Kabanata 29

5.5K 170 6
                                    

Kabanata 29




"Goodmorning mahal." Nagising ako sa malumanay na boses na bumubulong sa tenga ko. "Wake up pretty." Unti unti kong minulat ang mata ko at nakita ko si Cloud na nakaupo sa gilid ng kama ko. Agad kong tinakluban ang mukha ko, hindi ko alam kung anong hitsura ko ngayon, baka may laway laway pa ko sa mukha.

"Don't hide mahal, I like to see your beautiful morning face." aniya. "Please." Hayan na naman ang malambing niyang boses. Dahan dahan kong tinanggal ang kumot at tiningnan siya.

"May muta pa ko saka laway." nahihiya kong saad. Tatakpan ko sana ng kamay ko ang mukha ko ng pigilan niya ang braso ko at ilapit ang mukha niya sakin.

"You're always beautiful mahal." aniya saka dinampian ng halik ang labi ko. "Date tayo, hintayin kita sa sala. Take your time mahal, I can wait for you." kumindat siya saka tumayo at lumabas na ng kwarto.

Dali dali akong bumangon at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Agad akong napatakip sa mukha, nakita niya yung mga muta ko sa mata, nakakahiya. Mabilis akong naligo at nag-ayos.

Ngayon ko lang napansin kung gaano kaganda ang braso niya sa suot niyang plain gray tshirt. Pinartner niya ito sa itim na pantalon at black and white na sneakers. Ang simple lang ng suot niya pero ang elegante niyang tingnan.


"You look beautiful mahal." ani Cloud saka lumapit sakin at dampian ng halik ang noo ko.

Nasamid naman si ma'am Ivy sa iniinom niyang kape nang marinig ang sinabi ni Cloud. "Anong tawag mo kay Amelia?" ani ma'am Ivy.

Pinadausdos niya ang kamay niya sa bewang ko at hinigit ako palapit sakaniya. "Mahal." ani Cloud.

"Eeeeww too cheesy." ani ma'am Ivy.

Napangiti si Cloud. "When you're inlove you tend to be cheesy all the time, kaya ikaw you better find yourself another guy, move on I-"


"Shut up Cloud." Nirolyo niya ang mata niya at masamang tiningnan si Cloud. "Don't even mention his name. Umalis na nga kayo, ingatan mo yan si Amelia." ani ma'am Ivy.


"Ofcourse I will protect her all the time." ani Cloud saka dinampian ng halik ang pisngi ko.

"PDA, shoo alis na." Nagpaalam na ako kay ma'am Ivy saka kami pumasok sa loob ng sasakyan niya.


Bakas sa mukha niya ang saya, nakangiti siya buong byahe namin. "Saan tayo pupunta?" kuryoso kong tanong dahil napansin kong nasa main highway kami at mukhang malayo ang pupuntahan naming dalawa.

"Ahmmmm mahilig ka ba sa theme park?" aniya.

"Theme park? Enchanted Kingdom?" tanong ko.

"Yup, yun nga." parang nahihiya niyang sagot.


"Parang maganda nga dun dahil may mga rides pero hindi ko pa nasusubukan dahil hindi pa ko nakakapunta dun." saad ko. Ang napuntahan ko pa lang ay perya dahil madaming ganun sa Cavite kapag fiesta.


"Dun kasi tayo papunta." aniya. "Ahmm ang baduy ba, naisip ko kasi na baka magenjoy ka sa ganun kaya dun ko naisipang idate ka."


Napangiti ako, ginagawa niya ang lahat para mapasaya ako. Hinaplos ko ang braso niya. "Mag-eenjoy ako dun kasi kasama kita." saad ko.


Awtomatiko namang lumapad ang ngiti niya dahil sa sinabi ko. "Oh God Amelia, you're making me crazy." aniya. Napansin ko ang pamumula ng pisngi niya, ang cute niya tingnan.




As long as You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon