Kabanata 39

5.1K 129 7
                                    

Kabanata 39



Ilang araw lang kami nagstay sa Villa at kinailangan na naming bumalik ng Maynila dahil sa mga appointment ko at sa lakad ni Cloud sa ibang bansa.

"I promise I will finish my appointments immediately mahal." aniya. Hinatid ko siya sa airport, ngayon ang byahe niya patungong Dubai. "I will call you everynight okay?" dinampian niya ng halik ang noo ko. "I love you mahal." saka ako niyakap ng mahigpit.

Nang tuluyan na siyang makaalis ay saka kami umuwi ni kuya Ray. Pagdating ko sa hotel ay may naabutan akong hindi inaasahang bisita.

"Kumare ito na pala ang anak mo." Siya yung baklang nagvideo sakin dati ng nakahubad. Anong ginagawa niya dito?

"Oh Amelia natatandaan mo pa siya di ba?" ani nanay. Sino ba namang makakalimot sa taong halos ibenta ako sa banyaga.

"Grabe ha, you're so yaman na while me so hirap pa rin." aniya. Inabutan siya ni nanay ng juice.

"Bakit wala ka na bang raket?" ani nanay.

"Naku alam mo namang mahina na ang bentahan sa gay bar mars, wala na halos may gustong tumable sakin." aniya. "Kaya nga naisip ko na gamitin yung video ni Amelia, ipapadala ko sa mga foreigner para magkapera naman ako. Iblublur ko naman yung mukha ni Amelia."

"No!" Napasigaw ako. Ano bang iniisip niya, gagamitin niya ko para kumita siya, wala na ba siyang ibang maisip na paraan. "Idelete niyo na po yung video ko na yun."

"Ang damot mo naman Amelia. Hindi ka ba naaawa sakin, wala akong pera samantalang ikaw, kayo ang sarap ng buhay." aniya.

"Nagtatrabaho po ako para may pangkain kami, para mabuhay ko po ang pamilya ko. Kung nakakaluwag luwag man po kami ngayon dahil po yun sa paghihirap ko." saad ko dahil naiinis ako na para bang may utang na loob ako sakaniya.

"Oh eh di bigyan mo na lang akong pera, siguro naman barya na lang sayo ang sampung libo." aniya.

"Amelia bigyan mo na nga lang yan ng matigil na." ani nanay. "Saka burahin mo na yung video, mamaya masira pa image ni Amelia dahil dun."

"Okay basta ba bibigyan niyo kong pera ngayon." aniya saka sumimsim ng juice.

Bumuntong hininga ako, ito ang mahirap kapag may pinanghahawakan sayo ang isang tao eh. Kumuha ako ng pera sa kwarto ko at inabot sakaniya. "Uyy thanks Amelia, huwag ka mag-alala buburahin ko na yung video mo." aniya saka mabilis na tinago ang pera sa maliit niyang bag. "Oh sige mauuna na ko ah, salamat ulit dito." aniya saka tuluyang umalis.

"Nay sigurado ka bang buburahin niya yung video?" tanong ko kay nanay.

"Oo naman no, huwag mo na ngang isipin yun. Mag-ayos ka na at may tv guesting ka pa." ani nanay.









"Welcome to Magpasikat!" panimula ng host. " Panigurado akong madaming nakatutok ngayon sa kani-kanilang bahay kaya ibibigay na namin ang kanina niyo pa hinihintay, Amelia Ocampo." bumukas ang stage at bumungad sakin ang mga ilaw at hiyawan ng mga tao.

Kumaway ako sakanila at saka nag-umpisang kumanta. Masigabong palakpakan naman ang natanggap ko pagkatapos kong kumanta. Lumapit sakin ang mga host at malugod akong binati. "Amelia grabe blooming ka ah." saad ng isang host.

"Thank you po."

"Syempre inlove eh." ani ng isa pang host.

"Oo nga eh grabe no, hindi ka ba nasasaktan girl, naaapakan na ata namin yung hair mo sa sobrang haba." saad ng host.

Matamis ko siyang nginitian. Ilang minuto pa nila kong ininterview bago ako pinabalik sa backstage. "Amelia bago ka umalis sumabay ka muna samin kumain." paanyaya ng isang host.

"Sige po." Nakihalubilo ako sakanila at kumuha na din ng sarili kong pagkain.

"Ay napanuod niyo na ba yung scandal?" saad ng isang host.

"Anong scandal na naman yan?" ani ng isa pang host.

"Ito oh." Pinakita niya ang cellphone niya sa isang host at halos mandiri ang host sa napanuod niya.

"Jusmiyo naman bakit kailangan pa videohan yung mga ganiyang bagay. Alam mo yan ang hindi ko magets eh, gagawa sila ng ganyan tapos kapag kumalat iiyak iyak sila." saad ng isang host.

Bigla akong kinabahan, anong scandal ang pinapanuod nila. Umikot ang cellphone at halos lahat ng nakapanuod ay ganun ang reaksyon. Hanggang sa inabot sakin ang phone at saka pa lang ako nakahinga ng maluwag. Napapikit ako dahil buti na lang ay hindi ako ang nasa video.

"Kadiri no Amelia, para kanino naman kaya yang video na yan?" saad ng host.

"Baka sa sugar daddy o sa afam." ani ng isa pang host.

"Yan tayo eh, gagawin ang lahat magkapera lang eh." saad ng host.

"Baka po may reason siya kaya niya nagawa yan." Hindi ko napigilang hindi sumabat sa usapan nila.

"Ano pa bang ibang reason para magvideo ka ng nakahubad habang subo subo yung sex toy?" Napalingon kami sa biglang nagsalita.

"Roxy you're here." Tumayo ang isang host at sinalubong siya. "Bigla ka yata napadalaw?"

Nagkibit balikat siya. "Well I heard Amelia is here, I'm a fan you know." aniya.

"Really, oh upo ka muna, kain ka na din, sabay ka samin." paanyaya sakaniya ng host.

"Going back to my question Amelia, ano pa bang pwedeng reason kung bakit gagawa ng scandal ang isang tao?" Nakangiti siya sakin at halos magsitayuan ang balahibo ko sa katawan dahil sa ngiti niya. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa pag-uusap na to.

"Ahmm baka po pinilit lang po siya."

Sarkastikong tumawa si ma'am Roxy. "Sa hitsura niyang babae sa video sa tingin mo mukha ba siyang pinilit, mukhang sarap na sarap nga siya Amelia oh." aniya.

"Baka po tinakot siya na sasaktan siya kapag hindi niya ginawa."

"Ang sabihin mo ginusto din ng babaeng yan yung ginagawa niya kasi siguro malaki yung offer ng foreigner." Makahulugan ang ngiti niya sakin. "Hirap kasi sa ibang tao basta magkapera lang ibebenta na ang puri at dangal." aniya. "Di ba Amelia?"

Napayuko na lang ako. Ayoko nang magsalita pa dahil natatakot ako. Natatakot akong baka alam na ni ma'am Roxy ang tungkol sa video ko, natatakot ako sa kaya niyang gawin.



"May kani-kaniya naman pong dahilan ang mga tao kaya nila nagagawa ang isang bagay."


"Ano bang malalim na rason para magbenta ng katawan?" Tinukod niya sa mesa ang siko niya at pinatong ang baba sa likod ng palad niya.


Nakatingin na rin ang ibang host sakin. Maging ang mga staff ay nakikinig na din sa pinag-uusapan namin.


"Madami po ma'am eh kaya mahirap po magjudge ng isang tao dahil hindi naman po natin nararanasan yung buhay nila. Minsan po kasi mahirap intindihin ang sitwasyon ng iba kung wala po tayo sa pwesto nila. Kaya mas maigi po na huwag natin silang ijudge agad kasi hindi naman po porket nagawa nila yung ganyang bagay eh masamang tao na po sila."



"Sabagay may punto si Amelia." sang-ayon ng host sakin.



"Ah ganun ba Amelia, eh ikaw naranasan mo na bang mapunta sa ganyang sitwasyon?" Makahulugang titig ang binigay niya sakin.


Natigilan ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot. "Amelia let's go." ani sir Michael.

"Oh that's sad, uuwi ka na agad kung kelan kakarating ko lang." Ngumuso siya at pekeng ngumiti. "Anyway Amelia huwag mong gagayahin yung babae sa video ah, huwag mong ipagpapalit yung puri mo sa pera." sarkastiko niyang sinabi.

Bahagya akong ngumiti at saka nagpaalam na sa kanila.

As long as You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon