Napataas ang kaliwang kilay ni Cady ng marinig ang singhal sa kanya ni Jace. "Anong problema ng damuhong 'to?", nasaisip ni Cady.
"I said get in the car!", gigil na muling utos ni Jace sa dalaga.
Umandar naman ang kamalditahan ni Cady, kaya sa halip na sundin ang binata ay hindi siya kumilos sa kinuupuan. Prente siyang nakaupo at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. Saka tumingin sa harapan niya.
"Cady!!", muling singhal ni Jace.
Inis na ibinalik ng dalaga ang tingin sa lalaki.
"I heard you loud and clear! You don't have to shout!", naiinis pang saad ng dalaga.
"Eh bakit hindi ka pa kumikilos??", sita pa ni Jace.
Inirapan naman ni Cady ang binata. "Kung sigawan mo ako parang wala tayo sa public place!", may hinanakit na sambit pa niya.
Napahilamos naman ng mukha si Jace saka dahan-dahang lumapit sa nakasimangot ng babae. "Fine. I'm sorry. I am just furious."
Tiningala ni Cady si Jace. Nagtatanong ang mga matang tumitig siya dito.
"I'm jealous okay?", amin ni Jace.
"So? Kailangan ako pagbuntunan mo?!", nagtitikwasan ang mga kilay ng dalaga. "Hindi ko naman ginustong lapitan ako ng hambog na yun!"
"Eh bakit kasi nakikipagkamay ka pa sa mga di mo kilala?? Sa lalaki pa!", kastigo naman ni Jace.
"Nakipagkilala nga!", rason ni Cady. "Remind me next time pag isasama mo ako sa mga lakad mo na magdala ako ng plakard na nagsasabing "Beware: Dont come near me. An ogre might kill you!"
Kumunot ang noo ni Jace saka nangingiting sabi, "An ogre huh?"
"Because you are like that when you are pissed."
"Exactly my point. Im pissed when an asshole comes near you and much worst, talk and touch you!"
Hindi naman napigilan ng dalaga ang sumilay na ngiti sa kanyang mga labi. Kaya napatayo siya at niyapos ng kanyang dalawang braso ang leeg ni Jace saka hinapit ito palapit sa kanya at kinantalan ng halik.
Hindi naman inaasahan ni Jace ang ginawa ng dalaga kaya maang siyang napayuko dito.
"Possessive and jealous huh?", ngisi ni Cady.
"Can you blame me?", nakangisi ding tanong naman ni Jace.
Muli namang napasimangot si Cady. "Kaya kung pagtaasan mo ako ng boses ganun na lang?"
Jace chuckled. "I'm sorry baby. It seems that I lose all my control when it comes to you."
Itinirik lang ni Cady ang mga mata. "Whatever Jace. I hate you."
"Do you mean it?", matiim na tanong ni Jace at napahigpit pa ang kapit ng mga kamay niya sa balakang ni Cady.
"I hate it when you're shouting at me while there are people around us. It's kinda degrading you know."
Lumambot naman ang ekspresyon ni Jace. "I'm so sorry baby. Hindi na mauulit. Promise."
Lumabi lang si Cady saka kumalas ng yakap sa lalaki.
"Tapos na training mo?"
"Uhm...yeah. Let's go home?"
Nagkibit-balikat naman si Cady. "Ikaw."
"Okay. Mauna ka na sa kotse. Kakausapin ko lang si Carlos."
......
Komportable ng nakaupo si Cady sa loob ng kotse habang hinihintay si Jace ng mapansin niya ang isang USB device sa dashboard.
BINABASA MO ANG
Forever Love Series 2: Racer's Revenge (R-18) (COMPLETED)
RomanceWARNING: MATURED CONTENT! READ AT YOUR OWN RISK! . . . . . Jan Anthony Ace Castro or simply Jace Castro of Formula One. He was set to wed Fashion Designer-turned- Supermodel Zoey de Madrid, his girlfriend for three years. But things happen out of pr...