Kabanata 4

8.2K 231 4
                                    

KABANATA 4

"Welcome to our lovely mansion." sigaw ni Ami. Sa byahe pa lang patungo dito sa bahay ni ma'am Ivy ay manghang mangha na ko pero nang pumasok ako sa loob ay mas lalo akong namangha. 

"Show her your room Ami." saad ni ma'am Ivy. "Amelia huwag ka na munang magkikilos dahil sabi ng doktor ay hindi ka pwedeng gumalaw ng gumalaw hangga't may cast pa ang binti mo, kapag kailangan mo ng tulong tawagin mo lang si Ami o si manang Dang, okay?" ani ma'am Ivy.

"Opo ma'am maraming maraming salamat po." Ngumiti siya sakin bago umakyat patungo sa taas. 

"Tara na sa kwarto natin, naayos na ni Manang Dang ang kama mo kaya okay na ang lahat." ani Ami. Pagpasok namin ay halos nalaglag ang panga ko sa tumambad sakin. Ganito ba talaga ang kwarto ng isang katulong na katulad ko, may sariling telebisyon, may aircon at ang kama ay sobrang kapal. "Gulat ka no, ganda ng kwarto natin di ba." ani Ami. "Kaya love na love ko yan si ma'am Ivy eh, kahit kelan hindi niya kami tinuring na mababang uri ng tao, tinatrato niya kami ng maayos."

Tinulak ni Ami ang wheelchair palapit sa kama. Aalalayan niya na sana akong lumipat sa kama kaso tumanggi ako, hindi ako mapapakali kung maghapon lang ako sa kama. Kung hindi ko kayang maigalaw ang paa ko, kaya ko naman igalaw ang kamay ko. "Ayaw mo pa magpahinga?"

Magsasalita na sana ako ng may marinig kami na mga tinig mula sa sala. "Ohh sino kayang dumating?" Binuksan ni Ami ang pintuan at mabilis niya itong sinara at tumakbo patungo sa kama niya. Impit siyang tumili sa unan niya. "Oh my God, nandito yung ultimate crush ko Amelia, nandito siya jusko." saad ni Ami. "Halika ipapakita ko sayo ang mukha ng isang anghel na bumaba mula sa langit." Iginiya niya ko patungo sa may pinto at bahagyang binuksan ito, may babae't lalaking nakaupo sa sofa. 

"Kambal?" naibulalas ko.

"Yeah mga kababata ni ma'am Ivy, si ma'am Clea and sir Cloud Clinton." ani Ami. May dumating pang tatlong babae na puro mukhang modelo. "Hay naku may radar ba yang babae na yan, sa tuwing nandito si sir Cloud, bigla siyang nadating, papansin masyado." Umirap si Ami pagkakita niya sa bagong dating na mga babae.

"Ami pwede bang patulong ako sa niluluto kong meryenda para kila sir Cloud?" saad ni Manang Dang. Mabilis namang tumango si Ami at agad dinaluhan si Manang Dang. 

"May maitutulong po ba ko?" saad ko. Ayoko talagang mamalagi sa kwarto dahil naiinip lang ako. 

"Naku hija dapat magpahinga ka dahil hindi ka pa masyadong magaling." saad ni Manang Dang.

"Kaya ko naman po igalaw ang kamay ko manang, hayaan niyo na po ako tumulong." Pwede pa din naman ako tumulong kahit nakaupo lang ako sa wheelchair.

"Ay siya sige dalhin mo to sa sala." Nilagay ni manang sa tray ang mga cupcake saka pinatong sa binti ko. "Sigurado ka bang kaya mo?" tanong ulit ni Manang. Mabilis naman akong tumango upang ipaalam sakaniya na kaya ko ang pinapagawa niya.

Nagtatawanan ang mga bisita ni Ma'am Ivy nang makarating ako sa sala. "Magandang umaga po, magmeryenda po muna kayo." bati ko sabay lapag ng cupcake sa mesa. 

"Oww are you new here? Kelan pa naghire ng pwd si Ivy?" saad ng babaeng may maikling buhok. Tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa. "Anyway can you get me some water cause I don't drink juice." 

"Sige po ma'am." Nagmadali akong pumunta sa kusina para sundin ang utos niya. "Manang isang tubig po saka juice." 

"Oh sige ako na ang magdadala dun at hindi mo na to kaya." saad ni Manang. Kinuha ko ang cookies na kailangan din dalhin sa sala at pinatong sa tray sa binti ko. Sumabay ako kay manang papunta sa mga bisita.

"Ma'am heto na po ang juice at tubig niyo." sabay lapag ni manang sa mesang katapat ng babaeng maganda. 

"Hey I said I don't drink juice, you stupid creatures." biglang bumulyaw ang babaeng nag-utos sakin kanina. Binalingan niya ko at muli siyang humiyaw. "Can't you understand simple instruction? I wonder why Ivy hired you as a maid if you can't understand simple instruction. My God stupid people."

"Hey stop it." biglang nagsalita ang kaisa-isang lalaking bisita ni ma'am Ivy. Paglingon ko sakaniya ay halos napako ang mga mata ko sa maganda niyang mukha. Para siyang anghel, maputi at mukha siyang bata. Ang katabi niyang babae ay halos kamukha niya, sa tingin ko ay kambal silang dalawa. "That's enough Roxy, just drink the water and ignore the juice, as simple as that." saad niya. Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila pero sa tingin ko ay may sinasabing seryoso ang lalaki sa babaeng nagagalit kanina dahil bigla siyang kumalma.

"You're being nice infront of the camera but you're being a bitch behind it." umiling iling ang babaeng kamukha ng lalaking nagsalita kanina. 

"Sorry po ma'am aalisin ko na lang po ang juice, sorry po talaga." saad ni manang.

"No manang iwan mo lang yan." saad ng lalaking mukhang anghel. Tinuon niya ang mata niya sakin at para akong nanliliit sa mga titig niya. "Dapat magpahinga ka, hayaan mo na muna kila manang ang trabaho." aniya saka dinampot ang cellphone niyang tumutunog. Tumayo siya at iniwan kaming lahat sa sala.

"Sige na manang." saad ng babaeng kamukha ng lalaki. Iginiya na ko ni manang pabalik sa kusina at impit na tili ang sumalubong samin ni manang.

"Oh my God Amelia concern sayo si sir Cloud, jusko pwede ka na mamatay." aniya. 

"Co-concern?" 

"Nag-aalala siya sayo Amelia baka gusto ka ni sir Cloud." impit na naman siyang tumili.

"Naku kayong mga bata kayo, huwag niyong bigyan ng malisya ang pagiging mabait ni sir Cloud." saad ni manang. "Sige na Amelia dun ka na muna sa kwarto mo at kami na ang bahala sa mga bisita." 

"Manang pwede po bang pumunta sa likod bahay?" Ayokong manatili sa loob ng kwarto dahil napakalamig doon at wala din akong magagawa doon. 

"Oh siya sige." pagpayag ni manang Dang bago siya bumalik sa sala para magdala ng iba pang pagkain. 













Napakaganda ng bahay ni ma'am Ivy, napakamoderno ng istilo ng bahay nila hindi katulad ng sa amin. Dati ay nakikita ko lang sa tv ang mga ganitong bahay at ngayon ay nagtatrabaho na ko dito. 

Mukhang mahilig si ma'am Ivy sa mga bulaklak dahil punong puno ng pink na bulaklak ang likod bahay niya. Napagdiskitahan kong tanggalin ang mga ligaw na damo sa daanang bato, mukhang hindi pa nalilinisan ang likod bahay dahil dumadami na ang mga ligaw na damo sa daanan. 

"Di ba dapat ay nagpapahinga ka?" Sa gulat ko sa biglang nagsalita ay halos malaglag ako sa wheelchair habang binubunot ang ligaw na damo. Ang maiinit at malalambot na kamay ang umalalay sakin upang hindi tuluyang sumubsob sa lupa. "Hindi mo kasi kailangan gawin to, may gardener si Ivy para alisin ang mga ligaw na damo na yan."

Nagtama ang paningin naming dalawa at hayaan na naman ang mabilis na tibok ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok nito. "Okay ka lang ba?" Umupo siya upang lumebel ang paningin naming dalawa. "Anong nararamdaman mo?" 

"Wala po to." pagkakaila ko. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nagtatama ang mata naming dalawa ay parang gustong kumawala ng puso ko sa dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog nito. 

Tumakbo siya papasok sa loob ng bahay at pagbalik ay may dala ng isang baso ng tubig. "Kailangan mong magpahinga, ang sabi ni Ivy ay hindi ka pa tuluyang magaling." Inabot niya sakin ang tubig. "Inumin mo to at ibabalik na kita sa kwarto mo." aniya. 

At ang salita niya'y parang utos ng isang hari na dapat mong sundin. Ininom ko ang tubig na binigay niya at tulad ng sinabi niya ay iginiya niya ko pabalik ng kwarto ko. Akala ko ay aalis na siya pagkahatid niya sa akin sa kwarto namin ni Ami ngunit yumuko siya at bigla akong binuhat sa wheelchair ko.

"Si-sir." Ayan na naman ang puso ko, kabog na naman siya ng kabog. Nilapag niya ko sa kama at kinumutan ang kalahati ng katawan ko. "Magpahinga ka na lang at tawagin mo si Ami kung kailangan mo ng tulong." aniya saka mabilis na naglakad palabas ng kwarto. Hinawakan ko ang dibdib kong kanina pa kabog ng kabog. Ano bang nangyayari sayo, hindi ka naman ganiyan dati ah.

As long as You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon