RR: Eight

8.6K 186 5
                                    


Tahimik na nakaupo si Cady sa couch habang tumuloy naman si Jace at Carlos sa may opisina nito ng makarating sila sa apartelle ng huli.

Pilit pa ring pinag-iisipan ni Cady kung iinom ba siya ng pills o hindi. Pinapakiramdaman ang kanyang sarili kung may kakaiba ba mula ng may mangyari sa kanila ng binata.

Hindi siya pwedeng mag-relay lang sa menstrual cycle niya dahil irregular talaga siya mula pa man noon.

Wala pa naman siyang nararamdamang sintomas na buntis siya.

Gusto nga sana niyang komunsulta sa OB Gyne ngunit saang lupalop sa Paris siya tutungo? Wala naman siyang alam sa lugar na ito at lalong hindi niya alam kung paano ipapaliwanag kay Jace kung sakali mang magpasama siya.

Wala din siyang alam na kaibigan niyang doktor.

Napabuntong hininga siya saka isinandal ang ulo sa likod ng upuan.

"Bahala na!", nasaisip ni Cady. Hindi siya pwedeng magbuntis. Ayaw niyang matali ng tuluyan kay Jace lalo at hindi naman niya alam kung ano nga ba ang nararamdaman niya sa binata at ganun din ito sa kanya.

A woman cannot live by having rounds of intensifying sex alone.

Oo at nagkakasundo sila ni Jace sa kama ngunit hindi yun sapat na dahilan upang magseryoso sa kanilang relasyon.

Pangarap din niyang maikasal sa lalaking mamahalin siya ng buo at hindi lang dahil ang tingin sa kanya ay isa lang parausan.

Eh kung ituloy kaya niya ang misyon niyang muling paibigin si Jace? Yung kagaya ng dati na halos mabaliw ang lalaki dahil sa kanya?

Makakaya kaya niyang gawin yun kung maya't-maya eh daig pa nila ang aso at pusa kung magbangayan?

Pumikit siya at muling bumuntong hininga. "I'll just give it a try. Kung magtatagumpay ako, then so be it. I'll stay with Jace for the rest of my life. Pero kung hindi, then good luck Cady! Tutal meron namang nag-aantay sa'yo sa...", naputol ang daloy ng isipan ni Cady ng may maalala siyang isang partikular na tao.

"Oh what the heck! It's been a while. How come I stand not to communicate to...oh right! Thanks to Jace!", napapalatak na turan ni Cady.

Agad niyang hinagilap ang cellphone sa kanyang bag at nag-dial.

"Kuya Draco...", usal niya ng may sumagot sa kabilang linya.

.......

" Je suis ravi que vous décidiez enfin de rentrer chez vous. (I'm glad you finally decided to go home.)", nakangiting sabi ni Carlos sa kaharap na si Jace.

Ilang buwan din niyang kinukulit-kulit ito upang umuwi at mag-umpisa ng magtraining para sa French at Australian Open na halos dalawang buwan lang ang pagitan bago ganapin.

"Je suis désolé de t'entarder Carlos. (I'm sorry to keep you waiting Carlos.)", saad naman ni Jace.

"Est-ce que je peux vous poser des questions personnelles? (Can I ask you about personal matter?)", ani Carlos at pinagsalikop pa ang mga palad sa ibbaw ng mesa.

Napaayos naman si Jace ng upo saka tumango.

"Est-ce que c'est celle-là? (Is she the one?)", walang atubiling tanong ni Carlos sa binata.

Gitla ang noo na tumingin si Jace sa kanyang handler. Hindi sumagot bagkus ay nagkibit-balikat.

"C'est bon si vous ne voulez pas répondre. Je voulais simplement vous rappeler de vous concentrer sur vos tournois à venir. (Its okay if you dont want to answer. I just wanted to remind you to focus on your upcoming tournaments.)", saad na lang ni Carlos ng walang maantay na sagot mula sa binata.

Forever Love Series 2: Racer's Revenge (R-18) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon