Kabanata 25

5.9K 175 7
                                    

Kabanata 25

"Please welcome Amelia Ocampo" pakilala sakin ng host.

Sinalubong ako ng malakas na hiyawan ng mga tao. Sunod sunod din ang pagflash ng camera, sa sobrang tutok sakin ng spotlight ay hindi ko na maaninag ang mga nanunuod. Sa katagalan ay nasasanay na kong tumungtong sa gitna ng entablado at unti unti ng nawawala ang kaba ko.

"Magandang tanghali po sainyong lahat, sana po magustuhan niyo ang kakantahin ko. Para po ito sa lahat ng taong nagmamahal."

Langit ang buhay sa tuwing ika'y hahagkan
Anong ligaya sa tuwing ika'y mamasdan
Sa piling mo ang gabi'y tila araw
Ikaw ang pangarap

Lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao at nangingibabaw dun ang pagcheer sakin ni sir Cloud. "Go Amelia!" Napalingon ako sa pwesto niya at ngiting ngiti siya sakin. Napansin ko din ang ibang babaeng nakapaligid sakaniya na kinukuhanan siya ng litrato. Dapat hindi na lang siya lumabas, dapat nagstay na lang siya sa backstage. Hindi niya ba napapansin na pinagkakaguluhan na siya ng ibang babae.

Ikaw ang pangakong taglay ng isang bituin
Tanging pangarap sa Diyos ay hiling
Makapiling sa bawat sandali

Ikaw ang pag-ibig sa araw at gabi
Ikaw ang pag-asang tanglaw sa dilim
Napapawi'ng hirap at pighati

Iniwas ko ang tingin ko sakaniya dahil naiirita ako sa mga babaeng nadikit sakaniya para lang makapagpapicture. Gusto niya daw ako, mahal niya daw ako pero nginingitian niya yung mga babaeng naghahi sakaniya, may kinamayan pa, susme. 

"I love you Amelia Ocampo!" Nagulat ako sa sigaw niya at lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao ng makita nila kung sino ang sumigaw nun. "Mahal na mahal kita!"

Langit ang buhay sa tuwing ika'y hahagkan
Anong ligaya sa tuwing ika'y mamasdan
Sa piling mo ang gabi'y tila araw
Ikaw ang pangarap
Ikaw lamang

Kanina ay hindi ako kinakabahan pero ngayong nakatingin ako sakaniya at naghihiyawan ang mga tao ay abot abot ang kaba ko. 

Ikaw ang pag-ibig sa araw at gabi
Ikaw ang pag-asang tanglaw sa dilim
Napapawi hirap at pighati

Langit ang buhay sa tuwing ika'y hahagkan
Anong ligaya sa tuwing ika'y mamasdan
Sa piling mo ang gabi'y tila araw
Ikaw ang pangarap
Ikaw lamang

"Ikaw lang ang pangarap ko Amelia, ikaw lamang."  sigaw niya matapos kong kumanta. At halos mabingi ako sa lakas ng hiyawan ng mga tao. 

"Wow, wow." saad ng host matapos kong kumanta. Ang mga tao ay hindi pa din matigil sa hiyawan nila. Ang karamihan ng mga babae ay abala sa pagpapapicture kay sir Cloud. Hindi ba nila narinig na ako ang mahal ni Cloud, hanggang ngayon nagpapapicture pa rin sila. Ang sarap hilahin ni sir Cloud paalis dun, nakakairita. "Grabe yun, superb performance and sobrang nakakakilig na guy grabe." saad ng host. 

Pilit kong nginitian ang host kahit iritable pa din ako sa dami ng babaeng nadikit kay sir Cloud. "Ano na bang status niyong dalawa ni Mr. Clinton?" saad ng host. 

Nagulat ako sa tanong niya, hindi ko alam kung anong dapat kong isagot. "Ang tanong kasi ng karamihan eh kayo na ba?" At muling nagtilian ang mga manunuod. Maging ang host ay ngiting ngiti habang tinatanong ako ng tungkol samin ni sir Cloud. "Mukhang speechless si Miss Amelia, so ang tanungin natin ay sir Mr. Clinton." Nagulat ako ng tumingin ang host sa likod ko, hindi ko napansin na nakaakyat na pala siya sa stage at may hawak hawak siyang isang bungkos ng bulaklak. 

As long as You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon