Kabanata 17

5.9K 209 6
                                    


Kabanata 17



Napaigtad ako nang punasan ni sir Cloud ang pawis ko sa noo. "Kailangan kapag humarap ka sa mga tao, maayos kang tingnan." aniya. Mataman niya kong tiningnan sa mata. "Huwag kang kabahan, nandun ako sa unahan papanuorin kita." aniya saka marahang hinaplos ang buhok ko at lumabas na upang pumunta sa harap ng entablado.



"And now please welcome the rising star Amelia Ocampo." sinenyasan na ko ni sir Michael lumabas at agad akong napapikit sa sunod sunod na ilaw na tumapat sakin.  



"Go Ameliaaaaaaa!" Hinanap ko ang malakas na tinig na iyon. "Woah!" At nagtama ang mata naming dalawa ni sir Cloud. Naramdaman ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko. Hindi ko akalain na ang isang tulad ni sir Cloud ay sisigaw ng ganun kalakas para lang palakasin ang loob ko. Nakita ko din si ma'am Clarisse at sir Caden sa tabi niya. 



"Go friendshiiiiiippp woah, kaibigan ko yan!" sigaw ni Ami na nakaupo sa tabi nila ma'am Ivy.



Gusto kita
Sa puso ko'y ikaw lang
Ang mahalaga
Pilitin mang limutin ka
Ay hindi ko magagawa
Parang alipin mo ang
Isip at damdamin ko

Gusto kita
Pagkat ang kilos mo'y
Sadyang ibang iba
Mas simple at malambing pa
Katangiang di mo sadya
Pag-ibig kong ito'y
Hindi na magbabago pa...


Hindi ko alam kung bakit ang mga mata ko'y natuon bigla kay sir Cloud. Mataman siyang nakatitig sakin, gusto kong iiwas ang mga mata ko ngunit para bang may sarili tong isip at ayaw umalis sa pagtitig sakaniya. 



Kahit sabihin na mali ako
Alipin mo o bihag mo
Ako'y iyong iyo
Kung pag-ibig lang
Ang pag-uusapan
Di ko na ililihim pa
Ang damdamin ko sayo
Sa akin ay gusto kita...



Nagpalakpakan ang mga tao, ang ibang mga nanunuod ay hiniyaw pa ang pangalan ko. Hindi ko akalaing magugustuhan nila ang boses ko. "Wow grabe totoo ngang mabibighani ang lahat sa ganda ng boses mo Amelia, alam mo yun the whole time na kumakanta ka nakatitig lang ako sayo." saad ng host ng show.



"Maraming salamat po." Matamis siyang ngumiti sakin saka hinarap ang mga tao. 



"So SM North Edsa handa na ba kayo sa isang munting game. Ang mananalo dito ay makakatanggap ng freebies at syempre photo op with Amelia." Naghiyawan ang mga tao. Sinabihan din ako ni sir Michael na may kaunting palarong magaganap para sa mga manunuod. 



"May kasama po bang kiss?" sigaw ng isang manunuod. 



"Ahmm Amelia, kiss daw?" Nagulat ako sa sinabi ng host, kailangan ba talagang magpahalik ako sa mananalo? Magsasalita na sana ako ng biglang may sumigaw.

As long as You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon