CHAPTER 28 ~ Pauso ~

139K 2.9K 315
                                    

CHAPTER 28

SKY'S POV

"S-Sky..."

Nakasimangot na bumaling lang ako sa kabilang side ko at hindi ko pinansin si Adonis. Inaantok pa ako. Isa pa masarap na ang pagkakapuwesto ko, hindi ako masyadong nilalamig hindi katulad kanina.

"S-Sky-"

"What?!" angil ko sa kaniya.

He chuckled. "As much as I want you to sleep more, hindi na ako makahinga."

Napamulat ako ng mata. Napangiwi ako ng makita kong nakadagan na pala ako sa kaniya.. Kaya naman pala kanina niya pa ako ginigising. Ginawa ko na siyang kama.

"Sorry." nakapout na sabi ko.

Napangiti siya at marahang hinaplos ang tummy ko. Watermelon na watermelon na talaga ang dating ni little bean. Naka due na kasi ako this month.

Dumukwang ako sa gilid ko at kinuha ko ang snoogle ko na nasipa ko sa baba. Lagi na lang ganito ang nangyayari. Mas masarap naman kasing kayakap si Adonis. Kahit tulog ako pinagnanasaan parin siya ng kaluluwa ko.

"Are you scared?" he murmured.

I rolled my eyes at him. "Ay hindi naman. Bait naman ako matatakot? May lalabas lang naman na bata sa akin. Parang kagat lang yan. Hindi masakit promise."

"Kagat ng malaking langgam?"

"Kagat ng dragon." nakangusong sagot ko.

Nakangiting kinintalan niya ng halik ang nanunulis kong nguso. Mas lalong humaba ang pagpapout ko ng lumayo na siya sa akin at tumayo. Kinuha niya ang towel niyang nakasampay sa upuan sa may tokador at pumasok na siya ng bathroom.

Laging ganiyan yan sa umaga. Umiiwas sa tukso. Imagine. Tukso pa pala ako kahit na ganito ng kalaki ang tiyan ko. Nang mag eight months ako ang huling beses na napasailalim si Adonis sa mapagnasa kong mga kamay. Mula din no'n laging ganto ang set up namin. Siya na ang lumalayo dahil wala akong kabalak-balak lumayo.

Naiintindihan ko naman na hindi na pwede dahil nahihirapan din ako. Mabigat talaga si little bean. Nagpaultrasound na din ako ulit kay tita Autumn. Gusto ko lang talaga makasigurado dahil nasa lahi ko ang pagkakaroon ng kambal, triplets at quadruplets.

Tumayo ako at nag inat. Napangisi ako ng makita kong hindi naisarado ni Adonis ang pintuan ng bathroom. Dahan-dahan na lumapit ako roon at sumilip.

"Sky. That won't work. Kanina pa ako tapos."

Napapout na naman ako. Pumasok ako sa loob at naabutan ko si Adonis na kasalukuyang nag she-shave. Lumapit ako sa kaniya at tinignan ko siya sa salamin na nasa harapan namin ngayon. Ginaya-gaya ko pa ang ginagawa niya gamit ang imaginary razor ko.

"Crazy."

"Hindi ah. Ikaw nga ang crazy diyan eh. Crazy for me." nangingiting sabi ko.

"Guilty as charge."

Huminto ako sa ginagawa ko at sumandal na lang ako sa marble counter at tinignan siya. Ang gwapo talaga ng asawa ko. Dapat sa kaniya laging tinatali sa akin dahil paniguradong madaming mga piranha ang maghahabol sa kaniya.

"Adonis?"

"Hmm?"

"Susundan ba natin si Russia?"

Tumingin siya sa akin saglit bago niya pinagpatuloy ang pag-aahit. "Depende sa iyo, Sky. I'm okay with anything. I just want you and a baby. Or babies even."

"Maybe not in the near future."

"Why?"

"Alam mo naman kung ano ang meron sa dugo namin diba? Si gradmie Mishy may kapatid na triplets at si mommy naman kambal sila ni tito Rain, at kaming magkakapatid quadruplets. I don't think I can handle it."

BHO CAMP #1: The Playgirl's KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon