RR: Thirty-three

9.5K 207 11
                                    


"Baby....", ubod ng lambing na bulong ni Jace sa nakadapang si Cady.

Hubo't hubad pa rin ang dalaga sa ilalim ng kumot at plakdang nakadapa sa kama.

"Wake up na baby...", muling bulong ni Jace at hinihipan pa ang tenga ni Cady.

Cady tsked and groan. And murmured something.

Natawa ng mahina si Jace. Pati ata magsalita ay hindi na kayang gawing maayos ni Cady.

"Napagod ka baby?", pilyong tanong ng binata at hinawi pa ang buhok ni Cady na nakatabing sa magandang mukha nito.

"Bangon na. Lunch is ready.", muli pa niyang sambit.

Nangunot naman ang noo ni Cady. "Lunch? Anong oras na ba?"

Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Cady at ang maaliwalas na mukha ni Jace ang kanyang nabungaran.

Bakas ang kasiyahan sa tabas ng pagmumukha nito. Pilyong mga ngiti at nagniningning na mga mata.

"What time is it?", mahina at paos na tanong ni Cady at muling pumikit. Hindi magawang tumihaya dahil nanlalata pa siya buhat sa halos buong magdamag na pag-angkin sa kanya ni Jace noong nagdaang gabi.

She heard Jace's chuckle. Pero hindi niya iyon pinansin. Siguradong maglalandi na naman ang binata sa kanya pag sinita niya ito.

"Past twelve baby."

Umungol lang si Cady. "Si Jio?", muli niyang tanong habang nananatiling nakapikit.

"Na kila mama.", maikling sagot ni Jace.

Naghikab si Cady. At pinilit ang sariling tumihaya. Napapangiwing hinila niya ang kumot upang takpan ang dibdib. Hindi na siya magtataka kung makakita siya ng mga pasa niya sa katawan.

Jace was so insatiable last night. Napaka-aggressive at akala ata sa kanya ay hindi napapagod.

Ang huling natatandaan niya bago siya igupo ng antok at pagod ay ang pagsayaw ng binata sa ibabaw niya kahit na sinasabihan na niyang hindi na niya kaya. He will just kiss her savagely pag naririnig ang reklamo niya.

"Kaya mo ba baby? O dadalhin ko na ang pagkain dito?", rinig ni Cady na tanong ni Jace.

Napaismid siya ngunit hindi sumagot.

Sinubukan niyang muling igalaw ang mga hita. "Shit! Ang sakit talaga."

Bakit ba niya nakalimutang nasasapian pala ng kung ilang manyakis o rapist si Jace pag nag-umpisa na silang maglaro sa kama.

"Are you okay?", tanong ni Jace ng makitang napapangiwi si Cady pag sinusubukang gumalaw.

"Tingin mo baby?", pasupladang turan ni Cady.

"Gusto mo bang gamutin kita?", may bahid ng kapilyuhang sagot ni Jace.

"For once Jace, ibaba mo ang lebel ng libido mo.", sa halip ay pangaral ni Cady sa binata.

Natatawang pinatakan ni Jace ng halik sa noo si Cady saka hinila ang kamay nitong may suot na singsing at hinalikan din iyon.

"Hindi pwede. Lalo ngayon, aking-akin ka na talaga."

"Babawiin ko na ata ang oo ko."

"No way!!", agad na protesta ni Jace at hinawakan pa lalo ang kamay ng dalaga ng tangkain itong bawiin ni Cady. "Umoo ka na! Wala ng bawian! Kung kinakailangan tutukan kita ng shotgun, gagawin ko wag ka lang umatras sa kasal.... O baka naman baby, iba ang gusto mong itutok ko sayo.", ngisi ni Jace at unti-unting kumilos upang sumampa sa kama.

Forever Love Series 2: Racer's Revenge (R-18) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon