"Shin..Shinrei?? Zoey?? Guys??"Rinig nilang lahat na saad ng isang malamyos at hindi makapaniwalang tinig mula sa kanilang likuran.
"See? I told you mahuhuli tau.", ani Skylar. "Ang ingay-ingay mo kasing mestisong bangus ka!", sisi pa niya kay Jace na napasimangot na lang.
Bumungisngis naman si Brix at Cyric.
Nakangiwi silang isa-isang humarap sa pinanggalingan ng tinig.
"Hi Cady!", sabay-sabay pang bati nila sa nakangangang si Cady.
Natutop naman ni Cady ang nakabukas ng bibig at hindi makapaniwalang tumingin kay Jace na nagkakamot na ng ulo dahil sa pagkakabuko ng presensya ng kanilang mga kaibigan.
"You're all here!!", maligayang turan ng dalaga ng mabawi na ang pagkabigla.
Saka nagmamadaling lumapit si Cady sa mga kaibigan saka isa-isang hinagkan at niyakap.
"Nakakainis kayo. Hindi niyo man lang ako ininform na darating pala kayo.", litanya ni Cady habang nakikipagbeso-beso.
"Where's the element of surprise then?", naaaliw namang sagot ni Shinrei na hinagkan sa bumbunan si Cady.
"Sila ninong at ninang?", usisa ng dalaga sa kinakapatid.
"Nasa labas. Kakwentuhan na sila ninong Michael at ninang Cacai."
"My God. I kennat! Thank you guys!", naluluhang sambit habang pinapasadahan ng tingin ang bawat isa.
Pero ng mapadako ang tingin sa nakangising mapapangasawa'y pinaningkitan niya ito ng mga mata.
"Sa couch ka matutulog bukas ng gabi!", banta ni Cady kay Jace.
"What?!", angal naman ni Jace.
Habang nagsipagtawanan at nag-apir pa ang mga lalaking kasama nila.
"Tell me you're just joking baby!", padyak ni Jace ng kanang paa.
"I am not!", tigas namang sagot ni Cady. "Hmpf!", pakli pa ng dalaga saka hinarap ang mga kaibigan. "Go and have some rest guys. See you later.", taboy niya sa mga ito at inirapan si Jace bago tumalikod at umalis.
"Good luck, man.", nakangising tapik naman ni Iñigo kay Jace at hinila na si Anary papasok sa magiging kwarto nila.
Pilyong nginisihan din ni Brix at Cyric si Jace bago tumuloy sa kwarto din ng mga to.
Sumunod na rin si Skylar na binilatan lang si Jace.
"Daanin mo sa lambing dude.", kampi naman ni Shinrei sa binata habang inaayos ang pagkakabuhat sa anak.
"You know she hates surprises kasi eh.", sisi naman ni Zoey.
Hindi na lang sumagot si Jace na nagkakandahaba ang nguso.
........
Kinagabihan ay nagpahanda ng munting salu-salo ang pamilya ni Jace para sa mga bisita.
Merong nakaset-up sa labas upang doon ganapin ag munting piging.
Sofa set para sa mga matatanda.
BINABASA MO ANG
Forever Love Series 2: Racer's Revenge (R-18) (COMPLETED)
RomanceWARNING: MATURED CONTENT! READ AT YOUR OWN RISK! . . . . . Jan Anthony Ace Castro or simply Jace Castro of Formula One. He was set to wed Fashion Designer-turned- Supermodel Zoey de Madrid, his girlfriend for three years. But things happen out of pr...