Chapter Thirteen
Nagising siya sa walang habas na pagriring ng isang cellphone. Dahan-dahan siya nagmulat ng mga mata. Napaigik siya ng maramdaman ang sakit kanyang leeg. Doon niya napagtantong nasa sofa parin siya ng living room sa kanyang villa. And she is snuggled with a hard thing.
Huh?
Napalayo siya ng bahagya sa katabi at tinignan ito. It's Iver. Sleeping peacefully.
Nakatulog na sila sa panonood. Dahil ayaw nitong umalis kagabi or more like kaninang hating gabi, nag-aya itong mag-movie marathon. In-insist talaga nito dahil ito na mismo ang nagset-up sa kanyang tv.
At heto nga, nakatulugan na nila ang panonood. Pumailanlang na naman sa katahimikan ng paligid ang pagriring ng cellphone
Napatingin siya sa wall clock. It's just four in the morning.
"Iver." She tried calling him. "Iver... wake up."
He moved from his sleep and pulled her closer. Doon niya napansing nakahawak ito sa kanyang bewang. Sa pagkakahila ay bumagsak siya sa dibdib nito.
She poked his cheeks. "Iver, your phone is ringing. Wake up."
"Hmm?" He asked sleepily.
Umayos siya ng upo. "Your phone. Wake up now."
He sleepily open his one eye then followed by the other. He look at her. "Hmm?" Tanong nito muli habang kinukusot ang mga mata.
"Your phone. Kanina pa nagriring."
Pipikit-pikit pa ito habang kinakapa ang cellphone sa bulsa. Ibinalik nito ang isang kamay sa kanyang bewang. She rolled her eyes. Para namang tatakbo siya eh.
"H-hello?" He answered sleepily.
Napasandal siya sa sofa habang hinahayaang makipag-usap ito. She closed her eyes. It's just four in the morning.
Sumandal ito sa kanyang balikat. She opened her eyes and look at him. His head burried on her shoulder as he talk on the phone.
"Flight?... today?... oh shoot!...yes i'll be there... oo, heto na... I didn't forgot about it man, I just woke up that's why..." Matapos nitong magpaalam ay pinatay nito ang tawag. Nanatili ito sa kanyang balikat.
"Iver... you're supposed to get up and leave. Mali-late ka sa flight mo." Paalala niya.
"Five more minutes, baby. Hmm?"
"What time is your flight?"
Mas lalo itong sumubsob sa kanya. "Five-thirty."
"Iver get up now. Nasa Belladona ka, baka nakakalimutan mo. It's an hour away from the city."
"I can make it thirty minutes away."
She sighed. "Iver... c'mon. Don't make me repeat myself again." Banta niya.
Umayos ito ng upo at tumingin sa kanya. He pouted. "Bakit hindi ko matanggihan kapag ganyang boses na ang gamit mo?"
Tinaasan niya lang ito ng kilay.
He sighed defeatedly. "Fine. I'll go now. Let me just go to the bathroom."
Tumango siya at pinanood itong tumayo. Mabuti naman at hindi na ito nagpumilit. Tumayo na rin siya at pumunta ng kusina habang inaayos ang pagkakapusod ng kanyang buhok. Kailangan niya ng tsaa.
She was pouring the hot water on the cup when he emerged from the bathroom.
Lumapit ito sa kanya at yumakap mula sa likuran. His chin resting on her shoulder. "Green tea again, I see."

BINABASA MO ANG
Perfect Strangers (Bachelorette Series 6)
RomanceBook Six of Bachelorette Series ✔️ Completed Lj, i'm scared. I'm scared that you can live without me. I'm scared cause you're strong enough to not need me in your life, that you can go on even without me. Like I wasn't really necessary in your life...