong inaantok ako nagiging murderer ako kaya please lang-"

Hindi na niya ako pinatapos sa sasabihin ko dahil bigla na lamang niya akong binuhat at dinala sa kwarto ko. Nagpapasag ako pero hindi niya ako pinakawalan at lalo lang humigpit ang pagkakakapit sa akin.

"Put me down!"

Sinunod niya nga ako pero para lang ibagsak sa kama. Nakasimangot na tatayo na sana ako para sugudin siya ngunit tahimik na sumampa lang siya sa kama at niyakap ako. Nagtangka akong sikuhin siya pero as usual, hindi na naman ako nagtagumpay sa balak ko.

"Kama ko to kay pakiusap lang bumalik ka na sa sarili mong kama."

"I let you sleep in my bed."

"Duh. That was your condition."

BHO CAMP #1: The Playgirl's KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon