CHAPTER 26 ~ Wedding ~

167K 3.3K 464
                                    

CHAPTER 26

SKY'S POV

"W-What?!"

"Your wedding."

Napakurap-kurap ako. Ngiting-ngiti siya habang ako naman ay hindi alam kung paano ipapasok sa utak ko ang sinabi niya. Kasal daw. Kasal ko? Pero, paano? Kauuwi ko lang. HIndi pa kami nag uusap ni Adonis, hindi pa kami nag uusap ng mga magulang ko, at wala akong wedding dress!

"I don't have a dress!"

Storm rolled her eyes. "As if he'll care."

I groan in protest. "Please tell me you're just kidding and that you have a dress ready for me."

Napangisi siya at lumingon bahagya sa akin. "Sorry, sis. Kabilin-bilinan ni Adonis na kung ano ang suot mo ganoon din ang damit mo kapag kinasal kayo."

"B-But...why?"

"Isn't it obvious? He's marrying you. Not your dress, the decorations or the other people."

Napatigil ako. Of course. It's not like I care. To be exact I don't want a big wedding. Hindi ko nga alam kung ang kasal ba talaga ang inaabangan ko o ang katotohanan na makakasama ko na si Adonis ng walang kahit na anong pader na nakaharang sa pagitan namin.

I'm not use to this feelings yet. Natatakot ako pero alam ko na wala na akong kawala pa. Dahil wala ng balak magpatalo ang puso ko sa sinasabi ng isip ko.

"So walang kahit na sino sa inyo ang naghanda ng dress or kahit na ano? And there will be no wedding theme too. Right?"

"You'll see."

Napasandal ako sa kinauupuan ko. Bahala na. Hindi parin matanggap ng utak ko ang nangyayari. Parang ang bilis- No. Scratch that. Mabilis talaga ang mga nangyayari. Katatanggap ko lang sa sarili ko na mahal ko siya...and now we're getting married.

I guess Adonis don't want to take any chances.

Napatingin ako sa labas ng bintana. Hindi ko na alam kung nasaan na kami. Halos wala ng mga bahay. Hindi kaya naliligaw kami?

"Sigurado ka ba sa dinadaanan natin?"

"Yes. Relax, Sky. I've been waiting for this day for so long. Hindi ako makakapayag na hindi matuloy ang araw na ito."

Napangiti ako at inayos ko ang snoogle ko. Pumuwesto ako ng maayos. Wala akong balak matulog. Nahihirapan lang kami ni little bean sa puwesto namin. Binaba ko ng konti ang sandalan at napatili ako ng napababa iyon ng todo.

"Jeez, Sky!"

Huminto siya saglit at tinulungan ako na iayos ang sandalan. Nakangusong tinignan ko lang siya na ikinatawa niya. "Sa mabigat kaming dalawa ni little bean eh." sabi ko sa kaniya.

"Little bean? Ano yan mutant na monggo?"

"Ang sama mo! Pamangkin mo to!"

"Yep. My little watermelon pamangkin."

Napahalukipkip ako. Lahat na lang sinasabing watermelon si little bean. Batuhin ko kaya silang lahat ng watermelon at ng malaman nila kung ano ang totoong itsura ng pakwan?

Wag kang mag-alala little bean. Ihahanap kita ng hustisya!

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla kaming huminto. Tinginan ko ang labas ngunit tanging garden maze lang ang nakikita ko. Iyong maze na gawa sa mga matataas na halaman na kinorte na parang wall.

"Anong ginagawa natin dito? Wag mong sabihin na patatakbuhin mo ako diyan tapos bigla mo akong imamasaccre?" nanghihilabot na tanong ko.

"Sort of."

BHO CAMP #1: The Playgirl's KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon