CHAPTER 20 ~ Closure ~

117K 2.6K 434
                                    

CHAPTER 20

SKY'S POV

Kahit na halos wala akong tulog kagabi ay maaga akong nagising. Pilit na sinimulan kong kainin ang pagkain sa harapan ko kahit na ang pagkain ang huling bagay na nasa isip ko. But I need to eat. Hindi na lang ako ang kailangan niyon ngayon. I can't do that to myself anymore. Hindi ko na pwedeng pabayaan ang sarili ko.

Kahit para sa kaniya na lang. Para sa baby ko.

"Hey little bean. Mommy's not ready for you. Pero kahit bigla-bigla na lang ang pagdating mo sa buhay ko, hinding-hindi kita pababayaan. Kahit tayo na lang. Hindi ako magkukulang. I promise you that. Kahit na hindi ka nila makikilala, hinding hindi ako magkukulang sa iyo."

I can't ruin my sister's life. I can still remember how happy she talks about him. I cannot take that happiness away from her. Kahit pa na panagutan ni Adonis ang nangyari sa tingin ko hindi din kami magtatagal. And I don't think it's right for my child to see us that way.

We can't love each other.

Nakakatawa na nasasaktan ako. Siguro dahil hindi na naman napasaakin ang taong hinahangad ko dati. Siguro dahil alam ko sa sarili ko na kahit na anong gawin ko, hindi siya magiging akin. It will always be Storm.

Bakit nga naman niya ako pipiliin? Bakit ako pa? I'm not as pure and innocent as her. I've done a lot of things that no one can ever be proud of. If it comes down to choosing it can never be me.

Who would choose a second best? Hindi ba wala naman? The only way for the people around me to be happy is for me to leave. Because everything that touched my fingertips will always crumble to the ground...losing its color. It's like I was born to give sorrow to those people that I love.

That's why I need to leave soon. Alam kong malulungkot sila mommy. Pero alam ko dadating ng araw na maiintindihan nila ako. Na sana mapatawad nila ako sa kasalanan na ginawa ko. Na sana...sa mga panahon na mawawala ako ay hindi nila ako makalimutan. Bilang si Sky.

They will never find out about the sin I did. But I know my parents will realize that something is wrong. That I'm hiding something. Especially when the time comes that I will refuse to see them. Because they can never know the existence of my child.

Itinigil ko na ang pagkain ng hindi ko na kinaya pang ubusin iyon. Pumasok ako sa bathroom at naligo. Nang matapos at makapag ayos na ako ay tahimik na lumabas ako ng kwarto. Konti pa lang siguro ang gising na mga agents.

Napahinto ako ng pagliko ko ay nakita ko si Hermes na lumabas sa kwarto na inookupa niya. Nakangiting lumapit siya sa akin. But he can't fool me. I can't see it in his eyes.

Only a fool won't realize what's in his eyes. Pain. Fear. And love.

He's a lively person. Bihira siya magseryoso. But I never saw him like this. Alam ko na may alam siya sa mga nangyayari. Alam ko din na wala siyang balak na pigilan iyon.

"Rough night?" I playfully asked him. But there's no life in my voice and I know he can hear it.

"You can say that."

Magkasabay na naglakad kami. Walang umiimik sa amin. Siguro dahil pareho kaming napapagod na magpanggap. Na magpanggap na para bang walang nangyayari sa paligid namin. Na hindi kami naapektuhan.

"Did you tell her?" I whispered.

"No. There's no point at telling her. Hindi ko alam kung ano ang nagbago at bigla siyang nagdesisyon ng ganito...sila." Huminga siya ng malalim na para bang nahihirapan siya na magsalita. "Wala akong balak na sabihin sa kaniya kahit noon pa."

BHO CAMP #1: The Playgirl's KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon