Chapter 2

15.3K 413 57
                                    

Chapter Two

"So this world tour they are proposing will have five legs. Three in Asia, one in Europe and America."

"This is less tiring than our last world tour."

"Yeah, eight legs din iyong nakaraan eh."

"I think we're good with this."

"What do you think, Iver?"

Mula sa pagtitig sa screen ng kanyang cellphone ay napatingin siya kay Darius. "Huh?"

"Man, we were talking here for minutes already and you're not even listening?" Kunot noo nitong tanong.

Napatingin siya sa kanyang phone bago dito. "Sorry." He scratched his forehead. It's his fault. Ano na nga ba ang topic nila?

Basta ang alam niya kakatapos lang ng band rehearsal nila at may kailangan silang i-discuss as a band.

"You're spacing out again." Paul pointed out.

He sighed. Kasalanan ito ng babaeng iyon.

"Ano bang tinitignan mo diyan sa phone mo at nakalimutan mong nag-e-exist pa kami." Before he knew it... hinablot na ni Matt ang kanyang cellphone.

He was caught off guard kaya wala na siyang nagawa pa. "Hey!"

He switched his phone on. Napangisi ito nang makita ang kanyang wallpaper. "I knew it!" Matt grinned.

"What?" Darius and Paul asked.

Pinakita nito ang kanyang cellphone. Agad namang nagngisihan ang dalawa.

"Iba na yan, Iver."

"Stalker, that's what you are man."

"Or obssessed stalker?"

"Tsss." Iling niya sa tatlo saka hinablot ang kanyang phone mula kay Matt.

Natigil sila ng pumasok sa silid ang kanilang manager na si Nita.

"Ano guys? Have you decided? Go ba tayo sa world tour na iyon?"

"Nakapagdecide na sana kami ngayon, kung hindi lang nag-i-space out itong si Iver." Paul shrugged.

Nangunot ang noo ni Nita sa kanya. "What now?"

He raised his hands in surrender. "Let's just discuss it again."

"Nababaliw na kasi yan sa babae." Ngisi ni Matt.

"Last time I check, babae ang nababaliw sa'yo." Nagtawanan ang kanyang mga kabanda sa sinabi ni Nita. "And who is this girl?" Nakataas ang kilay nitong tanong.

Nita is like a big sister to them. Sa tagal na nilang magkakasama, nagkapamilya at nagkaanak na ito ay nanatili paring manager nila. Kaya ate na talaga ang turing nila dito.

Agad namang nagkwento ang madaldal na si Matt at sinimulan talaga sa pagtanggi sa kanya ni Lj.

She started laughing hard. "Mukang iba ito ngayon ha, Iver? Hindi usual na mga babaeng supposed to be ay flavor of the month mo lang."

"Stop laughing at me." Saway na lang niya. Imbes na kampihan siya nito, nakisali pa sa pambubully ng tatlo. "Pagtutulungan niyo na naman ako eh. I can really feel your love guys." He said in full sarcasm.

"You're welcome." Ngisi ng mga ito.

"O siya, let's get back to business." Nita clapped her hands to get everyone's attention. "Lahat ba kayo, agree sa terms and conditions ng world tour na binabalak ng management? I know draft pa lang ang contract but they need your go signal already."

Perfect Strangers (Bachelorette Series 6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon