CHAPTER 8 ~ Metamorphosis ~

156K 2.9K 128
                                    

CHAPTER 8

SKY'S POV

Malapit ng mag alas-onse ng gabi. Nandito kami sa dining hall at kasalukuyang nasa isang gilid. Ang ibig kong sabihin sa 'kami' ay hindi lang si Adonis.

Kundi maging ang mga agent.

Kulang na lang magkapalit ang mga kaluluwa namin habang nakatingin kay Dawn na hawak ang alaga niyang ahas na si Twinkle. Tanging si Triton lang ang naiwan sa gitna ng dining hall at kasalukuyang parang hihimatayin na.

Maingay ang dining hall kanina. Tumahimik lang ang lahat ng dumating si Dawn at agad na nagsipulasan ang mga agents. Sumama narin kami ni Adonis lalo na namataan namin ang dala ni Dawn.

Triton wasn't fast enough.

Lahat kami hnihintay ang mangyayari ng huminto si Dawn sa tapat ni Triton. Halos lahat din kami ay napasinghap ng walang sabi sabing inabot ni Dawn ang alaga niya kay Triton.

"D-Dawn...S-Sweetie..."

Walang salitang lumapit sa counter si Dawn at kumuha ng sandwiches. Tahimik lang din ang staff doon na mukhang takot din kay Dawn.

Nang matapos siya at naglakad siya pabalik kay Triton at kinuha rito ang ahas na si Twinkle. Parang papanawan na ng ulirat si Triton habang nakatingin kay Dawn na walang kakurap-kurap na nakatingin dito.

Isa iyan sa mga nakakatakot sa pagkatao ni Dawn kapag nagagalit siya. Ibang level ang kasungitan niya. May times na titignan ka na lang niya ng matagal gamit ang malamig niyang titig at hihilingin mo na lang na sana ay sigawan ka na lang niya.

"HELLO EVERYONE- AHHHHHHHHHHHHHHH!"

Napatingin ako sa pinto kung saan nandoon si Snow na bigla na lang tumalon kay Phoenix na namumutla rin. "I don't want to see it, PHOENIX!"

Lumapit sa amin si Phoenix at ibinaba si Snow. Pagkatapos ay lumapit siya kay Dawn na nakikipagtitigan parin kay Triton. Halatang hindi niya rin gustong lumapit kay Dawn pero alam naman namin ang ugali ni Phoenix. Gagawin ang lahat para kay Snow.

Ibang klaseng mag bestfriend. Akala mo mag-asawa na eh.

"Dawn."

"What?" hindi inaalis kay Triton na tanong ni Dawn kay Phoenix.

"If you want to scare Triton, do it somewhere else."

Bumaling ang malamig na tingin ni Dawn kay Phoenix. He flinched a little but he didnt look away. Tumingin sa gawi namin si Dawn bago siya tumalikod kay Triton at naglakad na palabas.

Rinig sa buong dining hall ang pagpapakawala namin ng hininga na kanina pa namin pinipigil.

"I'm gonna have nightmares." nangangaligkig pa na sabi ng kapatid ko na si Storm.

Napapangiting ikinawit ko ang braso ko sa braso niya. Bumalik na kami sa pwesto namin kanina. Sumunod si Adonis na hawak ang files namin.

"Pwede pakibilisan ang pag-alis? Ipit na ipit na ako."

Lumawak ang ngiti ko ng makita ko si freezale na natabunan pala namin. Kung sa palamigan ng aura, panalo na si Freezale kay Dawn. Masungit si Dawn, Oo. Pero hindi siya kasing emotionless ni Freezale.

"Hi cousin!" masiglang bati ko.

"Hi."

Ikiniling ko ang ulo ko. "Don't you miss me?"

Tinignan niya ako. "A little."

Napahagikhik kami ni Storm. Wala parin pala talagang nagbabago. Parang hindi ako na wala ng ilang taon dahil pareho parin sila katulad ng dati.

BHO CAMP #1: The Playgirl's KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon