RR: Two

11.9K 205 3
                                    


Flashback cont.

Maang na pumasok si Cady sa kanyang kwarto at nilapitan ang kama.

Pagkatayo niya sa paanan ng higaan ay siya namang pagsara ng pinto ng kwarto.

Nabaling doon ang pansin ni Cady at nakita niya si Jace na nakatayo at nakapamulsa pareho ang mga kamay.

Halata ang pagiging alumpihit nito. Tantya pa nga ni Cady ay pinagpapawisan ito.

"What's the meaning of this Jace?", kunot noong tanong ni Cady.

"I...uhm...I wanted to surprise you."

"Well, I was not only surprised! I was shocked too!", saad ni Cady pero nag-uumpisa na siyang mairita.

Lumapit si Jace kay Cady at hinawakan ang mga kamay nito.

"Marry me Cades. And live with me in Paris. I promise I will be the best husband you will ever have."

Umiling naman si Cady. "Im sorry Jace. I...I cant marry you."

Jace suddenly felt a stabbing pain on his chest. But he composed his self and tried to hide it and smiled instead.

"You will not regret marrying me. Cades, from the very first time I saw you, I already knew, you are the one."

"You dont understand Jace."

"Then make me understand."

Tinitigan ni Cady sa mga mata ang binata. Basang-basa niya doon ang pagsusumamo at sakit.

Nag-iwas siya ng tingin bago sumagot.

"I dont...I dont love you Jace. Im sory.", saka binaklas ang mga kamay ng binata na nakahawak pa rin sa kanya.

"No! Cades...t-tell me you're just j-joking.", saka niyakap ang dalaga. "Please."

"Im sorry Jace.", nahihirapang saad ni Cady.

"Why? I thought we are good."

"I love somebody else"

Para namang namatanda si Jace sa narinig at tulalang nakatitig lang kay Cady.

Akala niya kaya na niyang tanggapin ang katotohanan. Ngunit masakit pa rin pala kung isasampal sayo ito ng harap-harapan.

Napayuko si Jace saka umiling-iling. Si Cady lang ang babaeng minahal niya ng buong-buo.

Kahit magmukha na siyang tanga at nakakababa ng pagkalalaki ang ginagawa nitong pambabalewala sa kanya ng dalaga ay ipinagsawalang bahala niya yun dahil mahal niya si Cady.

Sa tuwing makikita niya itong nakangiti sa kanya ay para bang buo na ang kanyang mundo.

Ginawa niya ang lahat mapasaya lang ito. They are even more compatible in bedroom department. He was the one who deflowered her. Pero bakit hindi man lang ito pahalagaham ng dalaga? Mahal naman niya ito.

Ngunit hindi pa rin pala sapat iyon.

Hindi na namalayan ni Jace na lumuluha na pala siya. "I never thought you'd be this heartless Cades."

Iniiwas naman ni Cady ang tingin sa binata.

Ano ba ang magagawa niya? Mas mahal niya si Shinrei kesa dito. Oo, merong puwang si Jace sa puso niya ngunit mas nangingibabaw ang pagmamahal niya sa kinakapatid.

Forever Love Series 2: Racer's Revenge (R-18) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon