CHAPTER 14 ~ Sky and Storm ~

153K 2.8K 70
                                    

CHAPTER 14

SKY'S POV

Pareho kaming nakaharap ni Storm sa isang malaking salamin. Paminsan-minsan ay nagkakatinginan kami. Para lang ginagawa namin ang kadalasang ginagawa namin ng mga bata pa kami. Dolling up games.

"Tss. They're really enjoying this."

Tinignan ko sa salamin si Adonis na siyang nagsalita. Katabi niya si Hermes na nakasimangot at nakatingin din sa amin. Pareho lang silang nakapangbahay.

Nandito na kami sa headquarters. Kababalik lang namin kahapon and fortunately may dumating na bagong mission. Iyon nga lang kailangan ko ng kapartner at kailangan na babae rin. Nang mabasa ko ang file ay kaagad na nakaisip ako ng plano at kung sino ang nababagay na kasama ko.

Walang iba kundi ang kapatid ko na si Storm.

Nandito kami sa laboratory room slash control room slash gearing up room nila Freezale at Snow. Pinalakihan na ang kwartong ito dahil halos lagi kaming gito pumupunta para maghanda. Nandito na din ang mga kakailanganin namin.

"Bitter lang kayo dahil maiiwan kayo." sabi ko sa kanila.

"Hindi kami bitter! I hate you! Hmph!" nakanguso na angal ni Hermes.

Nagtama ang mga mata namin ni Adonis. Tinasaan ko siya ng kilay na ikinapabuntong-hininga niya lang. "Be careful."

"Maingat ako no." sabi ko sa kaniya.

"Yeah right."

Napapailing na umayos ako ng tayo at tinignan ko ang repleksyon namin ni Storm. Parehas na parehas ang damit namin pati ang ayos ng mga buhok namin. We're both wearing a black slip dress and a furry vest.

Nakangiting kinindatan niya ako at nauna ng lumabas. Umakto pa siyang kakalmutin si Hermes na umatras naman habang umaludo lang siya kay Adonis na napangiti lang.

Nag-iwas ako ng tingin at kinuha ko ang handbag ko. May Mist lang ako na dala na inilagay ko sa holster sa hita ko na natatakpan ng slip dress na suot ko. Hindi ko naman siya kakailanganin pero mabuti na ang handa. Sa secret pocket naman ng furry vest ko ay may nakalagay na Pierce.

Nag flying kiss ako kay Hermes at hindi ko na pinansin si Adonis pagkatapos ay lumabas na ako ng control room. Hindi pa ako nakakalayo ay may pumigil na sa akin. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Adonis na seryosong nakatingin sa akin. "Iniiwasan mo ba ako?"

Pinatay ko ang mic ko at hinarap ko siya. "Of course not. Paranoid ka na naman." sabi ko na hindi tumitingin sa kaniya.

"What's the problem? Mula ng bumalik tayo galing sa shooting naging ganiyan ka na. May nagawa ba akong hindi mo gusto?"

"Wala."

"Then what's wrong?"

Nagkibit ako ng balikat. "Wala nga. Hindi kita iniiwasan, okay? Pakawalan mo na'ko at may gagawin pa kami ni Storm. You know we cannot be late."

Pinakawalan na niya ako ngunit nanatili siyang nakatingin sa akin. "One day, Sky, that thick wall around you will collapse and I will be there when it happens."

Tinalikuran ko na siya. "Hindi ko alam kung anong sinasabi mo."

Binuksan ko na ulit ang mic ko at naglakad na ako palabas. Naabutan ko si Storm na nakasakay na sa kotse niya. Napangiwi ako at sumakay sa passenge seat.

"You can't use your motorbike so we don't have a choice." Storm said as if reading my mind.

"Right. Bilisan mo na lang magmaneho at ng makaalis na ako sa torture na 'to."

BHO CAMP #1: The Playgirl's KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon