Prologue
"Clear my schedule for later, five pm onwards." She said to her secretary as she read an e-mail on her laptop.
"A-attorney?"
Nag-angat siya ng tingin. "You heard me."
"P-pero..."
"I get it, I rarely clear my sched for Saturdays and my only off is Sunday but I need to go to this certain concert." She explained. Muka na kasing nakakita ng multo ang kanyang sekretarya eh.
Agad itong naupo sa upuang nasa harap ng kanyang office table. "Kailan ka pa po nagkainteres sa mga ganyan?"
"Never."
"Eh bakit po kayo pupunta?" Pakikiusyoso nito. Crys, her secretary, is like a little sister to her now. Kaya naman, kumportable na itong kausapin siya tungkol sa personal niyang buhay.
"Sasamahan ko lang si Key, naka-oo na ako eh. Tsaka wala din siyang kasama." She explained as she continue on what she's doing.
"Taray! Headline ito! Attorney Lj Dizon, attending a concert. Para ko na ring sinabing magbubunga ng avocado ang mangga." Bungisngis nito.
Naiiling na lang siya sa kakulitan nito.
"Teka, kaninong concert ba iyan?"
Kinalkal niya sa isip ang sinabi ni Key na pangalan ng banda. "Summer's Dawn? If i'm not mistaken."
Sunod na lang niyang alam ay nagtitili na ito. "Hala! Ang gwapo ni Iver Cadwell, Attorney! The best, promise! Tapos yung boses, heaven! Panalong-panalo!"
Kinunutan niya lang ng noo si Crys. Pakialam niya ba sa mga ganyan. Malulutas ba niyan ang mga kasong hawak niya?
"Hindi mo siya kilala?!" Eksaherada nitong tanong.
Umiling siya. "Do I have to?"
"Ay pak! Ikaw na talaga, Attorney." Pumalakpak pa ito. "Siya lang naman ang pinaka-gwapong singer slash band vocalist sa bansa, pwedeng pang worldwide!" Crys said in her dreamy voice. "Tapos, yung kagwapuhan niya parang krimen! Sobra eh."
"Whatever. Just clear my sched and do not accept calls starting four pm. Pwede ka na ring umuwi by that time." She waved her hand dismissively.
"Copy." Tango nito bago dumiretso ng pinto. "Uhm... Attorney?"
Nilingon niya ito. "Yes?"
"Pictures ha? Idol na idol ko talaga 'yon eh." Crys sounded like an obssessive fangirl.
"Do I look like someone to take pictures of a random artist?" Tinaasan niya ito ng kilay.
Ngumisi ito. "Sabi ko nga po, Attorney. Baka lang naman. Sige na, work ka na po."
Napakakulit talaga ng batang iyon. Pero masipag ito at natatagalan ang katarayan niya at kaweirduhan ng personality niya, minsan mataray minsan energetic depende talaga sa taong kaharap niya, kaya naman tumagal sa kanya. Nasasakyan kung ano man ang trip niya.
Isa pang nagustuhan niya dito ay ang kakulitan nito. From time to time napapangiti siya nito kahit minsan ay stressed na siya sa trabaho.
Matapos mag-reply sa mga importanteng mensahe ay dumiretso siya sa comfort room ng kanyang opisina.
She look at herself in the mirror, she's in her business suit, her hair in a high pony tail. It screamed a powerful and intimidating aura. Well she needs to look intimidating to be an effective lawyer. Pero kapag kasama niya ang pamilya at mga kaibigan, malayong-malayo siya sa seryosong attorney na kilala ng karamihan.
BINABASA MO ANG
Perfect Strangers (Bachelorette Series 6)
RomanceBook Six of Bachelorette Series ✔️ Completed Lj, i'm scared. I'm scared that you can live without me. I'm scared cause you're strong enough to not need me in your life, that you can go on even without me. Like I wasn't really necessary in your life...