Kabanata 34

5K 162 8
                                    

Kabanata 34

Pinupunasan ni Jaime ang mukha kong nabasa ng inumin ni ma'am Roxy. "Ma'am Amelia ihahanda ko na po ang sasakyan." ani kuya Ray. Tinanguan ko siya saka siya umalis.

Ramdam ko pa din ang lagkit dahil sa sinaboy na inumin ni ma'am Roxy sakin. Kusang pumatak ang luha ko, hindi ko pa din makalimutang minaliit niya ang nanay.

"Amelia." Pinahid niya ang luha sa pisngi ko. "Huwag mo na intindihin yun, hindi totoo ang mga sinabi niya." ani Jaime.

Ngunit ayaw tumigil ng luha ko, kusa siyang tumutulo. Hinila ako ni Jaime palapit sakaniya at mahigpit na niyakap. "Jaime madudumihan ang damit mo."

"Ssshhhh." Hinaplos niya ang ulo ko. "Kung gagaan ang pakiramdam mo dahil sa yakap na to, kahit madumihan pa ang damit ko wala akong pakielam Amelia." aniya. Noon pa man si Jaime na talaga ang tagapagtanggol ko. Para siyang isang kuya na laging handang protektahan ako sa mga taong gustong saktan ako. "Hintayin na natin sa labas si kuya Ray." aniya saka humiwalay sa yakap at iginiya na ko palabas ng Conrad.

Binuksan ni kuya Ray ang pinto para sakin at inalalayan ako ni Jaime papasok ng sasakyan. "Pasensya ka na Jaime." hinging paumanhin ko nang makapasok ako sa sasakyan. "Hindi pa tayo nakakapagkwentuhan ay nangyari na to."

Hinaplos niya ang pisngi ko at pinalis ang luha ko. "Wala yun, masaya ako kahit sandali nakausap kita." Lumapit siya sakin at dinampian ng halik ang noo ko. "Huwag mo na isipin yung mga sinabi niya, hindi ka niya kilala Amelia." aniya saka ako nginitian.


Nagpaalam na rin ako sakaniya at saka kami umalis ni kuya Ray. Nang umandar ang sasakyan ay chineck kong muli ang cellphone ko, wala pa ring bakas ni Cloud. Tumulo na naman ang luha ko. Nalulungkot ako dahil parang hindi niya ako naaalala.

Dinial ko ang number niya ngunit out of coverage area ang number niya. Cloud nasan ka ba, ayaw mo na ba sakin, bakit parang iniiwasan mo ko. Nag-unahan sa pagtulo ang luha ko, ganito pala ang pakiramdam kapag hindi mo nakakausap ang taong mahal mo at wala kang ideya kung nasan siya at anong ginagawa niya.



Nang makarating ako sa bahay ay naabutan ko si nanay sa salas na nanunuod ng tv. "Oh bakit namumugto yang mata mo, anong kaartehan yan?" aniya. "At teka ano yang nasa damit mo, bakit madumi yan?" Tumayo si nanay at lumapit sakin.

"Wala to nay, natapon lang po yung iniinom ko kanina." pagpapalusot ko. Ayokong malaman niya ang mga sinabi ni ma'am Roxy kanina, ayokong masaktan si nanay.

"Ang tanga tanga mo naman, ay siya magpalit ka na ng damit tapos paglutuan mo kami ng kuya mo, sawang sawa na ko sa mga pagkain dito." ani nanay saka sumalampak sa sofa.

Matapos kong magpalit ng damit ay dumiretso ako sa kusina upang maghanda ng kakainin nila nanay. Pagbukas ko ng ref ay punong puno ito. "Nay namili ka?"

"Hindi no, bakit naman ako mamimili eh tuwing umaga may dinedeliver na grocery dito." ani nanay.

"Si Cloud ba ang nagdadala?" mabilis kong tanong. .

"Aba syempre hindi, anong tingin mo sa boyfriend mo delivery boy, sa yaman niyang yun." iritableng saad ni nanay. "Bilisan mo nga jan at kumakalam na ang tiyan ko." aniya.





Matapos kong magluto ng pagkain nila nanay ay agad akong bumalik sa kwarto. Sakto namang tumunog ang phone ko at halos madapa ako sa pagtakbo papunta sa side table para masagot ang tawag.


Pagtingin ko ay hindi nakarehistrong numero ang tumatawag. "Hello?"


"Is this Amelia Ocampo?" saad ng nasa kabilang linya.


As long as You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon