CHAPTER 23 ~ Secret Protector ~

127K 2.9K 241
                                    

CHAPTER 23

SKY'S POV

Seryosong-seryoso na nakatingin ako sa mga products sa harapan ko. Hindi pwedeng basta-basta na lang ang bibilihin ko. Dapat matiyak kong mas matibay at mas magandang gamitin. Nag-angat ako ng tingin at nasalubong ko ang mga mata ng nangingiting amerikanang sales lady.

"I'll take different kinds of feeding bottles. I want a set of silicone, plastic and rubber."

Sinunod niya ang inutos ko at isinama sa mga napamili ko na kanina pa ang sinabi ko. Madaming sales lady ang sumusunod sa akin dahil kahit na hindi na sila tumanggap ng iba pang customer ay paniguradong sapat na ang kita nila ngayong araw na ito sa akin pa lang.

Kanina namimili ako ng stroller. Hindi ko naman alam na marami pa lang klase no'n. Kaya bumili na ako ng standard pati na ang jogging stroller. Para kapag nasa labas kami hindi maalog si little bean.

All in all tambak ng damit si baby na pwede na siyang mag fashion show everyday. Pati kung ano-anong sa tingin ko ay hindi pa kailangan ay binili ko narin. Nandito narin lang naman ako eh di bibilin ko na.

And of course toys. Nahirapan akong mamili kanina dahil may mga laruan na baka may matanggal si bean at biglang kainin. May iba naman na baka maging dahilan kung bakit maging hikain si little bean. Buti na lang matiyaga ang mga tao dito at hindi naubusan ng isasagot sa mga tanong ko.

Nang matapos ako sa pamimili at mabayaran ang mga binili ko kasama ng delivery fee ay lumabas na ako ng shop na iyon. Naglakad-lakad muna ako. Wala din naman akong gagawin sa flat ko at minsan lang din naman ako makapunta sa mall.

Napatigil ako at lumingon sa likuran ko. Nang wala naman akong makitang kakaiba ay nagpatuloy na ako sa paglalakad. Nakakaparanoid ba ang pagiging buntis?

Ilang buwan na kasing nararamdaman ko na para bang may sumusunod sa akin. I'm an agent so I know if it's a threat or not pero wala naman ako nararamdamang kakaiba maliban na lang sa pakiramdam na may sumusunod sa akin.

Pinapasundan kaya ako ni mommy? Hmm. I doubt that. Nakakausap ko pa si mommy sa phone. At kung talagang pinapasundan niya ako dapat matagal na akong pinuntahan ni mommy dahil paniguradong malalaman niya na buntis ako.

So meaning. Paranoid nga lang ako. Huminto ako sa isang stall at bumili ako ng waffles. Nang mabayaran iyon ay nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi ako naglilihi. Kahit na nung mga panahon na nasa ikadalawang buwan pa lang ako.

Kung ano-ano lang ang gusto kong kainin at wala akong eksaktong gusto. Though ayun nga may pagkaweird ang mga kinakain ko. Katulad nung cereal na imbis gatas ay chocomilk ang nilalagay ko. Yung hamburger na walang hamburger at tomato lang ang nakalagay. Tomato burger? Hmm. Kung sabagay pwede naring tawaging paglilihi iyon.

Kakagat na sana ako ulit sa waffle ng bigla na lang tumilapon iyon ng may nakabangga sa akin. Nakasimangot na sinundan ko ng tingin ang pobreng waffle bago matalim ang tingin na hinarap ko ang walang pakundangang nambangga sa akin.

"What- King?"

Sabay na tinuro namin ang isa't-isa at halos sabay din kaming nagsalita. "Ikaw!"

Nanglalaki ang mga mata na ibinaba niya ang suot niyang sumblero at nagpalingon lingon. Napatigil siya at animo isang biktima sa horror movie na muling binalik ang paningin sa akin. Not like before na sa cleavage ko dumadapo ang playboy na mga mata ng lalaking ito ay sa tiyan ko napako ang atensyon niya ngayon.

"What. The. Fuck. Is. That?!"

Napakagat ako sa ibabang labi ko. It's been too long. Ang tagal na panahon na mula ng makaramdam ako ng ganitong pakiramdam. Pakiramdam na para bang gusto kong tumawa.

BHO CAMP #1: The Playgirl's KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon