Chapter 21

13.1K 411 104
                                    

Chapter Twenty-one

Sunod-sunod at walang habas na pagkatok ang narinig niya sa labas ng kanyang condo unit. Napatingin siya sa orasan habang patuloy sa pag-strum sa hawak na gitara, alas diyes ng umaga. Who could be knocking this early? Sabagay, wala naman siyang balak pagbuksan kung sino man ito.

Nagkibit-balikat siya at itinuloy ang pagstrum sa gitara. He's not playing a particular song, basta marahan niya lang na ini-strum ang gitara with no particular song playing. Gaya ng buhay niya ngayon. Walang direksyon.

Muli ay malalakas na katok ang bumulabog sa kanya. Inis siyang napatingin sa pinto. Kulang na lang ay balibagin na ng kung sinong kumakatok ang kanyang pinto.

Tsk. This one is persistent huh?

Isa na namang batch ng malalakas na katok ang sumagot sa iniisip niya. Tamad siyang bumangon mula sa pagkakaupo sa couch at tinungo ang pinto. Gusto niya ng katahimikan and the one knocking is not giving it to him. Binuksan niya ang pinto at bumungad ang galit na Nita na umaamba na naman ng katok.

"Mabuti at naisipan mong buksan ang pinto." She crossed her arms and raised an eyebrow at him. "Akala ko inugatan ka na sa pagkukulong mo diyan sa loob ng condo mo."

He don't have all the time for her scolding and shits. Akmang isasara na niya ang pinto nang mabilis nitong maiharang ang katawan sa hamba ng pinto kaya wala siyang choice kundi bitinin ang pagsasara para hindi ito maipit. She took that as an opportunity and smoothly slid inside his condo.

Padabog niyang isinara ang pinto. "What do you want Nita? I want to be alone."

Napatingin ito sa hawak niyang gitara at mas lalong nagtaas ng kilay habang prenteng nakaupo sa single seater na sofa ng kanyang living room. Inilapag niya ang gitara sa coffee table at walang buhay na umupo sa mas malawak na sofa.

"Iver. Magkaliwanagan nga tayo. Didn't I gave you three days to fix your shit and get yourself together?" Kalmado ang boses na saad nito.

Tumango siya. Walang ganang magsalita.

"Then what is this?!" She suddenly burst out. "Oo nakipag-inuman ka ng walang humpay sa mga kabanda mo ng three days, pinagbigyan ko kayo. Kahit muntik ng mareklamo si Paul sa home owners association ng village niya kakasigaw mo sa pangalan ng babaeng yon tuwing lasing na lasing ka, to think na malayo ang mga kapitbahay ni Paul. Ibig sabihin ganon ka kalakas magsisigaw sa hindi mo naman teritoryo! Ginawan ko ng paraan para hindi makarating sa press just to give you a damn break. But what is this, Iver Cadwell?!"

"If you're just gonna scold me. Just get the hell out." He said boredly and pointed at his door.

"Hindi pa ako tapos!" Sigaw nito. Now she's fuming mad. "Ang sabi ko three days break lang Iver. Three days to gather yourself. Pero ano itong ginagawa mo?! Almost a month ka ng nagkukulong dito sa condo unit mo at ni hindi man lang sumasagot sa mga tawag text oh ano! My goodness Iver Cadwell. Papatayin mo ba talaga ako sa kunsimisyon?" Halatang nai-stress na ito sa kanya dahil panay ang banggit ng kanyang buong pangalan.

Kaya hindi na lang siya umimik tutal wala naman siyang sasabihin eh.

"Baka nakakalimutan mo ang mga commitments mo Iver. Ang Summer's Dawn. You can't just go MIA on us!"

"I told you. I quit." He shrugged like it was nothing.

Mas lalo itong namula sa galit. "So ano? Ganon ganon na lang? Itatapon mo lahat-lahat ng pinaghirapan niyo ng mga kabanda mo dahil lang sa nangyaring ito? All those years of hardwork to build a name in the industry. Kakalimutan mo yung passion mo for music dahil sa kanya? Last time I check, hindi lang sa kanya umiikot ang mundo! Iver, do not let what happened define you. You're better than this."

Perfect Strangers (Bachelorette Series 6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon