SIMULA

18.7K 291 5
                                    

DISCLAIMER

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.








SIMULA



"Amelia!" Napabalikwas ako sa kama dahil sa sigaw ni nanay. "Punyeta bakit wala pa ring almusal!" Kumalabog ang pinto ng kwarto ko. Mabilis akong tumayo at akma nang lalabas ng bahay ng biglang hilahin ni nanay ang buhok ko. "Ikaw bata ka napakabatugan mo talaga kahit kelan. Puro ka na lang tulog wala ka ng naitutulong sa bahay na to!"


"Nay pasensya na po ginabi na po kasi ako sa karinderya kagabi dahil sa dami ng tao. Magluluto na po ako pasensya na po." Hinila niya pa muli ang buhok ko bago niya ito binitawan saka ako binatukan.

"At magdadahilan ka pa, ang sabihin mo batugan kang talaga!" Tumakbo na ko patungong kusina at hinagilap na agad ang kawali. Agad kong hinanap ang itlog na binili ko kagabi pero wala na ito sa mesa.


"Kuya nakita mo ba yung itlog na binili ko kagabi, dito ko lang yun nilapag sa mesa eh." tanong ko sa kuya kong halos kakagising lang din.


"Ah yun ba, ginutom ako kagabi kaya niluto ko. Bumili ka na lang ulit, bilisan mo at nagugutom na ko."

"Kuya naman sampung itlog yun, niluto mong lahat?" Mabilis niyang hinagilap ang braso ko at pinandilatan ako ng mata.

"Anong gusto mong palabasin ngayon Amelia ha! Yung iba niluto ko, yung iba binigay ko sa girlfriend ko dahil hindi pa siya nakain, may problema ka ba dun." Mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko dahilan para mapangiwi ako sa sakit. "Bumili ka na lang ulit sa tindahan, bilisan mo dahil nagugutom na ako!"



"Hoy tigilan niyong dalawa yan. Amelia bumili ka na sa tindahan bilisan mo gutom na gutom na ako. Bilis bilisan mo ang kilos mong babae ka at naaalibadbaran ako sayo." Binitawan na ni kuya ang braso ko at umalis na sa kusina.



Mabilis akong tumakbo sa kwarto ko at hinagilap ang wallet ko. Tumakbo na ko palabas ng bahay para hindi na ko masigawan ni nanay. "Ate Nita tatlong itlog nga po at isang tuyo." Binuksan ko ang wallet ko at 50 pesos na lang ang natitira sa sinahod ko kagabi.



Inabot sakin ni Ate Nita ang binili ko. "Amelia ikaw daw ang magbabayad ng kinuha ng kuya mo kagabi." saad ni Ate Nita habang kumukuha ng panukli sa pera ko.



Nagulat ako sa sinabi niya. "Ano ho, ano hong kinuha ni kuya?" Inabot niya sakin ang sukli ko at ang listahan na puro alak, sigarilyo at tsitsirya.


"500 pesos lahat ng yan Amelia, bayaran mo mamaya at magbabayad ako sa lending." ani Ate Nita. "Ano yang nasa braso mo?" Tiningnan ko din ang braso kong hinawakan ni kuya. Kahit morena ako ay bakas pa rin ang pamumula nito dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Kuya Kaka kanina. "Sinaktan ka na naman sainyo?"


Agad akong umiling. "Hindi ho ate Nita napadiin lang ang pagkakahawak ni Kuya Kaka kanina, sige ho mauna na ko, mamaya na lang ho tong utang ni Kuya.." Mabilis na kong naglakad patungong bahay.







"Kuya ano na naman tong kinuha mo kay ate Nita?" Nilapag ko sa mesa ang listahan ng mga binili ni kuya kagabi. "Pati ba naman ang alak, yosi at pulutan niyo ay ako pa ang magbabayad. Nagiinuman kayo tapos wala naman pala kayong pera!"

"Anong nirereklamo mo Amelia, may trabaho ka naman at kaya mo yun bayaran." ani kuya. Agad siyang kumuha sa itlog na kakaluto ko pa lang. "Walang pera yung tropa eh gusto namin mag-inom kaya nangutang na lang ako kay ate Nita dahil alam ko naman na kaya mo yun bayaran." ani kuya habang abala sa pagkain sa niluto ko.



"Kuya hindi naman malaki ang sinasahod ko sa karinderya, dito pa nga lang sa bahay kulang na yung sinasahod ko eh tapos idadagdag mo pa yang bisyo mo. Kuya pati ba naman bisyo niyo ng tropa mo susustentuhan ko pa." Marahas siyang tumayo dahilan kung bakit natumba ang luma naming mesa. Lahat ng niluto ko ay natapon sa sahig. Agad akong napaatras dahil nakita ko ang nag-aalab na galit ni kuya ngunit mabilis ang kamay niya at agad niyang nahagilap ang mukha ko. Mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko gamit ang isang kamay.



"Tangina ang yabang mo na porket may trabaho ka. Eh sino pa bang susustentuhan mo kung hindi kami lang din naman ni nanay. Napakadamot mo ah, may pinagmamalaki ka na ba ha!" Halos maiyak na ko sa sakit ng pagkakahawak niya sa pisngi ko. Marahas niyang binitawan ang mukha ko. "Umalis ka na sa harap ko dahil baka masuntok pa kita." Mabilis akong tumakbo sa kwarto para hagilapin ang bag ko at tumakbo na palabas ng bahay.









"Amelia" Napabalikwas ako ng hawakan ni Jaime ang braso ko. "Ano na namang ginawa sayo ng kuya mo Amelia?" ani Jaime. Si Jaime ay kababata ko at natatanging kaibigan ko dito sa Paliparan. Kagaya ko ay hindi rin nakapagtapos ng pag-aaral si Jaime dahil na rin sa kakapusan sa pera. Nagtatrabaho siya para sustentuhan ang mga kapatid niya sa pag-aaral.


"Wala to napahigpit lang ang hawak ni Kuya sa braso ko." pagsisinungaling ko. Tinuon ko ang atensyon ko sa maduduming platong nakatambak sa lababo. Ang aga pa pero ang dami na agad hugasin, nalula ako sa dami ng maduming plato.

"Amelia sakin ka pa ba magsisinungaling?" Lumapit sakin si Jaime. "Yang si Kaka sumosobra na yan ah, palamunin na nga sainyo nananakit pa." ani Jaime.

"Jaime."

"Sinabi ko na kasi sayong umalis ka na sainyo eh. Pwede ka naman dun sa amin Amelia." ani Jaime. Pagod akong lumingon sakaniya.


"Jaime hindi nga pwede saka baka ano pa ang isipin ng mga kapitbahay niyo. Saka sinong mag-aasikaso sa bahay kung wala ako." saad ko.


Marahan niyang hinawakan ang magkabilang braso ko. "Ang sakin lang naman Amelia ayokong nakikitang sinasaktan ka. Isang beses pang saktan ka niyang kapatid mo, makakatikim na yan sakin. Ang babae hindi sinasaktan, inaalagaan."

As long as You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon