CHAPTER 19 ~ Option ~

116K 2.6K 405
                                    

CHAPTER 19

SKY'S POV

(1 Month Later)

"What's the plan?"

"I don't have a plan."

I heard an exasperated sigh. Si Freezale. Kausap ko siya sa LD. Kasalukuyan akong nasa mission ngayon. Fortunately umamin na si Dawn na talagang hindi naman daw kami naubusan ng missions. Trip niya lang daw na pahirapan kami.

At eto nga. Nasa isang mission ako. Hindi ko nga alam kung bakit kinuha ko ang mission na ito. Lalo na at mag-isa pa ako.

Kung sabagay madali lang naman. Iyon nga lang katulad ng sabi ni Freezale I'm kinda looking out of sorts. Siguro dahil isang buwan ko narin binuburo ang sarili ko sa kakasulat. Hindi ko na nga alam kung ano na ang body clock ko. Basta natutulog na lang ako kapag nasa limit na ako.

Bihira na din akong lumabas ng kwarto ko. I don't want to see them. Not when I look like a wrecked. I won't give that man the satisfaction of seeing me like I've been ran over. Ayoko din mag alala ang kapatid ko sa akin. Ayokong makahalata siya.

"Sky. Are you really sure of this? Kapag napahamak ka lagot ako kay Tito Reese at Tita Hurricane." sabi niya.

"I'm a big girl Freezale. I can handle it."

"Para kang may sakit. Hindi ko alam kung paano mo ako napapayag na hayaan kang mag take ng mission. Kapag ako napahamak dahil sayo, ikukulong kita sa laboratory ko at mag bo-bonding tayo."

"Aww, Freeze. I never thought you're into that stuff." pang-aasar ko sa kaniya.

"You know what I mean."

I rolled my eyes. As usual wala na namang kaemo-emosyon ang pinsan kong ito. Hindi na ako makapag-intay na dumating ang panahon na makita siya kasama ng isang taong itutulak siya papunta sa direksyon ng mga emosyon na hindi niya pa nararanasan.

Ibinalik ko na ang atensyon ko sa paligid ko. Tahimik na nakatayo lang ako sa ibabaw ng cargo container. Nasa parte din ako na madilim kaya hindi ako nakikita ng mga taong pinagmamasdan ko.

Hindi naman mahirap ang mission. Parte nga lang ito ng lower mission. It focuses on dwelling, not on investigating and stuff. I just need to disband the small transaction and get one of them to interrogate.

That's it.

"Sky-"

"Charge."

Tumalon ako mula sa itaas ng cargo container. May gamit ba ako na rapel chord? Wala.

A smile lifted a corner of my lips. Mabilis na pinakawalan ko ang isang tali sa bewang ko. May pinindot ako roon then I whipped it on my side. May lumabas roon na animo claw at kaagad na kumapit sa kabilang cargo container dahilan para mas maging magaan ang pagkakabagsak ko sa lupa. It's a new invention of the experiment department called 'Whip'.

May pinindot ako muli roon at kumalas na iyon ng kusa. Tumayo ako at tumakbo habang ang mga kamay ko ay kumikilos upang ipaikot ang invention sa bewang ko para ikabit uli iyon.

Nagkakagulo na ang walong lalaki. Kumilos sila upang bumunot ng baril pero mas mabilis parin ako sa kanila. I managed to shot three of them using Mist. Kasabay ng pagbagsak nila sa lupa ay dumapa ako at gumulong. Sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko.

Wala akong sinayang na sandali at mabilis akong tumayo. Nakalapit ang isa sa akin at nagawa niyang maagaw ang baril ko. Sinipa ko siya at tumilapon iyon sa kung saan. The Mist gun won't kill but I can't afford for it to knock me out. Looks like I need to settle for an arm to arm combat.

BHO CAMP #1: The Playgirl's KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon