Kabanata 14

5.9K 212 8
                                    

Kabanata 14



Sunod sunod na pumatak ang luha ko. Wala naman akong ginagawang masama pero bakit ang sakit sakit ng mga sinabi ni ma'am Roxy. Ang mga binitawan niyang salita ay paramg kutsilyong unti unting humihiwa sa puso ko.



"Amelia?" Agad kong pinalis ang luha ko ng makalapit si sir Cloud sa akin. Nilapag niya sa upuan ang dala niyang mga pagkain ata agad hinawakan ang magkabila kong braso. "Anong nangyari, may masakit ba sayo?" Tiningnan ko siya, punong puno ng pag-aalala ang mata niya. Ang traydor kong luha ay muli na namang pumatak. Pinalis niya ang luha ko gamit ang daliri niya. "Amelia anong nangyari, bakit ka umiiyak?"



Marahan kong inalis ang kamay niya sa braso ko. "Okay lang po ako sir Cloud." Tumayo ako. "Pupuntahan ko lang po sila ma'am Ivy." Ngunit bago pa ako makaalis ay hinila niya ang braso ko upang makaharap ako sakaniya.



"Amelia." Hindi ko mapigilang hindi mapatingin sakaniya dahil sa lambing ng boses niya. "Hindi ako mapakali, bakit ka umiiyak?" aniya. Bakas sa mata niya ang labis na pag-aalala. Muli ay marahan kong inalis ang kamay niya sa braso ko.



"Wala lang po sir Cloud, sige po tulungan ko lang po si Ami kay ma'am Ivy." Ngunit hinawakan niyang muli ang braso ko.



"Amelia galit ka ba sakin, may nagawa ba kong mali? Sobrang tagal ko ba bumalik ha, ano?" aniya.



"Sir Cloud." Pilit kong binabawi ang braso ko ngunit ayaw niya itong pakawalan.



"Sorry, sorry kung natagalan ako, kailangan ko lang sagutin yung tawag dahil nagkaproblema sa opisina. Tapos ang tagal nung order ko kaya lalo akong natagalan, sorry sorry." paliwanag niya. 



Bakit siya nagpapaliwanag sakin, bakit siya nagsosorry sakin, bakit siya ganito sakin, bakit siya nag-aalala sakin.



"Galit ka ba kasi hinalikan kita kanina, sorry sorry. Ayoko lang kasi na basta basta ka lalapitan ng mga lalaki, ayokong may kumakausap sayo na ibang lalaki kaya kailangan kong gawin yun."



Bakit ayaw niyang may kumakausap sakin, bakit ayaw niyang may lumalapit saking ibang lalaki, bakit, bakit.



"Amelia naman." Napayuko siya at humina ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Amelia magalit ka naman sakin oh, kahit naman sana galit maramdaman mo para sakin."



Ayan na naman ang traydor kong puso ang bilis na naman ng tibok nito. "Sir Cloud-"



Ikinulong niya sa palad niya ang pisngi ko at diretso akong tiningnan sa mata. Sorry hindi ko na ulit gagawin yun, sorry. Hindi na ako ulit gagawa ng bagay na walang permiso mo, sorry."



Ang mga salita niya'y nakakapagpakalma sa naghuhurametado kong puso. "Huwag mo lang ako iiwasan ulit, kasi Amelia hindi ko kaya."















Hindi ko pa din makalimutan ang sinabi ni sir Cloud kagabi. Ang mga pinapakita niya at sinasabi niya ay nagpapagulo lalo sa isip ko.


"Ameliaaaaaaaaaa grabe ang dami agad views ng video mo." ani Ami. "May mga nagcocomment na gusto kang kuhaning guest!"


"They need to talk to Michael about that." saad ni ma'am Ivy.


"Ma'am Ivy naaabala na po ang trabaho ko sainyo, kinuha niyo po akong katulong tapos iba po ang inaasikaso ko."



"Amelia assistant kita at isa pa kung hilig mo yan susuportahan kita. Hindi ako ang tipo ng tao na hahadlang sa katuparan ng pangarap ng iba. Mas magiging masaya ako kapag nakatulong ako sa pagtupad ng pangarap mo." ani ma'am Ivy.

Sa sinabi ni ma'am Ivy parang gusto ko siyang yakapin. Hindi pa ko nakakita ng amo na ganito kabait sa tauhan niya. Pagpapalain siya ni Lord sa sobrang kabaitan niya.



"Ma'am Ivy nandito po si sir Michael." saad ni Manang Dang. Tinawag ni Manang Dang si Ami para tumulong sa paghahanda ng pagkain, akma akong tatayo ng pigilan ako ni sir Michael.



"I came here for you Amelia." ani sir Michael.




"Amelia hayaan mo na sila Ami dun, kailangan ka ni Michael." ani ma'am Ivy. Abala siya sa pagdidilig ng mga bulaklak. Imbes na iutos na lang ang pagdidilig sa mga bulaklak ay mas pinipili ni ma'am
Ivy na siya mismo ang mag-alaga sa mga to. Hilig niya talaga ang mga bulaklak.


"So as you can see maganda ang feedback ng mga tao sa video mo. Madaming tumawag sa opisina para kuhanin ka as a guest. Para mas makilala ka pa ng tao, magttv guesting tayo ngayon." Inabot niya sakin ang isang paperbag. "Suotin mo to, tapos dadaan tayo sa salon para maayusan ka." ani sir Michael.




"Alam ba ni Cloud na susunduin mo yan si Amelia?" tanong ni ma'am Ivy.




"Yeah actually he's here." At nakita ko ngang naglalakad si sir Cloud palapit samin. Lalo siyang gumwapo sa shades niyang itim, long sleeve polo niyang white na nakatupi hanggang siko, tokong na brown at isang mukhang mamahaling sapatos.



"Dahil kung nasan si Amelia dapat nandun ako." ani sir Cloud saka ako nilingon at matamang tiningnan. At ang puso ko ay naghuhuramentado na naman. 

As long as You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon