Kabanata 42

5.1K 152 14
                                    

Kabanata 42



Nagising ako sa sigaw ni nanay. Napabalikwas ako ng bangos at nagmadaling lumabas ng kwarto.


"Nay anong nangyari?" Naabutan ko sila ni kuya Kaka sa sala nakaharap sa tv.


"Putangina pati ba naman yan pinakielaman nila." ani kuya Kaka.

Tiningnan ko ang pinapanuod nila. "Isang video na naman ang kumakalat ngayon na ang involve naman ay ang nanay ng singer na si Amelia Ocampo. Sa nasabing video ay nagsasayaw sa gitna ng entablado ang nanay ni Amelia habang walang saplot. Sinubukan po naming kontakin ang panig nila Miss Ocampo ukol sa issue na ito ngunit tikom ang kanilang bibig sa mga scandal na kumakalat. Ako si Triz Layug para sa Celebrity Talk." 



Nagulat ako sa binalita sa tv, anong video ang sinasabi nila. Binagsak ni nanay ang cellphone niy sa mesa. "Putangina talaga, pati ba naman ang trabaho ko dati ay kinakalkal nila, ano ang irireport nila sa susunod, yung tungkol sa tatay niyong dalawa, yung pagiging batugan ng kuya mo, ano pa putangina." nanggagalaiting saad ni nanay. 



Inabot sakin ni kuya Kaka ang cellphone niya. "May video si nanay na kumakalat sa social media, kakaupload lang kaninang madaling araw, ang dami na agad shares ngayon." ani kuya Kaka.



Tiningnan ko ang video ni nanay na sumasayaw sa entablado. Ito yung mga panahon na nagtatrabaho siya sa bar. Pati ba naman ang nakaraan nila nanay ay kinakalkal na nila. Nakita ko ang sandamakmak na hate comments at kung anu anong panlalait sa pamilya namin. Hindi ko maatim ang pagtawag nila saming bayaran, puta, gold digger at kung anu ano pa. 



Naagaw ang atensyon ko ng may biglang kumatok. "Hoy Kaka tingnan mo kung sino yun, siguraduhin mong hindi reporter ang putanginang yan." ani nanay habang nakahawak sa sentido niya. 



Agad pinagbuksan ni kuya Kaka ang kumatok at bumungad samin si sir Michael. "We're going to release our statement Amelia, this isn't good. Nagbackout lahat ng endorsement mo dahil sa video na kumalat sa social media. We need to explain your side to the public." ani sir Michael.



"Michael wala ka bang gagawin sa video ko na kumakalat ngayon, lalong masisira si Amelia dahil dun." ani nanay. 



"Kinontak ko na po ang mga tao ko, pinapatrace ko na kung sino ang nag-upload para masampahan na natin sila ng kaso." ani sir Michael. "Now get ready we're going to have a press conference at the hotel's function room." 



Pumasok din si Jha sa kwarto namin at agad akong niyakap. "Amelia it's gonna be alright, I got your back." At ang traydor kong luha ay muli na namang tumulo, ang akala ko ay naubos na ito kahapon ngunit nang marinig kong kakampi ko ang mga taong malalapit sakin ay nakapagpapagaan sa bigat na nararamdaman ko ngayon. 


















Pagkatapos akong ayusan ni Jha ay nagsipasukan naman ang mga lalaking nakaitim na suit na may naglalakihang katawan. May mga suot din silang earphone sa isang tenga. "We need them dahil may mga makukulit na local reporter ang gustong mainterview ka sa labas ng function hall." ani sir Michael.



Iginiya na ko papunta sa function hall ni sir Michael. Agad naman kaming pinalibutan ng mga lalaking nakasuit at hinaharang ang mga taong gustong makalapit. Tama nga si sir Michael, kahit sa labas ng function room ay nagkalat ang ibang reporter na hindi na pinayagang makapasok pa sa loob. Pagpasok namin sa loob ng function room ay sunod sunod na nagflash ang camera ng mga reporter. 



Iginiya ako ni sir Michael sa unahan, kung saan kami pupwesto nila nanay. "If you don't like to answer then don't Amelia, ako na lang ang sasagot." ani sir Michael.



As long as You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon