EPILOGUE

176K 3.7K 289
                                    

EPILOGUE

SKY'S POV

Nagising ako ng makaramdam ako ng mga maliliit na kamay na dumadampi sa pisngi ko. Napangiti ako at unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.

Una kong nakita ang mabibilog na kamay ni Russia na nasa tapat ng mukha ko na siyang gumising sa akin kanina. Kasunod kong nakita ay si Adonis na nakatukod ang siko sa kama habang nakadantay ang mukha niya sa kamay niya at nakangiting nakatingin sa akin.

Hinalikan ko ang kamay ni Russia na biglang bumungisngis. Para sa tatlong buwan na sanggol mas malaki siya di hamak. Namumula ang pisngi niya kahit na hindi naman mainit. Natural na rosy cheeks. Wala eh. Gandang lahi.

"Why didn't daddy wake me up, little bean, hmm?" tanong ko sa sanggol habang pinanggigigilan ko ang pisngi niya sa pamamagitan ng paghalik.

"Because daddy is afraid that mommy will bite him again."

Nginisihan ko si Adonis na nakatingin parin sa amin. Minsan kasing nag tangka siyang gisingin ako ay bigla ko na lang kinagat ang kamay niya. Alam niya siguro na imposibleng kagatin ko si Russia.

"Makulit ka kasi." sabi ko sa kaniya.

"Hindi ako makulit."

"Weh?"

Napailing na lang siya at umupo na. Kinuha niya si Russia at kinarga pagkatapos ay nilaro-laro ang kamay ni Russia na automatic umangat. Russia love touching face.

"Russia is hungry but mommy is too sleepy to feed her." Adonis murmured to our baby.

Natatawang kinuha ko na sa kaniya si Russia. Inayos ko ang nursing bra ko at ilang sandali lang ay busy na si Russia. Minsan nag fe-feeding bottle din kami at minsan naman ang flavored juice for babies ng experiment department ang pinapainom namin sa kaniya.

At dahil pasaway ang grandmie Hurricane niya, kung ano-ano narin ang natikman ni Russia ni pagkain. Pero syempre maliliit lang naman ang pinapakain sa kaniya. Masyado pa siyang baby.

Nag-angat ako ng tingin at napailing ako ng makita ko si Adonis na titig na titig sa amin ni Russia. "Stop looking."

"I don't want to."

"Hindi ko alam kung na a-amaze ka lang talaga o pinagnanasaan mo ako."

"Pwede ba?"

I grinned. "Malandi ka."

Nag ayos na ako ng makita kong napapapikit-pikit na si Russia. Inabot ko siya kay Adonis na napangiti na lang at ipinuwesto si Russia para makaburp. I smiled in contentment as I look at them.

Minsan nawe-weirduhan parin ako na ganito na kami. Para kasing nakakapanibago parin paminsan-minsan. But as I look at my husband and our child...I can only feel happiness and contentment. That even if you offer me all the beautiful things in this world, I would never trade this sight in front of me.

"Miss, don't look at me like that or I'll think that you're trying to pick me up."

Natatawang dumukwang ako at hinalikan ko siya sa labi. "You're already mine, Stranger. And I am yours."

Nag flying kiss ako sa kaniya at pumasok na ako sa bathroom. Naligo ako kasabay ng pag iistretch ko. Multi tasking. Nakapag stretching ka na, nakaligo ka pa. Wala ng makakagawa non kundi ang mga astig na taong katulad ko.

Nang matapos ay nagbihis na ako at lumabas. Naabutan ko si Adonis na nakadapa sa kama habang nakatingin kay Russia. In love yan sa anak namin. Parang ako lang.

"Ang ganda ni Russia no? Siguradong pwedeng maging model yan paglaki." sabi ko habang nakaharap ako sa salamin at nagsuklay.

"Hindi pwede. Maliligawan siya."

BHO CAMP #1: The Playgirl's KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon