"What's the meaning of this Draco??", mabalasik ang anyong tanong ni Jace.Hindi naman agad makapagsalita si Draco habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaking nasa harap niya.
.........
Flashback...
"Kelan pa natutong humawak ng baril si Zoey?", amused na tanong ni Jace ng makalabas sila ng bahay.
Natatawang umiling si Shinrei. "I dont know. She's full of surprises, you know."
"Yeah.", tumatango-tangong sambit ni Jace.
Naupo sila sa patio. Sandaling natahimik ang bawat isa at nag-iisip.
"Im sorry Jace/Shinrei.", sabay na sambit ng dalawa.
Nagkakailangan man ay parehas silang natawa. (Eww! Nakakabakla kayo mga papa!😂 -A/N.)
"I guess panahon na din para magkaayos tayo.", sabi ni Shinrei na ikinatango naman ni Jace.
"Yeah. After all, para ko na lang din kapatid si Zoey.", sambit ni Jace.
"Same with Cady. They are both special to me Jace. Mas lamang nga lang ang asawa ko. I admire Cady for being a strong woman you know.", sabi naman ni Shinrei.
"A strong woman indeed.", sang-ayon ni Jace saka sila muling natahimik na dalawa. "How is she?", halos pabulong na tanong ni Jace patungkol kay Cady.
Tumitig si Shinrei kay Jace. Umiling saka yumuko bago muling tumingin sa mukha ng kaharap.
"Mula ng nilabas namin siya ng hospital ay hindi pa siya nakikipag-usap. Maswerte na ngang nakikinig siya kay Babe."
"What happened?"
"Ang sabi nag-overdosed ng sleeping pills. We are just so glad na naitakbo agad siya ng hospital. Almost a week na pala siya dito pero ni hindi man lang nagpakita sa amin, sa akin.", imporma ni Shinrei sa binata.
Hindi naman makapagsalita si Jace. Itinukod ang mga siko sa mesa at inihilamos ang mga palad sa mukha.
"What happened in Paris Jace? Nang una siyang magising, bigla na lang siyang nagsisisigaw. Na....pinatay mo daw ang anak niya. Is it true Jace?", napakuyom ng kamao si Shinrei.
Bumuntong hininga si Jace bago sumagot. Inilahad niya sa lalaki ang mga nangyari sa kanila ni Cady sa Paris. Pati ang nakaraan nila ng dalaga ay ikinuwento na ni Jace. Napapailing naman si Shinrei habang nakikinig. Parang gusto niya ulit bugbugin ang binata kung hindi lang masakit pa ang kanyang katawan.
"Pero maniwala ka man o hindi Shinrei, mahal ko si Cady. Mula noong nasa L.A. pa kami."
"Anong plano mo ngayon?", tinatantya ni Shinrei ang reaksyon ni Jace.
"I will win her back."
Nasisiyahang napangisi si Shinrei sa sagot ni Jace ng may maalala siya. "How about that woman whom you kissed after the race?"
"Correction Fortalejo, she was the one who kissed me. Magkaiba yun.", napasimangot na turan ni Jace. "Wala yun. Hindi ko babae kung yun ang iniisip mo."
"Oh di good. At least hindi na kita kailangang suntukin ulit sa mukha. Sa tigas niyan sumasakit ang kamao ko.", nang-aasar na sabi ni Shinrei.
"Gago!", tawang sagot naman ni Jace. "Pwede ko na bang makita si Cady?"
Pansumandaling tumingin si Shinrei sa wristwatch. "Come.", yaya nito sabay tayo. "Oras na ng kain niya."
.....
BINABASA MO ANG
Forever Love Series 2: Racer's Revenge (R-18) (COMPLETED)
RomanceWARNING: MATURED CONTENT! READ AT YOUR OWN RISK! . . . . . Jan Anthony Ace Castro or simply Jace Castro of Formula One. He was set to wed Fashion Designer-turned- Supermodel Zoey de Madrid, his girlfriend for three years. But things happen out of pr...