Kabanata 21

5.7K 173 7
                                    

Kabanata 21

"Salamat po kuya." saad ko sa driver matapos niya kong alalayang bumaba. "Ahmm magmeryenda na po muna kayo bago kayo umuwi." paanyaya ko.

"Naku hindi na po ma'am pero kung may pupuntahan pa po kayo mamayang gabi ay susunduin ko po kayo ulit. Nakalagay po ang number ko sa phonebook niyo." aniya.

"Ganun po ba, sige po pasok na po ako, maraming salamat po ulit." Pagpasok ko ay saka lamang siya umalis.

"Oh the celebrity is here." Naabutan ko si ma'am Roxy sa sala habang pinagsisilbihan siya ni manang Dang. "Nag-eenjoy ka ba Amelia sa lahat ng atensyong natatanggap mo?" aniya. Sumimsim siya sa bago ako tiningnan mula ulo hanggang paa. "Ang laki na ng pinagbago mo ah, infairness nagmukha kang tao." saad niya.

Sinenyas niya sakin ang basong walang lamang tubig. "Pwede mo ba kong ikuha ng tubig, nauuhaw pa kasi ako eh." utos niya sakin. "Pwede ka pa rin naman utusan di ba kasi katulong ka pa rin naman ni Ivy." aniya.

Humakbang ako palapit sakaniya at bago ko pa makuha ang baso ay binitawan niya na ito. Mabilis na nabasag ang baso at parang hindi man lang siya nagulat sa pagkabasag nito. "Oooops nabasag."

Mabilis na tumakbo palapit si manang Dang samin. "Naku Amelia lumayo ka jan at baka masugatan ka, kukunin ko lang saglit ang walis para maalis ko na yan."

"Manang uunahin mo pa yan gutom na gutom na ko eh, hayaan mo na si Amelia maglinis niyan." saad ni ma'am Roxy.

"Okay na po ma'am ang pinagawa niyong salad, nakahain na po sa dining. Ako na po ang maglilinis nito at baka masugatan pa si Amelia." ani manang Dang.

"Pero kayo naman ang masusugatan manang, saka isa pa si Amelia naman ang nakabasag niyan kaya siya dapat ang maglinis, di ba Amelia?" Peke niya kong nginitian. "Ano hahayaan mo bang linisin ni manang ang kalat mo?" aniya saka tumayo saka ako nilampasan.

Lumapit naman sakin si manang at hinaplos ang braso ko. "Sige na Amelia pumasok ka na lang sa kwarto mo, ako ng bahala diyan." saad ni manang saka sumunod kay ma'am Roxy sa dining area.

Agad ko namang kinuha ang panlinis upang matanggal na ang basag na baso sa sahig. Ayokong maabutan pa ito ni ma'am Ivy at ayokong madagdagan pa ang trabaho ni manang Dang.



"Ikaw talagang bata ka sinabi ko sayong ako na eh, kapag ikaw nasugatan sa kamay mahihirapan kang humawak ng mikropono." saad ni manang Dang.

"Okay lang po manang, sanay naman po akong maglinis." Umiling iling si manang sa sinabi ko.

"Oh sige na magmeryenda ka na muna dito, ano bang gusto mo, sandwich, ipagpapalaman kita." saad ni manang.

"Manang Dang." Tawag ni ma'am Roxy mula sa dining. "Manang."

"Ayyy siya sandali lang at tinatawag ako ni madam. Babalikan kita, sandali lang." ani manang. 


"Amelia." Tinawag din ako ni ma'am Roxy matapos niyang tawagin si manang Dang. Agad naman akong nagtungo papuntang dining at naabutan kong nilalagyan ni manang ng tubig ang baso ni ma'am Roxy.



"Oh Amelia samahan mo naman ako kumain dito, ang lungkot naman kung ako lang mag-isa." ani ma'am Roxy. "Mukhang matatagalan pa kasi si Ivy sa shoot niya." aniya. "Oh ano gusto mo ba ipaghila ka pa ng upuan, hindi ka naman boss dito kaya siguro naman kaya mo na yan." saad ni ma'am Roxy.

Agad kong hinila ang isang upuan sa tapat niya at saka ako umupo. Abala siya sa pagkain sa salad na puro gulay na ginawa ni manang Dang. "Alam mo dapat ganito yung mga kinakain mo Amelia. Alam mo ba ang tawag sa pagkain na to?" aniya.

As long as You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon