WAKAS

10.7K 357 56
                                    

WAKAS



Thank you for reading my story :) Hope you'll read my other stories too <3 God bless you all.



"Mahal wear this ring as a sign of my love, loyalty and respect." Hindi ko pa natatapos ang vow ko ay pumiyok na agad ang boses ko. "I promise to love you more each day and be the best father of our child. I may not be the perfect man but I promise to be the best version of myself. Thank you for not giving up on me and thank you for coming into my life. I want you to know that you're part of me and without you my life will be incomplete. Mahal, I promise to protect you from everything, you will not walk alone cause you have me. Mahal na mahal kita Amelia Ocampo, salamat sa napakagandang regalo." saka ko nilagay sa daliri niya ang singsing.



"Mahal salamat sa pagdating mo sa buhay ko. Alam mo ang lahat lahat ng pinagdaanan ko, ang nakaraan ko, ang sikreto ko pero hindi mo ko iniwan." Pumatak ang luha sa mata niya. "Hindi ko alam kung bakit nandito ka pa din sa tabi ko sakabila ng lahat dahil kung tutuusin ay napakarami mong rason para iwan ako pero pinili mong manatili sa tabi ko." Pumiyok ang boses niya dahil sa pag-iyak niya. "Maraming salamat sa pagtanggap sa buong pagkatao ko." pinalis niya ang luha sa pisngi niya. "Alam ko na hindi ako perpektong tao, madami akong kakulangan pero pinapangako ko na aalagaan kita at ang magiging anak natin sa abot ng aking makakaya. Mahal na mahal kita Cloud." saka sinuot ang singsing sa daliri ko. 



"You may now kiss the bride." saad ng pastor. This is the sweetest kiss I can give her, infront of our family, our friends and our Creator. 






"Look mahal, pink and blue stroller." pinakita ko sakaniya ang magkadikit na stroller. 



"Mahal bumili na ng ganiyan si Clea." aniya. Naiinis ako dahil wala ako halos mabili para sa anak ko dahil inunahan ako mamili nila Clea at mga pinsan ko. 



"Wala pa kong nabibili para sa anak ko." iritable kong saad. "Baka magtampo siya sakin, isipin niya nagkukuripot yung daddy niya, umasa lang sa bigay." saad ko.



Natawa naman si Amelia sa sinabi ko. "Mahal hindi naman nasusukat ang pagmamahal sa materyal na bagay eh. Basta nandyan ka para sakanila, mararamdaman nila yung pagmamahal mo sakanila." aniya. Lumapit ako sakaniya at dinampian ng halik ang noo niya. Napakabait talaga ng asawa ko.



"Sige damit na lang ang bibilhin ko, yung pare-pareho tayo." saad ko. Inalalayan ko siya sa paglalakad sa loob ng mall habang tumitingin kami ng mga damit. "Oh maganda yun mahal oh, polo shirt." Agad kong nilapitan ang damit at tiningnan ang size nito. Kinuha ko ang maliit na damit. "Tingnan mo to mahal bagay to sa-" Paglingon ko sakaniya ay namimilipit siya sa sakit. Nakita ko rin ang tubig na tumutulo sa binti niya. 



"Sir manganganak na po yata si ma'am." Natatarantang saad ng isang staff. Agad kong dinaluhan si Amelia.



"Mahal sobrang sakit." aniya habang hawak hawak ang tiyan niya. Mabilis na lumapit samin ang isang guard na may dala dalang wheelchair.



Tinulungan nila kong isakay si Amelia sa wheelchair at sa pagpunta sa sasakyan ko. Maingat ngunit mabilis ang patakbo ko patungong ospital. Naririnig ko ang pag-iyak ni Amelia dahil sa sakit na nararamdaman niya. Sorry mahal wala akong magawa para maalis ang sakit. 


Pagdating namin ng ospital ay agad naglapitan ang mga nurse upang alalayan ang asawa ko. Mabilis ang kilos sa ospital dahil pumutok na pala ang panubigan ni Amelia at handa na siyang manganak. 


Pinagsuot ako ng robe, mask at gloves bago ako pinayagang pumasok sa loob upang samahan si Amelia. Bakas sa mukha niya ang sakit na nararamdaman niya, tuloy tuloy din sa pagtulo ang luha niya. Hinaplos ko ang ulo niya, kahit alam kong hindi maiibsan nito ang sakit na nararamdaman niya ngayon ay gusto kong malaman niya na nandito lang ako. 


"Okay relax lang Amelia." saad ng doctor. "Don't shout kasi mapapagod ka agad just follow my instructions okay." aniya.


Hinawakan ko ang kamay ni Amelia. Kung ganito kahirap ang panganganak, kuntento na ko sa anak namin, ayoko nang mahirapan pa ulit ang asawa ko. Hindi ko kayang makita siyang labis na nasasaktan.



"1,2,3 push." saad ng doctor. Matapos lang ang ilang sandali ay umalingawngaw na sa kwarto ang iyak ng bata. "Okay another Amelia, 1,2,3 push." at muling humigpit ang paghawak ng asawa ko sa kamay ko. At ngayon dalawa na silang umiiyak sa kwarto. Walang humpay sa pag-iyak si Amelia nang makita ang kambal naming anak. 



"Congratulations Mr. and Mrs. Clinton, it's a healthy baby boy and baby girl." bati ng doctor. Niyakap ko ng mahigpit si Amelia at halos umiyak kami ng umiyak. This is the greatest gift God has given us. 


"Thank you mahal, I love you." bulong ko sakaniya.


"I love you." 



Pinakita sakin ng nurse ang anak namin ni Amelia. Mas lalo akong naiyak na makita ko ang sarili ko sa anak ko. Having a baby is the most wonderful things to have in life. Having them in our life is a miracle. I promise to take care of them as long as I can, to give them a comfortable life and to raise them the way my parents raised me. I'll forever salute all the moms in the world for being so strong.




"Mahal hindi mo ba naiisip na iwan ako?" Nagulat ako sa tanong ni Amelia. Nandito kami ngayon sa nursery room ng ospital. 



"Mahal ano ba yang sinasabi mo?" mataman siyang nakatitig kay Isaiah at Naomi.



"Kasi may stretchmarks na ko sa tiyan tapos ang taba ko pa, hindi na ako yung dating Amelia." aniya. I sighed. Marahan kong hinaplos ang pisngi niya at hinarap siya sakin.


"Mahal kahit ano pang hitsura mo, kahit ano pang size mo, kahit may peklat ka pa mahal pa rin kita. As long as you love me, I will stay, I will not leave your side Mrs. Clinton, no scratch that kapag feeling mo hindi mo na ko mahal, liligawan ulit kita hanggang mahulog ka sakin kasi ayoko na ng iba dahil simula ng makilala kita ikaw na lang ang laman nito." tinuro ko ang dibdib ko. "Ay 50% na lang pala yung sayo mahal." 



Ngumuso siya. "Kanino yung kalahati?" 



Niyakap ko siya mula sa likod. "Para sa kanila." sabay turo ko sa anak naming dalawa. "First we had each other, now we have everything cause we have them in our life. Salamat sa pagdating niyo sa buhay ko." then I kissed her cheek.

As long as You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon