RR: Epilogue

13.1K 274 68
                                    


Naunang nagising si Cady kesa kay Jace isang umaga. Pagmulat niya ay mukha ng kanyang asawa ang agad na tumambad sa kanya. Nakapatong sa mukha ni Cady ang kaliwang braso ni Jace habang ang isa ay nasa ulunan ng mister.

Bahagya din itong nakanganga habang naghihilik.

Kababalik lang nila galing sa isang linggong honeymoon nila sa Maldives. Nasa mansyon pa ng mga Castro si Jio at nag-eenjoy sa bonding moment nila ng kanyang lolo at tito Jervin.

Tumihaya siya mula sa pagkakatagilid at agad siyang inatake ng pagkahilo sa biglaang paggalaw niya.

Napahawak siya sa ulo at napangiwi. Kulang pa ata siya sa tulog. Habang tong katabi niya ay ang sarap ng tulog kaya nakaramdam siya ng inis.

Hinagilap niya ang extrang unan nila saka nabubwiset na ipinatong sa mukha ni Jace at humiga ulit patalikod na sa asawa.

Ang pagkahilong naramdaman ay pinalala pa ng pagnanais na masuka.

She always feels like this all throughout their honeymoon period. Hindi lang siya mahuli-huli ni Jace na nagsusuka sa umaga dahil sa himbing nitong matulog. May hinala na siyang buntis siya ngunit hindi pa niya ipinapaalam kay Jace.

Hindi niya alam kung bakit. Nagkaphobia ata siya na magbuntis at baka makunan ulit. Mula kasi ng maging okay na sila ni Jace ay pansin niyang mas naging istrikto pa ito sa kanya. Hindi man lantaran pero ramdam niya ang paghihigpit nito lalo na pag nasa public places sila at maraming lalaking patingin-tingin sa kanya.

At kahit matagal na silang magkakasamang mag-anak ay hindi pa rin maiwasan ni Jace ang hindi magselos sa anak lalo na kung naglalambing si Jio sa kanya.

Kaya naman she's trying to balance her attention sa mag-ama niya.

Pero kung nagseselos na si Jace kay Jio, paano na lang kung madagdagan pa ito ng isa pa?

Hindi na niya nakayanang pigilan ang urge na masuka kaya dali-dali na siyang bumangon at patakbong pumasok ng banyo.

.......

"Are you sure about this?", tanong ni Cady kay Jace.

"Yes baby. Isang karera na lang and I will retire."

Ngkibit balikat naman si Cady. Hindi naman niya hiningi ang mag-retire si Jace sa propesyon nito. Ngunit ang asawa na mismo ang nag-open ng usaping iyon.

Nangasim ang mukha niya ng ilapag ni Jace sa harap niya ang sinangag na may halong bawang.

Agad ang pagtakip ng ilong niya at naduduwal na inilayo sa kanya ang bandehado.

"Why?", napapantastikuhang tanong ni Jace.

"Ang ba-", hindi na natapos ni Cady ang sasabihin at nagmamadaling tumayo at tinungo ang sink saka doon sumuka.

"Anong nangyayari sayo?", tanong ni Jace habang hinahagod ang likod ni Cady.

Napahigpit ng hawak si Cady sa lababo. Nahihilo na naman siya. Binuksan naman ni Jace ang faucet at siya na ang naghilamos kay Cady. Ipinusod ni Jace ang mahabang buhok ng misis gamit ang kamay saka inudyukan itong magmumog.

"Are you okay? You looked so pale."

Tumango lang si Cady at nanghihinang napasandal sa dibdib ni Jace.

"Baby.", nag-aalalang saad ni Jace.

"I'm okay Jace."

"No, you are not.", giit ni Jace.

Magsasalita pa sana si Cady ng bigla na lang siyang panawan ng ulirat na ikinagulat naman ni Jace. Agad na pinangko ni Jace ang asawa at itinakbo sa hospital.

Forever Love Series 2: Racer's Revenge (R-18) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon