Kabanata 23

5.2K 178 8
                                    

Kabanata 23



Nagmamadali akong lumabas ng grand ballroom. Hindi ko alam kung anong mas masakit, ang ijudge ako ng mga taong hindi naman ako kilala o yung hindi ako paniwalaan ni sir Cloud.




Hindi ko alam kung anong lugar ba tong nilalakaran ko. Madami namang taong naglalakad pero karamihan ay puro lalaking nakasuot ng kulay blue na damit.



"Witwiw." sipol ng isa sa mga lalaking kasabay kong maglakad.



"Miss saan ka pupunta, gusto mo ihatid na kita?" saad ng lalaki. Binilisan ko ang paglalakad ko dahil natatakot ako sakanila. Madilim ang lugar at puro pa lalaki ang kasabay ko maglakad.


"Ayan tinakot mo si miss ganda, nagmamadali tuloy maglakad." saad ng isa pang lalaki.


Lalo ko pang binilisan ang lakad ko, hindi ko alam kung saan ako pupunta pero kailangan kong makahanap ng lugar na medyo maliwanag at maraming tao. Biglang may humila sa braso ko. "Miss huwag ka magmadali baka madapa ka, sayang ang kinis mo pa naman." saad ng lalaki. Tiningnan ko siya at halos mangilabot ako dahil sa lagkit ng tingin niya sa katawan ko. Ang ibang kasamahan niya ay ganun din ang tingin sakin.



"Ma-may pupuntahan pa kasi ako." saad ko saka hinawi ang kamay niya at naglakad muli ngunit mabilis niya kong hinawakan sa braso at hinigpitan ang pagkakahawak dito.



"Ihahatid ka na nga namin eh, saan ba ang punta mo miss ganda? Sasamahan ka namin kahit saan." aniya sabay kindat sakin.



Delikado ako sa mga lalaking to, kailangan kong makalayo sakanila. "Aalis na ko." Binabawi ko ang braso ko ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya dito. "Bitawan mo ko aalis na ko."



"Bakit ayaw mo ba kaming kasama miss, mababait kami, kaya ka naming alagaan." aniya. Hinaplos niya pa ang braso ko dahilan upang lalo akong mangilabot.


"Papaligayahin ka pa namin." Lalo akong natakot ng hawakan niya ang maselang bahagi ng katawan niya.


"Bitiwan mo ko, aalis na ko." tumaas na ang boses ko, naiiyak na din ako. May mga dumadaang ibang lalaki ngunit parang wala silang pakielam.


Bigla niya kong hinila palapit sa katawan niya at inamoy ang leeg ko. "Bitiwan mo ko parang awa mo na." pagmamakaawa ko. Hindi ko inalagaan ang sarili ko para lang isuko ito sa mga walang kwentang tao. Hinila niya ang buhok ko upang mas maisiksik niya pa ang mukha niya sa leeg ko. "TULOOOOOONGGGGG" buong lakas akong sumigaw, nagbabakasakaling may makarinig at matulungan ako. "Layuaaaan mo koooo." Tinutulak ko siya palayo ngunit mas malakas siya sakin.




"Pre dalhin na natin dun sa may gilid ng coastal, atat na atat na ko diyan kay miss ganda." saad ng isa niyang kasama.


"Oo nga eh, kanina pa nagagalit yung alaga ko." sambit ng isa pa.



"Sige ako din eh, ako na mauuna kay miss ganda mga pre." saad ng lalaking may hawak sa braso ko.


"Pakawalan niyo na ko parang awa niyo na, maawa po kayo." Naiiyak kong sambit. Diyos ko iligtas niyo po ako please.





Isang marahas na pagkakahila sa braso ko ang nakapagpalayo sakin sa lalaki. Agad dumapo ang kamao ni sir Cloud sa mukha ng lalaking humawak sakin.



Napansin ko ang sunod sunod na pagparada ng sasakyan at paglabas nila sir Caden. Agad akong dinaluhan ni ma'am Clarisse at ma'am Clea. "Clea get her inside the car now!" sigaw ni sir Cloud.


Nakita ko kung paano niya marahas na suntukin ang lalaking nangharass sakin kanina. Ang mga bodyguard naman nila sir Caden ang may hawak sa iba pang lalaki. "Sir Cloud tama na po, tama na." awat ko sakaniya. Alam kong mali ang ginawa ng lalaki pero ayoko namang gumawa ng mali si sir Cloud para lang magantihan ang lalaki. "Sir Cloud please." hinaplos ko ang braso niya.



"Amelia ano ba! You want me to stop? Really?! You almost got raped Amelia. I am fucking mad I can even kill him right now." sigaw niya.



"Cloud that's enough, the police are coming." saad ni ma'am Clea.


Isa pang suntok ang pinakawalan ni sir Cloud bago niya nilayuan ang duguang lalaki. "You dare touch my girl again and I will kill you all!" sigaw ni sir Cloud. "Hawakan niyo maigi yang mga yan."



Patuloy pa din ako sa pag-iyak dahil hanggang ngayon ay nanginginig pa din ako sa takot. Nilingon niya ko at agad akong kinulong sa yakap. "Oh God, buti na lang nahanap agad kita kung hindi, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sayo." aniya. Patuloy lang ako sa pag-iyak habang yakap yakap niya ko. Hinaplos niya ang likod ko dahil hanggang ngayon ay nanginginig pa din ako.




Nagdatingan na din ang mga pulis at agad nilapitan si sir Caden. "Mauna ka na sa loob ng sasakyan, ako na ang kakausap sa mga pulis. You're safe now Amelia, you're safe with me." aniya saka dinampian ng halik ang noo ko at iginiya ako papasok ng sasakyan.












Matapos naming magsampa ng kaso sa mga lalaking nangharass sakin ay nagpasya na si sir Cloud na ihatid ako sa bahay. "Amelia." tawag niya sakin habang abala siya sa pagmamaneho. "Sorry."


Nagulat ako sa sinabi niya, agad ko siyang nilingon. "Po?"



"Sorry kung hindi kita agad napagtanggol kay Roxy. Sorry kung hindi kita agad nahabol. Sorry dahil nangyari yun sayo." sunod sunod niyang saad. Kahit hindi niya ko nililingon ay bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala sakin. "Nagagalit ako sa sarili ko kasi hindi kita nasundan agad kaya nangyari yun. Nagagalit ako sa sarili ko dahil napabayaan kita."



"Sir Cloud."



"Amelia sana mapatawad mo ko, sana huwag mo kong pagbawalan na manligaw sayo kasi hindi ko kakayanin kapag iniwasan mo ko."



"Sir Cloud bakit niyo po to ginagawa?" Napalingon siya sakin, nagtataka sa tanong ko. "Bakit niyo po ko nililigawan, bakit niyo po ko pinagtatanggol?"



Pinarada niya sa gilid ng kalsada ang sasakyan at muli akong nilingon. "Kasi mahal kita Amelia."




"Hindi niyo naman po kailangan magpanggap na mahal niyo ko para matulungan akong sumikat." Lalo siyang nagulat sa sinabi ko.


"Amelia anong sinasabi mo?" Naguguluhan niyang tanong.


"Sir Cloud hindi niyo naman po kasi kailangan magpanggap na mahal niyo ko para lang matulungan ako." pumiyok ang boses ko. "Alam ko pong naaawa kayo sakin dahil mahirap ako, hindi nakapagtapos ng pag-aaral, kaya gusto niyo po kong tulungan pero....huwag na po kayong magpanggap."




Napasandal siya sa upuan ng sasakyan niya. Nakapikit ang dalawa niyang mata. Nakita ko ang sugat sa kanang kamay niya, bakas ng panununtok niya kanina.



"Sa tingin mo gagawin ko ang lahat ng to dahil nagpapanggap lang ako Amelia?" saad niya. Hindi niya pa din dinidilat ang mata niya. "Sa tingin mo sasabihin ko sa buong mundo na mahal kita at gusto kitang maging girlfriend dahil lang naaawa ako sayo?" Dinilat niya na ang mga mata niya at pagod akong tiningnan.




"Amelia kulang pa ba, hindi pa ba sapat yung effort ko para ipakita sayong totoo tong nararamdaman ko para sayo. Kahit katiting man lang ba hindi mo maramdaman na baliw ako sa pagmamahal ko sayo at hindi ito isang biro." pumiyok ang boses niya ngunit walang luhang pumatak galing sa mata niya. "Sabihin mo Amelia kulang pa ba, kasi kung kulang pa dadagdgan ko pa hanggang maramdaman mo kung gaano katindi tong nararamdaman ko, hanggang marinig mo na ikaw yung sinisigaw nito." sabay turo sa puso niya.


As long as You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon