CHAPTER 25 ~ Kidnapped ~

129K 3K 466
                                    

CHAPTER 25

SKY'S POV

"Ladies ang gentlemen, welcome to Ninoy Aquino International Airport. Local time is 4:30 in the afternoon. On behalf of the airlines we are looking forward to seeing you on board again. Have a nice stay!"

Katulad ng unang beses na umuwi ako ng Pilipinas ay nanatili lang akong nakapikit sa kinauupuan ko. Wala akong balak makipag gitgitan sa mga tao. Besides...it's not like I'm looking forward on what I need to do. I don't even know if I'm ready.

"Are you okay, Ma'am?"

Tinignan ko ang nagsalita. It's like de ja vu. Ang pagkakaiba lang babae ang nagtatanong sa akin ngayon. Ngiitian ko siya. "I'm fine, thanks."

Nakakapagod ang byahe lalo na sa buntis na katulad ko. Supposed to be ayaw akong bigyan ng doctor ko ng 'permission to travel' slip pero nagawa naming mag compromise. Makakabyahe lang ako kung may isang pasaherong doktor sa plane.

Maybe pregnant women are really lucky dahil nagkataon naman ng kinausap ko ang airline management ay mayroon silang pasahero na doktor. I talked to her though she's a little hessitant at first lalo na ng malaman niyang muntik akong mag misscary.

Pero napapayag ko din sila. Okay na naman ako at kanina lang ay nilapitan na ako ni doc na nauna na sa aking umalis ng makitang ayos lang naman ako.

Nang makita kong konti na lang ang tao ay tumayo na ako. As usual maingay at magulong airport ang inabutan ko. But I think that's one of the wonders of Philippines. Laging masaya ang mga tao sa paraan na wala na silang pakielam kung ano ang tingin sa kanila ng iba. Why would they need to care? Hindi naman sila umuuwi para sa ibang tao kundi para sa pamilya nila.

Napabuntong-hininga ako ng makarating ako sa luggage carousel. Ang daming tao. May mga nag gigitgitan pa. Lahat gusto ng umuwi. Malamang sa hindi ilang taon na mula ng makabalik dito sa Pilipinas ang iba.

Hindi na ako sumingit sa kanila at tumayo na lang ako sa isang tabi. Baka matamaan pa nila si little bean. Sa laki ni little bean ay panigurado akong parang punching bag na sasaluhin niya lahat ng siko at braso ng mga taong ito.

Hinawakan ko ang tummy ko at napangiti ako. Tanggapin na natin, little bean. Mukhang nag updgrade ka na sa watermelon level.

Napatingin ako sa luggage carousel ng namataan ko ang luggage bag ko na para bang kumakaway iyon sa akin. Hindi ko naman makuha dahil ang daming taong kulang na lang ay magbalyahan.

Pero kung maghihintay naman ako dito paniguradong aabutin ako ng siyam siyam. No choice then. I just hope my lethal charm can still work even I'm pregnant.

Lumapit ako sa isang mamang kalbo na mukhang kinaniya na ang lahat ng tattoo sa mundo. Kinalabit ko siya pero hindi niya ako pinansin dahil mas busy siya sa pag-aabang ng luggage niya. Mukhang malapit na niyang paliparin lahat ng tao sa paligid niya sa itsura niya ngayon.

Kinalabit ko siya ulit at ng hindi parin niya ako pinansin ay pinagdudutdot ko na ang matigas niyang muscles.

"Anong-"

Because I'm a genius, alam kong hindi gagana ang seductive Sky ko dahil narin kay little bean na obvious na obvious at kahit takpan ko ay imposibleng hindi nya makita. Depende kung kakausapin ko siya ng nakatalikod.

So I'm gonna use the beautiful pregnant Sky.

"Amm...ano...pwede po bang paabot ng luggage na iyon?" I looked at him behind my lashes. "Nahihirapan na kasi akong tumayo. Kung pwede lang naman."

Lihim na napangiti ako ng makita kong bumuka ang bibig nya ng pinasadahan niya ako ng tingin. Let's admit it guys, I'm one of the few women that can carry a child beautifully. Nasa genes to kabayan.

BHO CAMP #1: The Playgirl's KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon