Kabanata 40

5.1K 131 7
                                    

Kabanata 40

"Hoy Amelia bangon, may tv guesting ka sa morning show!" sigaw ni nanay habang kinakalampag ang pinto ng kwarto ko.

Tiningnan ko ang oras at halos alas-kwatro pa lang ng madaling araw. "Ameliaaaaa!" sigaw ni nanay.

"Opo nay babangon na po." Nagmadali na kong mag-ayos dahil hinihintay na din pala ako ni sir Michael sa sala.

Pagtapos kong maligo ay agad akong dumiretso sa sala upang batiin si sir Michael at laking gulat ko na nandun si Jaime. "Jaime?"

Agad siyang tumayo at niyakap ako. Marahan akong lumayo sakaniya dahil naalala ko si Cloud. Ayaw niya ng ganito, ayaw kong bigyan na naman siya ng rason para magselos.

"Goodmorning Amelia." Matamis ang ngiti ni Jaime.

"Bakit ka nandito?"

"Sinama ko siya dito, nasa Paliparan kasi ako kagabi eh gusto ka daw niya makita." ani kuya Kaka.

Napakamot sa ulo si Jaime. "Kaso may lakad ka pala pero okay lang atleast nakita kita ulit." aniya.

"Alam mo tol sumama ka na lang sa tv guesting ni Amelia, bantayan mo yan dahil may bruha dun." ani kuya habang nakasalampak siya sofa.

"Kuya lasing ka na naman?" Amoy alak sa sala at paniguradong hindi si Jaime at si sir Michael yun. Si nanay naman ay ayos na ayos kaya't sigurado akong hindi siya ang amoy alak.

"Sssshhhhh." sita ni kuya Kaka sakin. "Umalis na nga kayo ang iingay niyo." iritable niyang saad.

"Yun ba yung babaeng nagsaboy sayo ng kape?" tanong ni Jaime. Agad na napalingon si nanay at sir Michael sakin.

"What?" ani sir Michael.

"Sinabuyan ka ng kape ng demonyitang yun?" ani nanay. "Yun ba yung umuwi ka na ang dumi ng damit mo ha!" tumataas na ang boses ni nanay.

"Nay tapos na po yun, hayaan na lang po natin."

"Hindi mo sinabi sakanila ang nangyari sa Conrad?" bulong ni Jaime sakin. Agad naman akong umiling. Hindi ko na sinabi dahil ayoko ng palakihin pa, ayoko ng gulo.

"Hoy Amelia huwag mong hayaan na ginaganun ganun ka ng babaeng yun. Huwag kang paapi, sabunutan mo, sampalin mo kapag sinasaktan ka na." ani nanay.

"Nay masama pong manakit ng kapwa."

"Tangina Amelia sinasaktan ka na ganyan pa din iniisip mo. Huwag ka ngang tanga, huwag kang masyadong mabait, maaabuso ka." sigaw ni nanay.

"I'll talk to Roxy." ani sir Michael. "But for now we need to go, kailangan nandun na tayo sa studio before 6." Iginiya na kami palabas ni sir Michael. Pinayagan niya ding sumama si Jaime sa studio.







"Kasali ang mommy mo sa interview." saad ng direktor.

"Ayan, dapat talaga sinasali ang mga nanay para makita ng mga manunuod kung kanino nagmana ang mga idolo nila." ani nanay.

Ngumiti ang direktor at pinapwesto na kami sa gitna. "Okay 10 sec." Nagsimulang magbilang ang direktor at pagsigaw ng cue ay tumunog na ang background music ng programa. 

"Goodmorning, goodmorning, goodmorning Philippines." panimula ng host. "Isang napakagandang umaga na naman sa lahat ng ating manunuod." aniya. Nilingon niya kami at nginitian. "At lalong gumanda ang umaga naming lahat dito sa studio dahil guest lang naman namin si Amelia Ocampo." Tinutok sakin ang camera at sinenyasan ako ng direktor na kumaway at bumati.



"Magandang umaga po sainyong lahat." bati ko.



"At syempre kasama natin ngayon ang kaniyang mommy, mommy Analiza Ocampo." pakilala ng host kay nanay. Nang tumutok ang camera kay nanay ay abot tenga ang ngiti niya at agad siyang bumati sa mga kakilala niya.



As long as You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon