Kabanata 32

4.9K 141 2
                                    

Kabanata 32



Nagising ako sa katok sa kwarto ko. Tiningnan ko ang oras sa phone ko, alas-sais pa lang ng umaga.

Tumayo ako upang buksan ang pinto at nakita ko si nanay na bihis na bihis. "Kanina pa kita ginigising bata ka, bilisan mo mag-ayos ka na, may mall show ka daw ngayon sabi ng manager mo."

"Nandyan si sir Michael?" Natataranta kong tanong kay nanay.

"Oo Michael ata ang pangalan nun, basta ang sabi manager mo daw kaya bilisan mo na magbihis ka na." ani nanay saka tumalikod at umalis.

Nagmadali kong chineck ang phone ko at nakita ang ilang missed calls at messages ni sir Michael. Nakakahiya! Nagmadali na kong mag-ayos at kumuha lang ng tshirt at pantalon sa maleta ko.

"Amelia ano ba yan, bakit ganiyan lang ang suot mo, haharap ka sa tao tapos mukha kang gusgusin!" sita ni nanay sa suot ko.

"It's fine madam, may team naman na mag-aayos sakaniya doon kaya okay lang." ani Jha. "Saka kahit naman po walang make-up si Amelia, sobrang ganda niya na po."

"Aba syempre mana sakin eh." ani nanay. "Kung hindi dahil sa ganda ko hindi yan sisikat."

"Hindi lang naman po dahil sa maganda siya kaya siya sumikat, magaling po siyang kumanta madam." ani Jha.

"Alam ko, kasi tinuruan ko siyang kumanta, sakin niya minana lahat ng pinagkakakitaan niya ngayon." ani nanay. "Tara na nga." At nauna pang maglakad kila sir Michael palabas ng kwarto namin.

"Amelia sa SM Molino ang mall show mo today kaya maaga tayong umalis dahil baka matraffic tayo papuntang Cavite." ani sir Michael nang nasa sasakyan na kami.

"Naku malapit na yung dati naming bahay dun eh, isang jeep at tricycle na lang bahay na namin dati." ani nanay. "Sana manuod yung may-ari ng dati nating tinitirhan para mainggit siya dahil mayaman na tayo."

"Nay hindi naman po tayo mayaman." bulong ko sakaniya.

"Mayaman na tayo Amelia dahil nakatira na tayo sa magandang hotel tapos may boyfriend ka pang mayaman." ani nanay.

"Nay tama na po." Nahihiya na ko sa mga pinagsasabi niya, nagmumukha kaming gold digger sa sinasabi niya.

"Ano ka ba Amelia, maging proud ka nga. Sa sobrang ganda mo sumikat ka tapos nagustuhan ka pa ng isang mayaman. Kaya ikaw na bata ka huwag mo ng pakawalan yung Cloud na yun, malaking isda na yun." ani nanay.

"Nay tama na po, kung yayaman po tayo, yayaman po tayo dahil sa pagtatrabaho ko hindi dahil sa ibang tao. Saka si Cloud po ay boyfriend ko pero hindi po ibig sabihin nun ay responsibilidad niya tayong lahat." paliwanag ko kay nanay.

"Ay siya siya bahala ka sa buhay mo, basta siguraduhin mong hindi na tayo magugutom ulit, galingan mo sa pagkanta mo." ani nanay.

Naramdaman ko ang paghaplos ni Jha sa braso ko. Nginitian ko lang siya upang ipaalam sakaniyang okay lang ako.

Pagdating namin sa SM Molino ay agad na kong inayusan ni Jha at ng stylist. "Nasan ang nanay?" tanong ko kay Jha.

"Nandun sa labas pinagyayabang ka sa mga kakilala niyo." ani Jha.

Bumuntong hininga ako, hindi ko alam kung anong mga sinasabi ni nanay sa mga nakakakilala samin. "Amelia you're up in 3 minutes, be ready." ani sir Michael.







"Please welcome Amelia Ocampo!" Sinalubong ako ng malakas na hiyawan at palakpakan ng mga tao.

"Kapitbahay namin yan woah!" narinig kong sigaw ng isa sa mga nanunuod. Hindi ko maaninag ng ayos ang mga mukha nila dahil sa lakas ng ilaw. "Ang ganda ganda mo na lalo Amelia!" sigaw pa ng isa.

As long as You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon