RR: Twenty-three

7.6K 174 22
                                    


"Im sorry but mataas ang dosage ng gamot na nainom ng pasyente so we had to performed gastric lavage to irrigate toxic substances from her body.", imporma ng doktor kay Jhoy.

"K-kamusta po si Cady dok?", tanong ni Jhoy.

"Loosen up misis. She's okay now.", ngiting tapik ng doktor. "Itatransfer na siya ng kwarto. Nasa sa inyo na kung saan siya ilalagay. Just coordinate with the staff."

"Thank you dok.", nakahinga ng maluwag si Jhoy saka tumingin kay Shinrei.

"Get her a private room ate Jhoy. I will shoulder all the expenses.", saad ni Shinrei bago tumingin sa asawang tahimik lang sa tabi niya.

Nang-uunawang tumango naman si Zoey na ikinangiti ni Shinrei kaya dinampian niya ito ng halik sa noo.

"Salamat dok.", sabi pa ni Shinrei sa lalaking doktor.

"Its my job to save life Mr. Fortalejo.", ngiti naman ng doktor. "Balik lang ako sa loob at may ibibilin pa ako sa mga nurse."

"Sige po. Salamat po ulit.", sagot ni Jhoy.

......

"Shin...Zoey...", sambit ni Jhoy. Kasalukuyan na silang nasa kwarto ni Cady sa hospital. Tulog pa rin ang dalaga ngunit sabi ng doktor pawala na ang bisa ng gamot kaya anytime ay magigising na rin ito.

"Bakit ate?", tanong ni Shinrei.

"Kalabisan man pero pwede bang kayo muna ang magbantay kay Cady saglit? Uuwi lang ako para kumuha ng mga gamit. Baka iba-iba kasi ang madala ng kambal. Tsaka tatawagan ko rin sana sina Kuya Michael at Ate Cacai para ipaalam ang nangyari kay Cady.", mahabang pakiusap ni Jhoy sa mag-asawa.

Tumingin naman muna si Shinrei sa misis at tila nanghihingi ng desisyon nito.

Ngumiti si Zoey saka tumango. Siya na rin ang sumagot sa ginang. "Sige lang po ate Jhoy. Wala pong problema. Nasa rest house naman po si Manang Yas kaya may titingin sa anak namin."

"Salamat Zoey.", nagliwanag ang mukha ni Jhoy sa narinig. "Aalis na ako para makabalik din agad."

"Sige po.", sagot naman ulit ni Zoey.

Nang makaalis si Jhoy ay niyakap ni Shinrei ang asawa. "Thank you babe."

Gumanti naman ng yakap si Zoey saka ibinaling ang tingin sa nakahigang si Cady.

"Ano sa tingin mo ang problema nila babe?", wala sa loob na tanong ni Zoey sa asawa.

"I dont know. Sana nga magising na si Cady para makausap ko siya. Okay lang ba sayo yun babe?"

"Oo naman. After all, hindi naman ganun kasama ang tingin ko kay Cady eh."

"Mabait naman siya babe. May pagkamaldita lang talaga minsan. Parang ikaw din.", nangingiting saad ni Shinrei.

Natatawang kinurot ni Zoey ang tagiliran ng mister.

........

Napaungol si Cady sa sakit na nararamdaman niya sa kanyang sikmura at lalamunan. Para itong hinalukay at magang-maga.

Namimigat pa ang kanyang mga mata kaya hindi rin niya ito maimulat.

Natigilan siya ng maamoy ang pamilyar na amoy ng hospital. Bigla siyang natilihan. Tila siya bumalik sa nakaraan noong makunan siya.

"Cady.", anang boses lalaki sa may tagiliran niya.

At dahil groggy pa, napagkamalan niyang baby ang narinig. At sa pag-aakalang si Jace yun ay nakaramdam ng panic si Cady.

Kahit hindi pa tuluyang nakakamulat ay nagpapapasag na siya sa kama habang sumisigaw.

"No!!! Dont come near me!! You're a monster!!!", sigaw ni Cady.

Forever Love Series 2: Racer's Revenge (R-18) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon