RR: Thirty-one

8.9K 192 13
                                    


Nakaupo si Cady sa katabing couch malapit sa wheelchair ni Jace. Nakapaharap siya sa binata at hinahaplos-haplos niya ang buhok nito.

Hindi pa nakuntento at ipinaloob niya ang mga daliri sa malagong buhok ni Jace at minasahe ang anit nito.

Napaungol kasabay ng pagpikit si Jace.

Cady chuckled. "Kung makaungol ka naman akala mo nilalabasan ka.", ngisi pa niya.

Napangiti ng pilyo si Jace habang nananatiling nakapikit.

Pinagpatuloy naman ni Cady ang pagmasahe sa binata hanggang sa mapansin niyang nakatulog ito sa ginagawa niya.

Kuntentong pinagmasdan niya ng panatag na mukha ni Jace. Napakalaki niyang tanga para hindi makita ang tunay na pagmamahal nito sa kanya.

Na hinayaan niya ang sariling mabulag sa pagkahibang niya dati kay Shinrei.

Pero hindi na ngayon. Kung aalukin siya ng kasal ni Jace, hindi na siya magdadalawang isip na tanggapin ito.

Besides, her son Jio deserves to have a complete and happy family. She owe him that. Alam niyang na-deprive niya ang kaligayahan at karapatan ng anak sa nakalipas na mga taon. And speaking of her son, wala pa siyang nakikitang bakas na nandito ang anak niya.

Kaya dahan-dahan siyang tumayo sa couch para hindi magising si Jace at nilibot ang buong bahay upang hagilapin ang anak.

Ngunit napagod na siya sa kakaikot ay wala ni maski anino man lang ni Jio doon.

Kaya napagdesisyunan niyang sa kusina na lang muna siya at magluluto.

........

"Dad!!", sigaw ni Jio habang papasok ng bahay. Kakahatid lang sa kanya ng tito Jervin niya. Ipinasyal siya nito sa building ng kompanya nila.

"Da-...", hindi natapos ang sinasabi ni Jio ng makarating siya sa sala at makita ang amang tahimik na nakaupo habang nanonood ng t.v.

Ngunit hindi iyon ang nagpatigil sa kanya kundi sa halimuyak na nanggagaling sa kusina.

Hindi siya maaring magkamali. Its his favorite food. At base sa aroma na nasisinghot niya ay nasisiguro niyang iisang tao lang ang may gawa nun.

"Son!", pansin ni Jace sa anak ng makitang natitigilan ito at nanlalaki ang mga mata damay pati butas ng ilong.

Umaliwalas ang mukha ni Jio ng mapagtagni ang nasa isip. "Mommy's here??"

Napangisi naman si Jace ngunit hindi pa man lang siya nakakasagot ay iniwanan na siya ng anak at nagtatakbong tinungo nito ang kusina.

Rinig na rinig niya ang matinis na boses nito habang tinatawag ang ina.

Napailing siya habang nakangiti. Hindi kasi obvious na namiss ngang talaga ni Jio si Cady.

Kaya naman natatawa siyang pinaandar ang wheelchair niya papuntang kusina.

Nasa bungad pa lang siya ay kita na niya ang mahigpit na yakap ng mag-ina.

Nakaluhod si Cady habang yakap-yakap ni Jio sa leeg ang ina at pinupupog ng halik habang walang sawang sinasambit ang mga katagang "I love you mommy! I miss you so much!"

Parehong may luha sa mga mata ang mag-ina. Nakangiti at hindi matikal ang pagyayakapan.

Para namang gustong magselos ni Jace sa nakikita. Bigla siyang nainggit sa nakikitang closeness ni Cady at Jio.

Hindi pa nga ata niya nakita dati kay Cady ang affection na nakikita niya ngayong kasama nito si Jio.

Ipinilig niya ang ulo upang matanggal ang agiw na nasa utak niya.

He should not feel this way. For pitt's sake, he's jealous of his own son. Dammit!

Napatikhim tuloy siya ng may kalakasan kaya nakuha niya ang atensyon ng dalawa.

