Kabanata 43

5.1K 186 11
                                    

Kabanata 43


"I think that's enough, nabigay na namin yung side namin." ani sir Michael nang mapansing hindi na ko sumasagot sa tanong ng mga reporters. Nagrereklamo ang ibang reporters dahil madami pa silang tanong ngunit wala din naman akong maisasagot sa mga tanong nila. 



Hinarang sila ng mga security at pinalibutan din kami ng ibang security palabas ng function hall at iginiya kami patungo sa kwarto namin. Pagdating namin sa kwarto ay narinig ko agad ang malutong na pagmumura ni kuya Kaka. "Ano bang problema niyang babae na yan, pagkatapos ng interview niyo, hayan nagpapainterview naman siya." 



Tiningnan ko ang pinapanuod niya at nasa tv si ma'am Roxy. "Is it true na sinaktan ka ni Amelia sa set ng morning show?" saad ng reporter.



"I really don't want to talk about it talaga kasi ayoko na sanang palakihin but I think it's about time for everyone to know kung ano ba talagang ugali ni Amelia." aniya. "She' nice and kind infront of the camera and infront of her fans but in the backstage she's rude." 



Napaupo ako sa sofa dahil biglang nanghina ang binti ko. "May alitan ba kayong dalawa ni Amelia para saktan ka niya?" saad ng isang reporter.



""Actually that time sinisisi niya ko na ako daw ang naglagay ng video niya sa morning show, but why would I do that? It's not my business if she's like that before so I wouldn't do such thing." aniya.



"Napanuod mo ang live press conference ni Amelia kanina, anong masasabi mo sakanila?" ani ng isang reporter.



"Ahhmmm that's good na inamin mo na ikaw yung nasa video and about your relationship with Cloud, I think it's unfair kasi he doesn't know anything about your past so if ever na magkita kayo ulit, I think it's much better to let him go." aniya.  "And one more thing, I hope you will never do it again, I mean if you ran out of money, I can help you cause eventhough you hurt me, I still treat you as a friend." 



"Adik ba yang babae na yan, binabaliktad ka niya ngayon?" ani kuya Kaka. "Ganiyan ba ang mayayaman, gagawin ang lahat magmukha lang silang inosente?" nanggagalaiting saad ni kuya Kaka.



"Sumasakit ang ulo ko sa babae na yan, ganun ba kasama yung ginawa namin, oo binenta ko yung katawan ko para magkapera dahil wala akong alam na ibang paraan pero hindi naman ibig sabihin nun masamang tao na kami." ani nanay. "Ang hirap kasi sa mayayaman na yan, hindi nila tayo kayang intindihin dahil hindi naman nila naranasang magutom!"



"And about dun sa pananakit mo sakin, I forgave you already Amelia, baka kasi you're just too stressed dahil lumabas yung video mo. " Mukha siyang maamong tupa sa harap ng mga reporters. "I'm here for you Amelia if you need someone to talk to, okay?" aniya saka nagpaalam na sa mga reporter.

As long as You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon