Chapter Seven
"Crys, I need the papers of Mrs. Ortega. Pwede mo bang dalhin dito sa Belladona?"
Inilibot niya ang tingin sa payapang karagatan. The water is sparkling because of the sun. Tahimik at payapa ang mga alon na humahampas sa puti at pinong buhangin.
"Pero diba Attorney, rest day mo?" Tanong nito sa kabilang linya.
Which is true. She sighed. "Mrs. Ortega called, she needs the notorized contract faxed this afternoon. Hindi ko pa iyon napirmahan kasi ang sabi niya by saturday pa. It's just thursday. According to her something came up so she need the contract today." Napahilot siya sa kanyang sentido. This is supposed to be a work-free day.
"Okay Attorney, pero wala po si Stacy para ipag-drive ako diyan sa Belladona. Off niya rin."
"Oo nga pala." Napaisip siya. "How about the company car? Baka may isang available diyan."
"Wait lang Attorney, tatawag po ako sa baba."
"Go ahead." Rinig niya sa background ang paggamit nito ng landline.
She closed her eyes, feeling the sea breeze and the heat of the sun. Mabuti na lang at walang masyadong guest ang Belladona ngayon. It's weekdays. Mag-isa niyang nakahiga sa mga sun loungers na nakahilera sa dalampasigan.
"Attorney..." she heard Crys spoke. "Walang available, ginamit ng ibang lawyer para sa mga court hearing nila. Tapos attorney, may client meeting pala ako ng eleven. Naalala niyo po? Yung nagpa-schedule about sa kaso ng lupa. Ako po yung representative niyo para kunin iyong mga papeles nila kasi off mo ngayon."
"Great."
She sighed. Mukang kailangan niyang magdrive pabalik ng city pero tinatamad na siya. Her body is set for a rest. Isa pa, masyadong maganda ang ambiance ngayon sa Belladona. Tahimik at halos walang katao-tao. Her kind of place.
"Sir Iver!"
Napakunot-noo siya ng marinig ang masiglang boses ni Crys sa kabilang linya. Iver? What is he doing in her office again?
"Ay wala po si Attorney. Off niya ngayon." Si Crys parin iyon sa kabilang linya.
"What does he need?" Pinasadahan niya ng mga daliri ang kanyang buhok.
"Mukang dadalaw ulit Attorney, tsaka may dalang cake." Crys answered. "Ay Attorney, si sir na lang kaya papuntahin mo diyaan?" Energetic nitong saad. Tila masayang may naisip ng solusyon sa problema.
"What? No."
"Attorney kailangan ko ng umalis ng office para on time ako sa pag-meet ng client. Wala na po akong ibang mapapakisuyuhan."
"What is it Crys?" She heard Iver spoke on the other line.
"Ah kasi po may urgent files na kailangang pirmahan si Attorney, kaso nandoon po siya sa Belladona. Wala rin si Stacy para maghatid." Crys explained to him.
Napapikit siya ng mariin. Kung bakit ba kasi may madaldal siyang sekretarya?
"Where's Belladona?"
"Private resort iyon sir, mga almost an hour lang mula sa city proper."
Ang daldal talaga ni Crys kahit kelan. "He's not in my guest list. Hindi din 'yan makakapasok dito." Saway niya dito.
"Attorney, magagawan mo naman po iyon ng paraan. Wala na tayong choice. Kailangan ko na rin talagang umalis ng office. I'm running late, Attorney."
She hates it how Crys is right. Wala na siyang magagawa. She sighed. Just... damn.
"Okay give him the files. Just sketch a map or something."
BINABASA MO ANG
Perfect Strangers (Bachelorette Series 6)
RomanceBook Six of Bachelorette Series ✔️ Completed Lj, i'm scared. I'm scared that you can live without me. I'm scared cause you're strong enough to not need me in your life, that you can go on even without me. Like I wasn't really necessary in your life...