Sabay na ngumiti si Cady at Jio. Inakay ni Jio ang ina palapit sa daddy niya.

"I've been waiting for this.", masayang turan ng bata. "Thank you mommy.", yakap niya sa bewang ng ina. "Thank you daddy!", saka siya yumuko at hinalikan sa pisngi ang ama.

Tipid ang mga ngiting ginulo ni Jace ang buhok ng anak. Saka tumingala kay Cady na masaya silang pinagmamasdan.

"I love you.", anas ni Jace.

Yumuko naman si Cady saka bumulong. "I love you too, baby.", bago hinalikan ang punong tenga nito na nagpakiliti naman kay Jace kaya hindi napigilang mapapitlag.

"It tickles baby!", reklamo ni Jace.

Tinawanan naman siya ng kanyang mag-ina.

"Suit yourselves in the dining. Im almost done here.", utos ni Cady sa dalawa saka muling hinarap ang niluluto.

"Okay mommy/baby!", dweto ng mag-ama at sabay ring tumalikod sa kanya.

.........

Masayang nagkukwentuhan ang tatlo habang kumakain. Napapangiti pa si Cady at Jace sa isa't isa tuwing nagbabanggaan ang kanilang mga titig.

Animo'y mga teenager na sabay yuyuko at may kasama pang pamumula ng mga pisngi.

Hindi naman sila pansin ni Jio na busy sa kanyang kinakain.

Nang matapos ay si Jio na rin ang nagpresentang maghugas ng kanilang pinagkainan at inutusan ang mommy at daddy niya na doon na lang sa salas habang nagpapahinga.

Sa may sofa bed pumwesto ang dalawa. Inalalayan ni Cady si Jace pahiga doon.

Naigagalaw naman na kahit papaano ni Jace ang mga paa ngunit kailangan pa rin ng alalay at hindi mapwersa.

Nang masiguro ni Cady na komportable na si Jace sa kanyang posisyon ay bigla na lang siyang hinila ng lalaki pahiga rin.

Tinampal ni Cady ang dibdib ni Jace dahil muntikan na niyang madaganan ang mga hita nito.

"Ang hilig hilig mong manghila!", akusa ni Cady. "Paano na lang kung hindi ko nakontrol yung bagsak ko eh di nasaktan pa kita!"

"Tsk! Nagagalit ka na naman baby.", nakangiting tugon naman ni Jace at mas lalo siyang hinapit palapit sa katawan nito.

"Eh sinong di magagalit kung-...", hindi na natuloy na kagalitan ni Cady ang binata dahil sinakop na nito ang kanyang mga labi.

Iniungol ni Cady ang kanyang protesta ngunit mas lalo lang pinalalim ni Jace ang kaniyang mga halik.

"Baby...I miss you...so much!", bulong ni Jace sa pagitan ng kanyang mga halik.

Hindi naman makasagot si Cady dahil nalulunod siya sa emosyong nararamdaman kasabay pa ng walang patumagang panghahalik sa kanya ng hayok na lalaking nasa tabi niya.

Nang pangapusan na siya ng hininga at ayaw pa rin siya tantanan ni Jace ay kinurot na niya ang tagiliran nito.

"Awww!", salubong ang mga kilay na reklamo ni Jace ng bitawan niya ang mga labi ng dalaga.

"Nakakainis ka!", kunwaring pagalit na turan din ni Cady.

"Bakit?", maang-maangan naman ni Jace.

"Gusto mo akong mamatay? Im running out of breath na pero kung makahalik ka para kang suso!"

Napatawa ng malakas si Jace. "What's suso baby?"

Natawa din si Cady. "Snail baby!"

"Im a snail?!", amused na tanong ni Jace.

Natatawang tumango si Cady saka isiniksik ang mukha sa leeg ni Jace at niyakap ng mahigpit.

"Well, at least sa halik ko ikaw mamamatay baby. Mamamatay sa sarap.", ngisi ni Jace at hinalikan ang tuktok ng ulo ni Cady.

.........

A/N:

Cheesy moments muna.
Bago turjak!😂

😙😙😙

Forever Love Series 2: Racer's Revenge (R-18) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon