CHAPTER 18 ~ Pathetic ~

118K 2.7K 386
                                    

CHAPTER 18

SKY'S POV

Halos rinig na rinig ang bawat pagtipa ko sa keyboard ko. Hindi ko ginagamit ngayon ang keyboard ng laptop ko dahil base sa mood ko ngayon, baka bigla na lang maghingalo ang keyboard na pinakamamahal kong laptop kapag napadaanan siya ng animo bakal kong mga daliri. Idagdag pa na masakit ang ulo ko dahil sa dami ng ininom ko kagabi. And yes...that little scene bothers me.

But I'm fine. I don't need to think about it. Everything is just a game and I don't have plans on losing. at matatalo lang ako kapag hinayaan ko ulit na makontrol niya ang puso ko.

Kunot na kunot ang noo na kinuha ko ang phone ko ng magvibrate iyon. Tinignan ko ang mensahe at pagkaraan ay ibinaba ko na iyon at nagpatuloy na ako sa ginagawa ko.

Galing kay Dawn ang text message. Naayos na daw ang mission tungkol kay Selina Odar. Napatunayan daw na ang asawa nito na si Marlon Odar ang pumatay dito at hindi ito totoong nagpakamatay.

Gaya ng hinala ko, totoong walang relasyon ang kapatid ni Selina at ang asawa niya. Mayroon silang nakaraan pero mula ng maikasal ang lalaki sa kapatid niya ay hindi na nila pinagpatuloy ang relasyon nila. Si Marlon ang nagpupumilit dahilan para patayin niya si Selina, upang makakawala siya sa babae.

Napag alaman din na pilit na ipinasulat ni Marlon ang suicide letter ni Selina. Iyon nga lang...matalino ang babae. I give it to her, ibang klase ang ginawa niya. Kung paano niya nagawa iyon ng hindi nahahalata ni Marlon ay wala ng makakaalam.

Napabuntong-hininga ako. Nanatili akong nakatingin sa monitor ng laptop ko habang hinihintay ang pag-ragasa ng mga salitang isusulat ko. Pero wala. Wala na akong maisulat.

Naiinis na sinave ko ang natapos ko ng isulat at tumayo ako. Kinuha ko ang favorite mug ko at dinala ko iyon sa kusina. Hindi ko mabilang kung ilang chocolate drink ang ininom ko mula kagabi para lang buhayin ang namamatay ko ng brain cells pero talagang hindi ako makapagsulat ng maayos.

Eto ang pinaka-ayaw ko sa lahat. Writer's block. Pakiramdam ko sasabog ang utak ko sa mga ideas pero hindi ko iyon magawang maisalin sa pamamagitan ng pagsulat. Madali kasing mag imagine. Kahit na sino kaya 'yang gawin. Pero ang buuin ito, palawakin at hulmahin sa isang pangungusap na sumisigaw sa damdamin ay mga manunulat lang ang kayang makagawa. Iyon ang isa sa pinagmamalaki namin.

Pero ngayon, I just know that I can't continue writing while I'm still like this. Para sa akin ang writer's block ay hindi ang sa hindi ka makapagsulat. Pwedeng nakakapagsulat ka pero iyon lang iyon. Isa lang sulat. Mga pinagdugtong-dugtong na salita lang. Walang damdamin.

Bumuntong hininga ako at bumalik na sa living room. Imbis na magsulat ulit ay humilata na lang ako sa sofa. Nadaanan ng mga mata ko ang orasan sa isang gilid. Hapon na pala. To be exact malapit na namang mag gabi. Maghapon akong hindi naka labas.

No wonder ilang beses ng nag miss call si Adonis. Mabuti na lang tumigil din siya. Siguro naisip din niya na baka nagsusulat ako. Unti-unti ng pumipikit ang mga mata ko ng bigla din akong napamulat ng marinig kong tumunog ang door bell ng kwarto na tinutuluyan ko. Lumapit ako sa pinto at binuksan ko iyon. Napakunot ang noo ko ng mabungaran ko sa labas si Storm.

"Hi, Sis! Dinalan kita ng pagkain. Hindi ka pa daw kasi lumalabas ng kwarto mo."

Umatras ako at hinayaan ko siyang makapasok. Sinarado ko ang pintuan at sinundan ko siya sa kusina. Tahimik na kinuha ko lang sa kaniya ang paperbag at isinalin iyon sa pinggan. Inalok ko siya pero umiling lang siya at inginuso ang isa pang lalagyan na sa tingin ko ay naglalaman ng sandwich.

Umupo na ako sa high stool katapat lang ng inuupuan niya pero napatigil ako ng may mapansin ako. Her shirt.

"That...shirt. Where did you get it?"

BHO CAMP #1: The Playgirl's KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon