RR: Special Chapter

13.7K 316 61
                                    

Two years later...

"Mommy!!", umaalingawngaw ang matinis na boses ng dalawang taong gulang at bunsong si Jazz kasabay ng maingay na tunog ng sapatos nito habang tumatakbo papasok sa loob ng bahay.

"Careful Jazz! Mamaya madapa ka na naman!", masungit na saway ni Jio sa kapatid.

Nilingon ni Jazz ang kuya at nilabasan lang ito ng dila saka pumanhik sa hagdan.

"Mauvais garçon! (Salbaheng bata!)", nakangusong bulong ni Jio saka dumiretsong upo sa sofa.

Sumusunod naman sa kanya si Jaedy na nagpipigil ng tawa.

"What?", kunot noong sita ni Jio sa kapatid.

Nagtaas lang naman ng dalawang kamay ang limang taong gulang na si Jaedy bilang pagsuko at umakto pang  isini-zipper ang sariling bibig ngunit halata ang pagpipigil nitong matawa.

Bumuga naman ng hangin si Jio at isinandal ang ulo sa upuan. They just came from their grandparents' house. And the oldies were so delighted to see them again. Specially Jazz na ubod ng kulit ngunit napakabibo. At kahit sinong mag-alaga sa bunso nila ay paniguradong deadbatt na pagkatapos. At siya bilang kuya ang naatasang tumingin sa bunsong kapatid.

"You seemed so tired buddy.", naaaliw na wika ni Jace sa panganay na anak.

"Your youngest is a pain in the ass Dad! Next time that we're going to pay a visit to granny, make sure to bring Mom or better yet, get a nanny for him!", dire-diretsong reklamo ni Jio sa ama.

"Are you complaining?", nanunudyo pa ring tanong ni Jace. "You lost the deal remember?", ngisi pa niya.

Umirap lang sa hangin si Jio saka pumikit at tahimik na napahinga. Napailing na lang si Jace sa inakto ng anak. Nag-bato-bato-pik silang dalawa kanina at kung sino ang matalo ang siyang titingin kay Jazz. Unfortunately, his eldest son lost the battle kaya naman ito ang nag-alaga sa bunso nila.

Nang magsipaglaki na ang mga anak nila ni Cady ay napagdesisyunan nilang mag-asawa na hindi na kukuha ng makakatulong nila sa bahay at sa pag-aalaga ng mga bata.

All the household chores are fairly divided between him, his wife and Jio. At ang magagaang trabaho naman ay hinahayaan nilang si Jaedy ang gumawa gaya ng paliligpit ng mga laruan nila ni Jazz at ang pagsalansan ng mga marurumi nilang mga damit sa kwarto nilang magkakapatid.

Hindi nakasama kanina si Cady sa pagbisita sa mga magulang niya dahil tinatamad bumagon ang mahal na asawa at ayaw pang gumising. Ipinagtabuyan pa silang mag-aama dahil naririndi ito sa ingay nilang apat.

Nabaling ang pansin ni Jace kay Jaedy na nginangatngat na naman ang mga kuko sa kamay.

Sinutsutan iyon ni Jace at agad namang napatigil ang bata sa ginagawa.

"Sarrey!", sabay peace sign pa ni Jaedy sa ama.

Jace tsked and let himself rest in the couch.

"Diiii!", sigaw ni Jazz mula sa taas na ngpabalikwas kay Jace at Jio na agad napatakbo sa may hagdan.

" Pourquoi?! (Bakit?!)", tarantang usisa ni Jace.

"Wala si mommy!", umiiyak ng saad ni Jazz.

"Ha? Anong wala?"

"Wala sa room.", ngawngaw pa rin ni Jazz.

"Tsk! Hindi na naman tinitignan ng maigi. Oh ayan dad, nandito na tayo sa bahay. Ikaw na rin bahala kay Jazz.", ngisi ni Jio sa ama saka pumanhik na ng hagdan. Nang matapat sa ngumangawa pa ring kapatid ay ginulo lang nito ang buhok saka tumuloy na sa sarili nitong kwarto.

Forever Love Series 2: Racer's Revenge (R-18) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon