RR: One

14.6K 220 17
                                    


"Jace...sino ang kuma--...Shin?!", gulat na bulalas ni Cady.

Hindi niya inaasahan ang biglaang pagdalaw sa kanya ng kaibigan. Akala niya ay nasa Pangasinan ito at inaasikaso ang kanyang bagong biling isla.

Nilingon siya ni Jace at tinitigan ng masama. "Go back inside Cady!", matigas na utos nito.

"Jace..", bulong ni Cady.

"Now!", bulyaw nito sa kanya at napapitlag si Cady dahil doon.

Sinulyapan niya si Shinrei at humihingi ng paumanhin ang tingin saka bumalik sa loob.

Hinarap naman ni Jace si Shinrei.

"Do your wife know that you are here?", mabalasik ang anyong taong ni Jace.

Hindi naman nasindak si Shinrei. "No.", simpleng sagot niya.

"Oww!", ngisi ni Jace. "Too much confidence huh?"

"Wala akong ginagawang masama."

"Wala nga ba?", naniningkit ang mga matang usisa ni Jace.

"I just wanted to visit my friend. Stop fooling around.", iritableng saad naman ni Shinrei.

Napangisi naman si Jace. "You should be the one to stop. Cady is mine. Inagaw mo na nga si Zoey sa akin, gusto mo pati pa si Cades?"

"Wala akong inaagaw sa'yo. Hindi naging sayo ang asawa ko."

Dumilim naman ang mukha ni Jace. "Umalis ka na Fortalejo. And dont ever come back! I dont want you to meddle in our affair!", matigas ang tonong sambit ni Jace saka padabog na ibinalya pasara ang pinto.

Nagtitimping tumalikod naman paalis si Shinrei. Naglalaro sa isip kung paano humantong ang dalawa sa ganoong sitwasyon. Sa nakita niya kanina ay halatang may namumuong relasyon sa mga ito.

Hindi niya maiwasang mag-alala para sa kinakapatid. Naisip niyang baka lokohin lang siya ni Jace.

He reminded himself to talk to Cady soon.

Minsan pa siyang lumingon sa unit ng dalaga bago tuluyang pumasok ng elevator.

.......

Madilim ang anyo ni Jace na bumalik sa sala upang harapin si Cady.

Napatayo naman si Cady mula sa pagkakaupo ng makita ang mabalasik na anyo ng lalaki.

"J-jace...."

Lumapit si Jace sa dalaga at kinuyom ang kaliwang kamay sa likod ng ulo nito habang nilagay niya naman ang kanan sa leeg ng dalaga.

"Pinapunta mo siya dito?!", singhal ni Jace kay Cady.

"Jace...no...", hintakutang saad ni Cady.

"Hindi ka pa ba kuntento sa akin?! Siya pa rin talaga ang gusto mo?!", asik ng binata kay Cady at hindi namamalayang napapahigpit ang kapit niya sa leeg ng dalaga.

Pilit namang inaalis ni Cady ang kamay ni Jace. "J-jace!...", hirap na wika niya.

"You are mine. You are my slave. You belongs to me. And not with any other asshole! Not even with that Fortalejo.", nanlilisik ang mga matang saad ni Jace.

Napapasinghap na si Cady. Nahihirapan na siyang makahinga sa higpit ng pagkakasakal ni Jace sa kanya.

Napahawak na lamang si Cady sa dibdib ng binata at masuyo itong hinaplos upang pakalmahin si Jace.

She remembered she was using that gesture long time ago to calm him from his wrath. She was hoping it will still have an effect on him today.

Tila naman nagising ang diwa ni Jace sa ginawa ng dalaga at malamlam itong tumitig kay Cady. Unti-unti ring lumuwag ang pagkakahawak niya sa dalaga.

Forever Love Series 2: Racer's Revenge (R-18) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon