Chapter Five
"Congratulations Attorney! Kahit naipasa lang sa inyo ang kaso naipanalo niyo parin!" Ngiting-ngiti si Crys habang naglalakad sa tabi niya palabas ng Justice Hall.
Finally, another case closed. Makakahinga na siya, ng kaonti.
"Dahil diyan, dapat may pa-dinner ka Attorney."
"Of course, it has been our tradition. Magdi-dinner tayo nila Stacy." Kumpirma niya. She appreciates how the two work hard for her kaya kada may tagumpay siyang kaso, itini-treat niya ang dalawa.
Pumalakpak ito sa tuwa. "Yan naman ang gusto ko sayo Attorney eh. Very generous." Ngisi nito.
"Nambola ka pa. Parang hindi ka naman nasanay na lumalabas talaga tayo kapag ganito." Iling niya dito.
Nagpatuloy sila sa paglalakad. Kunot-noo siyang tumingin kay Crys nang impit itong tumili.
"Oh my! Si Iver Cadwell! Shucks. Ang gwapo talaga! Magpapa-picture ako." Wala sa sarili nitong saad.
Sinundan niya ang tingin nito. Only to find a man leaning on his sports car watching her.
Not again. She mentally groaned.
Ano na naman bang kailangan ng makulit na 'to? Maganda ang araw niya, at ayaw na sana niyang masira pa iyon. Pero ngayong nandito ito, hindi niya lang alam.
Nakapamulsang umayos ito ng tayo ng makitang nakatingin siya dito. Nakuha pa talaga nitong kumaway. Gusto na lang niyang mapairap.
"Attorney! Ikaw ang kinakawayan oh." Tila kiti-kiti si Crys sa kakagalaw nito. "Ano kayang ginagawa ng isang Iver Cadwell sa parking lot ng korte?" Untag nito sa kanyang tabi.
"Let's just go." Saad niya at ipinagpatuloy ang pagbaba ng hagdan.
"Pero pwedeng magpa-picture muna ako, Attorney? Idol ko talaga yan eh. At hindi araw-araw eh nabibiyayaan ako ng presensiya niya." Energetic parin ito.
Gusto na lang niyang mapailing sa inusal ni Crys. Nang ilang hakbang na lang ang layo nila mula kay Iver, umamba itong lumapit sa kanya pero agad itong napigilan at hinarangan ni Stacy.
"Sorry sir, but you're not allowed to get near her." Stacy said in her thick American accent.
Mabuti naman at naalala ni Stacy ang bilin niya. Bibigyan niya ito ng bonus.
"Ay, pinagbawalan mo Attorney?" Bulong ni Crys sa kanyang tabi.
She look at her and nodded.
"Taray! Haba ng hair. Abot hanggang Dizon law firm." Pang-aasar nito.
"I just wanna say something to her." Iver argued.
Mula kay Crys ay binalingan niya si Iver na kinukulit si Stacy.
"I'm sorry, sir. But that's a strict order from Miss Lj."
He looked at her from Stacy. "I won't do anything to harm you."
"I don't care. I don't want you wasting my time again." Her poker face is on.
"Hindi na ako uulit." Nagpapaawang-saad nito.
As if naman uubra sa kanya iyan. Tinaasan niya lang ito ng kilay.
"I actually came here to fetch you." He grinned boyishly.
Eksaheradang napasinghap si Crys. "Oh my."
"I have my own car. And, I don't go with strangers." Nanatiling intimidating ang tingin na ipinupukol niya dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/110285299-288-k920838.jpg)
BINABASA MO ANG
Perfect Strangers (Bachelorette Series 6)
RomanceBook Six of Bachelorette Series ✔️ Completed Lj, i'm scared. I'm scared that you can live without me. I'm scared cause you're strong enough to not need me in your life, that you can go on even without me. Like I wasn't really necessary in your life...