Ashley Pov
Paguwi ko sa bahay humiga na ako. Hindi ko alam kung bakit ako nag kakaganto basta ang alam ko nag seselos ako. Normal naman yun diba sa babae. Kapag nakita mo ang taong mahal mo na may kasamang iba hindi ka ba nag seselos.
Dapat maging masaya ako sa Bestfriend ko diba dahil masaya siya na may kasamang iba. At alam ko na may gusto na siya kay Joyce ramdam ko yun eh. Kahit masaktan man ako basta masaya siya.
Bumangon na ako para makatulog na. Ayokong kumain ngayon.
Jungkook Pov
Pagkahatid ko kay Joyce umalis na din ako. Medyo may kalapitan ang bahay namin sa kanila.
Napadaan ako sa bahay nila Ash. Malaki ang bahay nila Ash kaysa sa amin. Napansin ko kanina parang may something sa kanya hindi ko alam kong ano yun. Pagkatapos kung pagmasdan ang bahay nila umalis na ako.
Pagdating ko sa bahay umakyat na ako sa kwarto ko. Biglang may nag text kaya tinignan ko kung sino.
Si Ash.
From:Bestfriend Ash
Nakauwi kana ba?
To: Bestfriend Ash
Yes kararating ko lang!!
From:Bestfriend Ash.
Aahhh okay!!.
Gusto ko sanang tanungin kung ano problema niya kaso baka mamaya lumala pah.
To: Bestfriend Ash.
Ikaw na kauwi kana ba?.
Nilapag ko cellphone ko sa kama ko at pumunta na ng closet para magbihis.
Pagkatapos kung magbihis pumunta na ako sa kama ko para tignan kung nag text na ba si Ash.
From: Bestfriend Ash
Yes kanina pa!!
TO: Bestfriend Ash
Ahhh okay
From: Bestfriend Ash
Sige tulog na ako, kita kits na lang tayo sa school bukas.
To: Bestfriend Ash
Ang aga pa ah, punta na lang ako jan para hindi ka matulog!!.
From: Bestfriend Ash.
Wag na sa susunod na lang sige!!.
To: Beatfriend Ash
Okay sige.
Pagkatapos ng conversation namin humiga na ako sa kama ko. May problema talaga si Ash eh.. Ano kaya yun.
Pinikit ko na ang mata ko at natulog na.
Ashley Pov
Nagising ako ng may gumising sa akin.
" Ash wake up malalate kana sa Class mo!!.
" Ma inaantok pa ako eh!!.
" Nasa baba si Jungkook kanina kapa hinihintay!!.
Bigla akong bumangon dahil sa sinabi ni Mommy. Si Jungkook? Nandito?
" Maligo kana, anong oras na at malalate na kayo!!.
Umalis na si Mommy sa kwarto ko. Pero ako nasa kama pa din. Bakit siya nandito. Hindi naman niya sinabi na susunduin niya ako. Haisstt kaasar ka Paulo Jungkook Ivan Jeon. Pumunta na ko sa cr para maligo.
________________
Nandito na kami sa kotse niya papuntang school.
" Himala at sinundo mo ko!!.
YOU ARE READING
I'm Falling In Love With My Best Friend
Teen Fiction" gusto kita pero may mahal ka ng iba!!